Rianna's POV
Happy birthday to me sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong araw na ito kasi para sa akin lang na espesyal ang araw na ito syempre kaarawan ko, pero sa iba? i don't know if they remember pati ata sila mama di rin alam. Si papa kaya kung buhay pa sya babatiin nya kaya ako? Papasiyahin nya ba ako sa araw ko? Mamasyal ba kami?. Ang sakit kasi eh ang hirap tanggapin na walang may pakialam sayo, walang nag aalala sayo kahit ang sarili mong nanay walang pakielam sayo. kung ganon bakit pa ako binigyan ng another year para mabuhay?
Pinigilan ko na ang nagbabadyang luha na gustong kumawala. Start a day with a smile dapat, kahit na nasasaktan ka na.Sinagot ko ang cellphone ko na tumutunog.
"Hello?" pambungad ko
"Happy birthday riri. We love you alam mo yan. Wag kang masyadong magpadala sa mga problema mo ah.
Napaiyak ako nang marinig ko ang mga sinabi nya." Hindi agad ako makapagsalita kasi sila na lang ang pamilya ko ngayon.
"Ah oo naman. Para sa inyo, alam ko namang mahal na mahal nyo ako eh." Sagot ko ang hirap magpakatatag alam mo yon? pero dahil sa mga kaibigan mo kahit mahirap gagawin mo.Dalawa ang kaibigan ko. Sila na lang ang kayamanan ko. Sila ang kahinaan at kalakasan ko. Sila ang pamilya ko. Hindi ko ata kakayanin na pati sila mawala katulad ni papa.
"Riri? gusto mo magcelebrate tayo ni Joy?" Tanong ni Mae.
Si joy at mae lang ang tinuturing kong kaibigan parang hindi na nga kaibigan eh parang kapatid na.
"Wag na mae! ano ka ba, andami mo kayang gagawin dyan sa bahay nyo. aalagaan mo pa yang aso nyo ano ba wag na hahahaha" Bulyaw ko. ayokong maging madrama kasi pag kausap ko sila
"Hala! ang hard mo sakin. Peste ka hahaha. May regalo pa naman ako sayo" Ang hard ko daw pero kung makapeste sya
"Pa-LBC mo na lang. haha. Mapagod ka pa pag ikaw naghatid dito, basta pagnakita na lang tayo bigay mo sakin. Babush" at ay akin nang binaba. sanay naman silang pagnagbabush ako baba na agad next non.
~
"RIANAAAAAA!" napamulat ako ng marinig ko ang malakas na tawag sa pangalan ko. Magdamag akong nandito sa kwarto ko. Kaya siguro ganyan
"Bakit?" Sabi ko pagkabukas ko ng pinto.
"Anong bakit? baka gusto mong maglinis? Wag kang feeling prinsesa dyan" Buritong wika ni kuya. Miss ko na ang kuya kong lovable at sweet sakin. Pero ngayon parang katulong tingin nya sakin.
"Oo na. Magaayos lang ako dito" sabay sara ng pinto. Kung galit sila sakin pwes naiinis ako sakanila.
Hindi ba talaga nila alam na birthday ko ngayon? Kuya ko sya eh bakit ganon trato nya sakin? kung ako sinisi nya kung bakit namatay si papa sana mapatawad na nya ako for god's sake ang bata ko pa noon. Sana naman mapatawad na nila ako ni mama hangga't hindi pa huli ang lahat.
---
BINABASA MO ANG
LOSS
Teen Fiction"Damn! I loss my family, I loss my love, I loss my friend, This time I also losing myself" -Her