Maiksi lang na tip ito.
Kahit ako ay aminado na may mga mali-mali akong paggamit ng mga punctuations at grammar... pero kung talagang gusto mong i-pursue ang pagiging manunulat balang araw, it's time for you to do something about it.
Aside sa pagiging aware mo sa kung ano ang mga kamalian mo, kailangan mo ring i-apply ang mga tama. Dito na papasok ang pagiging OA mo.
Me, kahit sa mga simpleng chat, posts, sinusubukan kong mag-capitalize, mag-apply ng tamang punctuations, buuin ang mga salita, 'wag mag-jeje type, etc. Sa una ay mahirap at pwedeng ma-turn-off sa'yo ang mga taong kausap mo pero makakasanayan mo rin 'yan. Para kapag gumagawa ka na ng MS, force of a habit na lang sa'yo ang punctuations and capitalizations.
So far, medyo nasasanay na ako. Pati sa e-mail with a publishing editor, hindi na ako masyadong nahihiya dahil atleast may kaunting kasanayan.
But don't stop there. Improving is a cycle of exploring and learning.
(Next... May tutorial akong gagawin tungkol sa 3rd person POV pero saka na lang 'pag hindi na masyadong busy.) Ciao.
BINABASA MO ANG
Writing Tips and Advices by Whamba
RandomMainitin ang ulo ko pero hindi ko naisipang maging ranter. Imbes na manlait ako, tutulong na lang ako sa mga nangangailangan ng improvement sa kanilang mga gawa. Yan ang sampal ko sa mga nagkalat na critique-kuno rito.