Freya POV
Pagpasok ko sa office ngayon ay nasa akin lahat ang tingin ng mga ka officemates ko. Hindi na ako magtataka kung bakit. Dahil ba naman sa nangyari kahapon for sure magtataka talaga sila. Halos isang buwan pa lang ako dito sa office as junior copy writer.
"Freya may something ba sa inyo ni sir Eros?" tanong ni Camille. Siya din kasi ang kasabayan ko na nahire kaya palagay na ang loob ko sa kanya.
"Yung dad niya at dad ko ay magkaibigan at business partner." sagot ko.
"Ahh ganon ba? Ingat ka sister kasi nung umalis kayo kahapon sobrang nagalit si Miss Malonzo. Lahat nga kami pinag-initan niya. Speaking of her, ayan siya at papalapit dito. Sige girl work mode muna ang beauty ko." at bumalik na ito sa table niya.
"Where have you been yesterday Miss Lee?" tanong ni Miss Malonzo. Miss Malonzo was our senior Copy Writer, in short under ako sa kanya.
"Ahh kasi Miss Malonzo...." naputol ang sinasabi ko ng may biglang magsalita sa likuran ko.
"She is with me yesterday Miss Malonzo." sagot ni Eros. Napansin ko na nagbubulungan ang ibang mga ka office mates ko.
"Pero undertime ang ginagawa niya at bawal yun sir. At isa pa ako ang superior sa kanya that's why dapat nag-papaalam muna siya sa akin." sabi nito.
"But I'm the boss here at ako ang nagsabi na sumama siya sa akin." sagot ni Eros na mas lalong nagbulungan ang mga kaoffice mate ko. Inirapan lang ako ni Miss Malonzo. Based kasi kay Camille ay isa ito sa mga Ex ni Eros. PATAY AKO NITO.
"Nga pala guys para sa kaalaman ninyo half of the share in Kim Advertisement is owned by Mr. Andrew Lee, Freya's father. In short she is also the owner of this company. She is only working here para maitrained sa lahat ng mga pasikot-sikot sa business na ito. Kaya naman siguro hindi na kayo magtataka kung minsan ay umaalis kami ng walang pasabi because I trained her. Is that clear with you Miss Malonzo?"
"Yes Sir." inirapan ako at umalis ito.
"Okey. Back to work guys." sabi ni Eros at pumasok na sa office niya.
Sinundan ko siya...
"I didn't know na may kashare pala ako sa office." sabi nito.
"What was that?" tanong ko.
"Ang alin?" balik niyang tanong.
"Bakit mo sinabi sa kanila yun?" tanong ko.
"Sinabi ko ko lang ang totoo. May masama ba?" tanong ulit nito.
"Mas lalo mo pinalaki ang gulo." sabi ko.
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa ginawa ko? Atleast hindi na nila iisipin na may relasyon tayo." sabi nito.
"Sa tingin mo sa ginawa mo hindi ako lalo pag-iinitan ni Miss Malonzo. At isa pa wala akong pakialam kung isipin nila na may relasyon tayo dahil alam naman natin na wala." sabi ko.
"Oo nga naman Miss Lee kahit naman kailan wala ka pakialam sa iniisip at nararamdaman ng iba." sabi nito.
"And as your boss makakalabas ka na sa office ko." dagdag nito. Lumabas ako sa office niya at pumunta sa aking table. Nasobrahan yata ako sa mga sinabi ko.
"As one of my junior copy writer gawan mo ng slogan itong bagong product ng Kim Motor World. At ipasa mo sa akin mamaya before maglunch." utos ni Miss Malonzo. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.
"Ang harsh naman niya. Pwede naman niya ipagawa kay Kris dahil mas bagay sa kanya yan dahil guy siya at isa pa may itinatapos ka pa din ba yung sa bagong labas na perfume ng Kim?" tanong ni Camille. Tumango lang ako.

BINABASA MO ANG
KIM DYNASTY
FanfictionIt's about a well known family that despite sa pagiging magkakapatid lang nila sa ama ay ipinakita nila ang pagiging tunay na magkakapatid. Through thick or thin hindi sila nag-iwanan Enjoy all the series of this story from: *Kim Dynasty *Kim Clan...