Rielle

87 3 1
                                    

Kinabukasan, hindi na ako maagang pumasok sa school. Hindi na din ako nagpahatid sa mga kuya ko, hinintay ko lang si Pierce kasi balak kong mag-sorry sa kanya. Kaso ang bugok ay isang oras na yata akong naghihintay dito ay hindi pa dumarating. Bwisit! Hwagmong sabihin na hindi sya papasok? Kung kailan naman kakausapin yung tao saka naman wala.














Nilingon ko yung bahay na nakasarado na kasi kanina pa umalis sila kuya at napailing nalang ako, no choice kundi ang maglakad. Bwisit! Walanghiyang Pierce yan. Dahil nga sa kakahintay ko dun ng wala, late na ako sa unang klase at si kuya guard ay talagang ininis pa ako. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso nalang sa room.














Pagdating ko dun ay nagtuturo na si Miss Eugenio na naantala lang nung bigla akong sumulpot. Agad na hinanap ng mga mata ko si Pierce at nandun nga sya, natutulog sa klase. Ang kapal naman nito! Nandito lang pala! Himala yata na maaga sya ah. "You can take your sit now Miss Sandoval." Sabi ni Miss at tumango nalang ako bago naglakad palapit sa upuan ko. Gusto ko sana syang batukan at ingudngod sa pader ang mukha kaso naalala ko na makikipagbati nga pala ako sa kanya, binagsak ko nalang ang bag ko at nagbakasakaling lumingon sya kaso tulog mantika na. "Problema mo?" Bulong ni Gail ng makaupo ako. Umiling nalang ako at tumingin sa harap.













Mayamaya pa ay naramdaman kong may kumalabit sakin, pagtingin ko si Emman, "Okay ka lang?" Tanong nya at gaya ni Gail ay umiling lang din ako. Hindi ako okay, bwisit na bwisit ako kay Pierce kasi hinintay ko sya pero nauna na pala sya. Walanghiya! Bakit ba kasi ako nasanay na lagi syang nasa tabi ko? Futa lang ah! Futa.













Nung break time na huminga ako ng malalim kasi pagkakataon na to para kausapin si Pierce kaso paglingon ko ay wala na sya sa upuan nya. "Nasan na yun?" Gulat kong tanong kina Emman. "Umalis na. Bakit? Hindi ba't iniiwasan mo naman sya?" Sabi pa nito kaya napabuntong-hininga lang ito. Futa! Siguro nagsawa na yun sakin. "Yan kasi, pinagmukha mong tanga." Segunda pa ni Gail kaya tinaasan ko sya ng kilay. "Baka gusto mong masupalpal sa sahig Gail? Libre yun." Sabu ko at agad naman syang nagtago sa likod ni Emman.













Gaya ng dati nag-aaral kami tuwing break time kaso ngayon wala naman si Pierce kaya itong dalawa lang ang nasa harap ko at naglalandian. Mga harot talaga to, napasimangot nalang ako kasi kanina pa ako paikot-ikot at hinahanap kung nasa ang lalaking yun kaso wala. Hindi ko alam kung saang lupalup napadpad.















Nung third period na tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na makakausap sya kasi hindi na sya pumasok. Bwisit talaga. Ang kapal ng mukha nyang iwasan din ako ah! Nung uwian sa hapon ay nagmadali akong pumunta sa gym kaso gaya kanina, bigo parin ako kasi wala sya, nagagalit na nga si couch kasi last na praktis na nila ito, nacancel kasi yung game nila na dapat ay ngayon. "Sandoval, pakitawagan nga si Acosta kung alam mo kung nasan sya." Sabi ni couch ng makita ako. Kung alam ko eh di sana kanina ko pa ginawa. "Hinahanap ko din po sya couch." Sagot ko at tumango lang ito. "Hayaan mo na couch, hahabol din siguro yun mamaya." Sabi nalang ni Emman.














Since wala naman ang sadya ko dun, umalis nalang din ako oara umuwi. Bwisit naman ang araw na to! Ano ba ngayon? Hindi naman siguro friday the 13 diba? Hindi ko alam kung dahil ba sa sama ng loob at bigla nalang akong naluha habang naglalakad mag-isa, ang masaklap pa ay umaambon. "Puta kang Pierce ka! Masamid ka sana." Umiiyako kong sabi sa kawalan. Shet! Mukha na akong nababaliw nito.














