Chapter 4: (Pretender)

62 3 2
                                    



Chapter 4: Pretender




"Nananaginip yata ako" I said. Kilalang kilala ko talaga yung boses niya. Oo siya nga. Si Edward nga!




"Wag kang maingay,daldal mo!" Naiinis na sabi na pabulong ng katabi ko. Si Leinard. Until now nagtatago parin kami at pinapakinggan ang nag uusap sa loob ng room nato. Walang masyadong tao kasi nga lumang building!




"Good girl" sabi nung lalaki which is si Edward. Tingin ko ha,hinila ko si Leinard and tingin ko nagulat siya. Gusto kong makasigurado kung siya nga yun kahit di ko pa alam kung sino yung babae.



"Bullshit" sabi ng katabi ko. O___O anong ginagawa nila? Bakit sila nag uusap? Si Ayessa at si Edward? Magkakilala sila? At anong dapat ipretend ng dalawang ito? Nacucurious nako ha?



"So tara? Happy Anniversary nga pala Baby" sabi ni Edward. What the fuck? Anniversary and baby? Di po ako palamura masyado pero tangina lang nagsink in na sa utak ko na niloloko niya lang ang bestfriend ko. Bwiset na lalaki to ah?



"Happ--" yan ang huli kong narinig dahil hinila na lang ko ni Leinard. Gusto kong maiyak dahil sa bestfriend ko. Walang hiya yang Edward na yan pati ba naman bestfriend ko na si Tin lolokohin niya. Bwisett!



Nakarating kami dito sa bench. Bakit ba naman kasi dinala dala pako ni Leinard don? Yun ba ang gusto niyang malaman at madatnan? At gusto niya ba talagang nasasaktan siya? Loko din pala tong si Crush e.




"A-ayos ka l-lang?" Tanong ko. Di maipinta ang mukha niya eh kasi naman eh. Arrg! Kelangan talaga malaman to ni Tin. Ay hindi,ayoko. Masasaktan lang ang kaibigan ko. Ayokong nakikitang nasasaktan siya kaso paano na lang? Magiging tanga na lang ba siya habang buhay? Wag naman sana.




Napansin ko namang papalapit samin si Ayessa at nang bigla nalang ako halikan ni Leinard. O///O It's a deep kiss. Biglang huminto ng mundo at naging slow motion ang paligid ko. Totoo ba to? Nananaginip ba ako? Then bigla na lng siyang kumalas.





"Walang hiya kang babae ka!" At akmang susugurin ako ni Ayessa kaso humarang si Leinard. Si Crush hinalikan ako? Totoo ba talaga to? Second kiss ko na yun ah? O////O KYYYAAHH!




"Wag na wag mo siyang sasaktan" sabi ni Leinard. Eto ba yung ikinakakaba ko? Amp? Siguro nga. Kaso nako sira na naman image ko. Huhu!




"Ipinagpalit mo na ba ako? At sa babae pang iyan?" Sabi ni Ayessa. Wow parang hindi siya ah. Okay quite lang ako wala akong karapatan jan no.




"So anong ginagawa niyo ni Edward dun sa lumang building? Anniversary? Baby?" Tanong ni Leinard. Oo nga naman. Hhm?




"H-huh? A-anong pinagsasabi m-mo? W-wala akong a-alam" halatang natetense si Ayessa. Huli na nga sinungaling pa!




"Walang alam,alam ko na ang lahat Ayessa. Anniversary niyo at baby ang callsign niyo. Don't tell me na friends lang kayo. Then sasabihin mong wala kang alam? Sht lang Ayessa minahal naman kita diba? Kaso nawala eh,sinira mo pati tiwala ko. Nakakaputa lang Ayessa. Ibang school siya napasok pero pinupuntahan ka pala niya just to make you happy and me? Pinagmumukhang tanga Ayessa tapos eto?" Tinuro naman niya ako "sisiraan mo siya eh ikaw naman pala tong ibang iba. Can you please just leave us? Hinalikan ko siya kasi siya na ng mahal ko? Okay?" O////O sabi niya yon? Toungueina lang ha! Totoo ba to?




"Okay fine if that's what you want!" At umalis na si Ayessa. Moment nila yon pero bakit ako napasali? Bakit ako nadamay. Isa pa nalaman ko nga na niloloko lang ni Edward si Tin. Kelangan bang malamn to ni Tin? Hindi! Dahil masasaktan lang si Tin.




***



Leinard's POV



Tama ba ang ginawa ko? Hinalikan ko ang kaklase ko para lang kay Ayessa? Selfish na kung selfish kaso ang akala ko magseselos si Ayessa. Bullshit! May Edward na pala siya. Kaya pala napunta yung walang hiyang lalaking iyon dito sa Campus. Tangina lang!




Sinabi ko kay Ayessa na mahal ko tong babaeng to even if it's not? Am I so stupid? Am I so being selfish? Para lang magselos si Ayessa. Yeah, mahal ko parin si Ayessa and I'm so stupid kasi alam ko na ngang niloko niya ako pero ganon parin.




"Sorry ha?" Sabi ko. Ang alam ko lang kaklase ko siya,naririnig ko ang name niya and ang alam ko Aubrey is her name. Matagal ko na siyang napapansin lalo na nga at kasama siya ni Tin. Ang kaibigan ng pinsan kong lalaki.




"A-a-ayos l-lang na-n-naman" halatang kinakabahan siya. Sht! Sht lang Leinard nilagay mo sa kapamahakan ang isang babaeng walang kamuan muang. Gusto kong mapabalik sakin si Ayessa pero ano? Gagamit ako ng ibang tao para lang don? Ayoko!




Kelangan kong linisin ang name ng babaeng ito at ayusin ang lahat kaso PAANO? Nasabi ko na at nagawa ko na mahal ko tong babaeng ito. Crap! Gagawa ako ng paraan para lang sa lahat ng to. Kelangan mapabalik parin sakin si Ayessa. 3 months palang ang pinagsamahan namin tapos sila ni Edward? Years ang inabot? Bullsht lang huh? Bakit ba ako ganito katanga? Mahal na mahal parin kahit niloloko na?




Aubrey's POV




Umuwi na ko sa amin. Ihahatid na sana ako ni Leinard kaso wala ako sa mood. Friday ngayon at Saturday bukas. Malamanh common sense naman Aubrey tsk. Mukha na akong tanga dahil kanina pa akong tulala dito sa kwarto!




Ano ba kasing nangyayari sakin? Sa paligid ko? Diba eto naman ang gusto ko? Ang makasalamuha ang crush ko na si Leinard? Kaso bakit parang wrong way naman ata? Bakit ang way nang pakikipagclose namin ay sa mali? Yung masisira ang image ko. Kaso tama naman ah,si Ayessa ang nanloko at hindi si Leinard.




Ang iniisip ko rin ay paano na lang si Tin? Ang bestfriend ko na niloloko na pala ni Edward ng ilang years. Eh halos mag 2 years narin tong dalawa so ibig sabihin nagtaksil siya kay Tin. Bwiset na lalaki yun ah. Ang malaking katanungan din sakin , sasabihin ko ba kay Tin ang totoo para mamulat na siya sa katangahan niya? Sorry for the word pero I'm just telling the truth at hindi ako plastik sa kaniya dahil sinasabi ko yan harap-harapan. O mananatili akong tahimik dahil ayokong nakikitang nasasaktan si Tin? Ugh!!!




Bakit ba ang galing nilang Pretender? Nakakainis sila. Andaming nadadamay.






Dear Crush [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon