Sa simpleng reaction mo lang na love sa post ko, ay napapangiti na agad ako.
Dumating tayo sa bahay niyo at pinagbuksan tayo ng katulong ninyo ng pinto. Medyo nahiya ako nang maisip na mayaman ka pala. Bakit nga ba kita sinama at inilibre sa karinderya. Ngayon ko lang napagtanto na kaya siguro hindi mo ginalaw yung pagkain sa plato ay dahil hindi ka kumakain ng pagkaing pangmahirap. Na dahil sanay kang karne lang ulam niyo. Na hindi ka nag-uulam ng sabaw lang ng Sinigang. Ikaw pa nga yung nagbayad ng pamasahe sa taxi. Nagulat na lang ako nung iabot mo sa driver ang isang libo. Wala akong ibang nagawa kanina. Hindi ko masabi na ako na lang ang magbabayad. Hindi ko masabi dahil wala na talaga akong pera. Dinukot ko na lang sa bulsa ng medyo basa kong pantalon ang bente pesos na sukli ko kanina. Tahimik na tinitigan ang papel na pera sa palad ko, saka sumunod sa pagpasok sa bahay niyo.
Malaki ang subdivision na tinitirhan niyo. Sa sobrang kilig ko kanina habang hawak ang kamay mo ay di ko na pansin na pumasok tayo sa gate ng subdivision. Nalungkot ako sa kadahilanan na wala daw sa bahay niyo ang mga magulang mo. Ngunit bahagya ring natuwa dahil hindi ko na kailangang magpakitang gilas at pilitin na magustuhan nila ako.
Pinaghanda tayo ng katulong niyo ng maraming pagkain. Sa unang tingin pa lang mukhang nang masarap, paano pa kaya kapag natikman ko na. Para akong nananag-inip. Hindi ako makapaniwalang makakakain ako ng pagkain na tulad nito. Nakikita ko lang ang mga pagkaing tulad nito sa mga advertisement sa Facebook at suggested pages na nila-like ng friends ko.
Kung hindi ko lang napansin sa bintana ninyo na madilim na pala sa kalsada ay mas gugustuhin ko pang makasama pa kita. Kahit na labag man sa loob ko ay nagpaalam ns ako sayo. Nag-aalala akong makita tayong magkatabi ng magulang mo. Baka kung anong isiin nilang masama. Mas mahihirapan ako kung paglalayuin nila tayong dalawa.
"JaeShone paalam na." Isang masakit na salita.
"Hanggang sa muli, Cassandra." Hanggang sa muli. Gagawa ako ng paraan para muling makita ka.
Naglakad ako palabas ng subdivision. Walang panahon para mag-inarte kasi wala naman akong pampamasahe. Halos alas-diyes na rin ako ng gabi nung makauwi. Pagod man sa mahabang araw ay di ako magawang dalawin ng antok. Marahil ay pagka't di ako makapaniwalang nagkita na tayong dalawa. Tiningnan ko kung online ka pa kaso mukhang di ka pa nag-bubukas ng account mo mula kanina. Nakaidlip ako saglit bago mapagpasyahang mag-post ng status umaasang magigising ka. Naghintay ako, hinintay kong i-like mo kaso nabigo ako. Natulog ako ng alas-singko ng umaga na may hinanakit sa puso.
Nagising ako dahil sa hampas ng isang malambot na bagay sa aking ulo. Hinampas lang pala ako ng unan ng Auntie ko.
"Ikaw na bata ka ah! Alam mo bang tanghali na. Tingnan mo ah, alas-otso na ng umaga. Wala ka pa bang balak bumangon sa higaan?"
Hindi ko manlang nagawang mag-protesta sa paghampas niya. Bumaba na ako para kumain. Matapos nito ay ginawa ko na ang aking tungkulin.
"Pare open time."
"Tol, dalawang oras lang."
BINABASA MO ANG
Friend Request (Ignore or Accept)
RomanceSi Cassandra Miguel ay isang simpleng babae na na-in love sa isang lalaking nagngangalang Jae Shone na nakilala niya lang sa Facebook. Sa simpleng pag-send ng friend request nagsimula ang lahat. Ano kaya ang maaaring kahantungan kung wala naman ta...