Mas lalo lang umagos ang luha ko ng bigla nalang bumuhos ang napakalakas na ulan. Luminga ako para maningin ng pwedeng silungan kaso wala! Nadaanan ko na pala yung waiting shed kaya nagtuloy-tuloy nalang ako. Di bale na, malapit na yung bahay, kasalanan tong lahat ni Pierce. Bwisit sya.














Natatanaw ko na yung bahay namin ng naramdaman kong hindi na ako nababasa, tumingin ako sa paligid para masiguro kung tumigil na ba ang ulan kaso nagtaka ako kasi malakas pa naman ang buhos nito. Timingala ako at nakita ang taong kanina ko pa hinahanap, basang-basa din sya kaso may hawak syanh payong na syang sinisilungan ko ngayon. "Bakit ka nagpaulan? Magkakasakit ka nyan." Sabi pa nya. Yung kaninang luha ko, mas domoble pa ang agos. Gusto ko syang sapakin at paulanan ng malulutong na mura kaso ni isang kataga walang lumabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak. "Sorry." Sya pa ngayon ang humihingi ng tawad eh alam ko namang kasalanan ko.















Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakayakap na pala ako sa kanya, bwisit sya! Nagpapamiss sya! Oo na, aamin na ako! Gusto ko sya at ayaw ko syang mawala sa paningin ko. "Hwag kang mag-sorry, lalo akong nakokonsensya." Sabi ko at naramdaman ko nalang ang paghaplos nya sa buhok ko habang nakayakap din sakin. Walang nagsasalita samin hanggang sa inilayo nya ako ng bahagya at tinignan sa mata. Gusto kong umiwas kaso pakiramdam ko, nahihipnotismo ako sa paraan ng pagtitig nya sakin. Hanggang sa namalayan ko nalang ulit na nababasa na kami ng ulan, at ang masaklap hinalikan nya ako. FUTA! HINALIKAN NYA AKO!















Ang mas masaklap pa, TUMUGON AKO SA MGA HALIK NYA! WALANGHIYA! MALANDI KA RIELLE! MALANDI KA! Nagwawala ang isipan ko pero ayaw ko namang bumitaw. Pagkaraan ng ilang saglit ay tumigil na sya at muli akong niyakap. "Mahal kitang baliw ka." Sabi pa nya at sa pagkakataong ito, alam kong nakangiti sya. "Gago, mahal mo nga tinawag mo namang baliw." Sagot ko at nadinig ko lang syang natawa. Hinawakan nya ang kamay ko at muling pinulot ang payong. "Tara na." Sabi nya bago ulit kami naglakad papunta sa bahay.















Pagdating dun ay agad na akong dumiretso sa taas kaso naalala ko sya, basa rin sya at alam kong wala syang dalang damit. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papasok sa kwarto ni kuya MM at kumuha ng shirt at shorts nya. Bumalik ako sa sala at binato yung sa mukha nya na nasa may pintuan pa at giniginaw. "Sweet na sana kung hindi mo lang tinapon sa mukha ko." Ngisi pa nito at inirapan ko nalang sya. Umakyat ulit ako para maligo at magapalit.














Pagbaba ko ay nakapalit na sya at nakaupo sa sofa at nakangiti ng malapad. Ngumiti din ako pabalik at naglakad palapit sa kanya. Nung makalapit na ako at agad ko syang sinapak ng napakalakas. "Aray! Para saan yun?!" Gulat na gulat sya sa ginawa ko. "Gago ka! Pinaghintay mo ako kaninang umaga! Hindi mo pa ako pinansin sa school tapos kanina wala ka na naman! Bwist ka!" Pagmamaktol at saka naupo sa tabi nya. Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko. "Sorry na, iniiwasan mo naman kasi ako diba? Kaya para hindi kana mahirapan, ako nalang ang gumawa ng paraan para dina tayo magtagpo." Sagot nya kaya binatukan ko lang ulit sya.
















"Bakit ang bait mo? Bwisit ka talaga!" Sagot ko at natawa lang sya. Hinila nya ako palapit at saka inakbayan, "Kinilig ka naman." Sabi pa nito. At hindi nalang ako nagsalita. Tama kaya itong desisyon ko? Sana lang talaga hindi ako masaktan sa huli.

HighSchool Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon