Nagulat pa ako nang pag-bukas ko ng pinto ay nando'n na si Steph, nakahalukipkip at matamang nakatitig sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin at umupo 'tsaka sinarado ang pinto.
"Ang kulit mo talaga eh 'no?"
Nag-pretend akong 'di siya narinig at tumingin na lang sa bintana habang tinatahak namin ang daan pauwi. Narinig ko pang napa-buntong hininga siya.
"Okay, mas maganda pang 'wag na lang pag-usapan, pero please lang Mica, tantanan mo na 'yong tao. Baka 'yan pa ang sumira sa carreer mo."
Hindi ko pa rin siya nilingon. Hindi ko kailangan ng kausap ngayon.
Bago ako bumaba ay may inabot pa siya sa'king brown envelope na walang imik ko namang tinanggap. Pag-pasok ng bahay ko ay nag-palit agad ako ng komportableng damit bago sumalampak sa kama.
Hinagilap ko ang phone ko para libangin ang sarili ko at makalimutan 'yong nangyari kanina. Makapag-snapchat na nga lang. Napatigil ako sa ginagawa ko nang biglang mag-ring ang door bell. Sino kaya 'yon? Wala naman akong ini-expect na bisita.
Tumayo ako at dumiretso ng pinto. Sisilipin ko sana sa peep hole nang maalala kong wala palang gano'n ang pinto ko. My Gosh. Need ko palagyan 'to ng peep hole.
Wala tuloy akong ibang choice kung hindi buksan 'yon without knowing kung sino 'yon.
"Hi!"
Napaatras ako ng dire-diretso siyang nag-lakad papasok. Halos manliit ang mga mata ko nang makitang umupo siya sa sofa ko. Bahagya akong napatulala. Ba't nandito ang gwapong hayop na 'to?!
"Anong--Sino ka?!" Imbis na sumagot ay nagulat pa ako nang bigla niya 'kong higitin at akbayan.
"It's The 'Andro Pio', Kaye Mica, nakalimutan mo agad ako?"
Sakto namang bumukas ang pintuan kaya napatigil ang plano kong pag-sigaw.
Nasilaw pa ako sa biglaang flash ng camera na nasa harap namin. What the hell is suddenly happening?! Hindi ko alam kung anong dapat unang gawin, ang sawayin ang hinayupak na may hawak na camera o ang sapakin ang kumag na naka-akbay sa akin.
"Nice timing! Thank you, Pio. Bagay talaga kayo. Sana mag-tagal kayo"
At parang bulang nawala ang paparazzi--wait 'di na paparazzi tawag do'n. Shit! Mabilis kong kinalas ang pagkaka-akbay sa akin ng hayop at akmang tatakbo na sana palabas para habulin 'yon pero naunahan naman ako ng gwap--I mean gago.
Naisarado niya agad ang pinto at humarang pa sa daan.
"What was that?!" bulyaw ko
Napahawak naman siya sa tenga niya. "Don't shout. Masakit sa tenga."
Napatiim bagang ako habang nakatingin ng matalim sa kanya. He gave me a tooty grin at akmang tatalikod na sana ng higitin ko ang hem ng hoodie niya.
"Ano sabi 'yon eh?!" sigaw ko na naman. That's invading of my privacy! Someone barging on my apartment without any consent! I'm not allowing that!
Napabuntong hininga pa siya bago humarap sa akin.
"'Hindi ba pinaliwanag sayo ni Stephanie?"
"Anong--" nabitin ang sasabihin ko nang makarinig kami ng ring tone. Nilabas niya ang phone niya sa bulsa ng suot niyang hoodie.
"I need to go. Itanong mo na lang sa manager mo."
'di ko na siya nagawang pigilan dahil mukhang importante 'yong tawag. Napasimangot na lang ako bago isarado ang pinto. Ano bang nangyari?! Ang weirdo din ng lalaking 'yon eh. Parang kanina lang no'ng meeting, sobrang sungit niya, ta's kani-kanina lang parang bata. May bipolar disorder yata.
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
General FictionKaye Mica Sevillano is a top fashion supermodel known for her beauty, intelligence, and confidence, but behind the fame, she feels trapped by her mysterious past and longs for something more genuine. Her life changes when she meets Andro Pio Sulliva...