Raine's Pov (Not edited)
( Date: 04-12-20
Gusto ko lang sabihin na madaming pag babago ang gagawin ko sa istorya na ito. Yun lang thank you.Ps. Sorry for grammatic errors!)
Kanina pa akong tahimik habang nakaupo sa passenger seat nitong kotse, habang si Tyler naman ang nag di-drive. Gaya ng nasabi ko kay Joey kahapon ay patungo nga kami ni Tyler sa batangas para sa 1 week "honeymoon" namin. Regalo ito ni Sir este lolo Tyrone para sa'ming dalawa, sa katunayan ay sa barcelona kami dapat pupunta ngunit hindi iyon sinang ayunan ni Tyler sa hindi ko malamang dahilan.
Sa mahigit trenta minuto naming pag byahe ay ni isa ay wala pang nag sasalita. Napudpod na ata ang daliri ko sa kalalaro ko doon, ngunit wala talagang nag sasalita sa amin. Hindi ako sanay na tahimik. Madaldal akong tao, you know.
"Ahm, Tyler?"- hindi ko napigilang sabi. Ngunit wala man lang akong nakuhang tugon mula kay Tyler. Napanguso naman ako at naibaling na lang ang tingin sa labas ng bintana. Kung ganito kami lagi, mapapanis ang laway ko. At hindi din naman pwede na ganito lang kami. Matagal-tagal din kaming mag sasamang dalawa.
Paano na lang, diba?
Wala sa sariling napabuntong hininga na lamang ako, ngunit sa gulat ko ay panabay naming ginawa iyon ni Tyler, kaya naman napabaling ako rito. Nagulat pa ako ng sumulyap ito sa akin.
"I-I don't know what to say."- sabi nito habang nakatuon pa din ang mga mata sa daan. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya kay Tyler kaya naman hindi ako nakapag salita.
Sa ganoon lang umikot ang oras naming dalawa. Ako na tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana at pinipilit mag isip ng maaaring maging topic namin. Habang si Tyler ay tahimik na nag mamaneho. Sa sobrang pag iisip nga ay hindi ko na namalayan na napaidlip na pala ako. Nagising na lang ako sa mahihinang tapik sa aking braso ng kung sino.
"Hey"- dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko napigilang mapangiti ng makita ang taong nakatayo sa aking harapan. Napaka-gwapo naman talaga ng lalaking ito oo, isa na marahil ito sa tinatawag na perpekto. Itim na buhok, makapal na kilay, mga matang namumungay, matangos na ilong at mapupulang labi, bagay na bagay iyon sa hulma ng mukha nito. Napaka perpekto.
"What are you doing?" - tanong nito. Nanlaki naman ang aking mata ng marealize ang ginawa ko. Holyshet?
"A-Ano... Asan na tayo?" - iwas kong tanong at pilit iginala ang tingin sa paligid. Nasa loob pa ako nang kotse habang si Tyler naman ay nasa labas na.
Taena naman Raine e. Anong ginagawa mo?
"We're here."- masungit na sabi ni Tyler at tumalikod na sakin. Agad ko naman tiningnan ang sarili sa salamin na nasa kotse. Baka kasi may laway na pala ako sa aking mukha, hindi ko pa alam. Nang matapos ang pag tingin sa sarili ay agad na akong bumaba at hinanap si Tyler. Nakita kong may kausap itong matandang lalaki, kaya lumapit ako roon.
"Aba ser, ito na ba ang asawa mo? Kegandang babae."- may punto ang pag sasalitang sabi ng matanda. Hindi naman nag salita si Tyler at tumango lang.
Buti pa ang matanda, alam tumingin ng maganda.
"Hello po, magandang araw po ako nga po pala si Raine."- magalang kong bati at pakilala.
"Ay, magandang araw din po mam, ako ho si Idong nangangasiwa nitong resort" - sabi ng matanda. Hindi ko na nakausap ang matanda dahil kinausap na ito ni Tyler. Tahimik lang ako habang pinag mamasdan muli ang paligid.
Narito na kami sa entrada ng resort na pag mamay-ari ata ng pamilya nina Tyler. Kung titingnang mabuti ay masasabi mong mukhang high class resort ito. Entrada pa lang bongga na, paano pa kaya pag nakapasok na kami sa loob, tuloy naexcite na akong pumasok at libutin ang lugar.
Mukhang masaya to!
---
"What the-------! RAINE?"
Agad akong napangisi nang marinig ang malakas na sigaw ng aking mahal na asawa. Narinig ko ang nag mamadali nitong yabag, kaya naman agad kong inayos ang aking itsura.
"Raine!" - sigaw muli ng aking asawa na nasa aking likuran na. Pinilit kong maging mukhang inosente kahit natatawa na ko sa kabaliwang ginawa bago bumaling rito. Sumalubong sa akin ang isang nakakamatay na tingin, kung nakakamatay lang siguro ang tingin at titig ng mga tao ay kanina pa marahil ako nakabulagta. Ngumuso ako sa harap nito at napansing lalo lang nag igting ang mga panga nito, marahil dahil sa inis. Kung pag mamasdan ay tila mangangain na ito ng tao. Maitim ang awrang nakabalot sa paligid nito, nanlilisik rin ang mata nitong nakatingin sakin.
"Y-Yes bebe?" - sabi ko habang nakanguso pa din. Gusto ko ng matawa, dahil siguradong mukha akong pato ngayon. Ngunit hindi ito ang panahon para pag tawanan ang sarili, dahil kailangan ko munang paamuhin ang gwapong lobo na nasa harap ko. Rawwr.
"YOU!" - galit na sigaw ni Tyler sa'kin at talagang itinuro pa ako.
"Me? "- tanong ko rito.
"Yes you, may iba pa bang tao dito maliban sa ating dalawa?" - malakas na sigaw ni Tyler. Gusto kong mapatakip ng tainga dahil sa sigaw nito. Bakit ba naka full volume ito ngayon nakakabingi!
"Bebe, relax. Ano pang problema?" - pinalambing ko ang boses at bahagyang pinikit-pikit pa ang mga mata bago tumayo sa kamang kinauupuan kanina. Napansin kong nangunot ang noo ni Tyler dahil siguro sa ginawa ko.
Ang cute ko ba naman. Hayst.
"Tsk. Disgusting."- masungit na sabi ni Tyler. Nabigla naman ako doon.
Tangina mo Tyler!
Hindi ko pinansin ang sinabi nito kahit gusto ko na itong batuhin ng lampshade na nasa aking gilid. Mag timpi ka Raine. Hindi ikaw ang kailangang mabwesit. Hehehe. Ngumiti ako rito habang patuloy na lumalapit.
"Ano ba yun bebe?"
"What is this?" - nakakunot ang noong tanong ni Tyler habang itinataas ang kamay na may hawak-hawak na isang kaperasong tela.
"What's that?"- maang kong tanong kahit alam ko naman kung anong tinutukoy nito. Malamang! Ako ang naglagay noon eh.
"You do not know? Sayo 'to hindi ba?"- tila nawawalan nang pasensya na tanong nito sa' kin. Sa gulat ko ay bigla nitong ibinalandra sa harap ko ang hawak nitong maliit na pulang tela.
"O-Oh my god, panty ko 'yan bebe!" - nakakaramdam man nang hiya ay pinilit kong gampanan ang aking ginagawa. "Bakit hawak-hawak mo' yan, bebe naman bakit mo pinag nanasaan ang panty ko----------"
"What? No!" - agad nitong binitawan ang aking panty, kaya naman nalaglag yun sa sahig. Hindi ko 'yun pinansin at tiningnan lang si Tyler ng nakakaloko. Napansin nito ang aking titig. Gusto kong matawa ng mapansin ang pamumula ng tainga nito at ang bahagyang pagkailang.
Yieeh! Nahihiya ang bebe ko!
"Stop what you're thinking!" - muli na namang sigaw ni Tyler. Halatang pinipilit nitong panatilihin ang seryoso nitong mukha at boses ngunit tinatraydor ito ng mapula nitong tainga.
"Eh, kasi naman bebe bakit ba hawak mo ang panty ko?" - kagat ang labing tanong ko rito. Pinipilit kong huwag talaga matawa.
"Your panties are spread out in bathroom. What do you think your doing?" - sabi nito. Sa wakas narinig ko rin ang sasabihin nito.
"What? What's wrong with that?" - tanong ko. Tila naman naiskandalo ang itsura nito ng marinig ang sagot ko.
"What's wrong with that? Really Raine? Ginawa mong banderitas yang mga yan!"