CHAPTER 5

10 0 0
                                    

“Anna, marami ba tayong arrangements for today?” tanong ni Madison sa sekretarya.

“Yes, ma’am. May meeting kayo with Mr. Chua by 9:30 AM, may meeting din kayo with Mrs. Bernardo diyan lang sa malapit na coffee shop tapo—” “All that? Can’t those people wait until tomorrow? Or at least one of them? I want one of those meetings cancelled. Please?” pagputol ni Madison sa sinasabi ng sektretarya.

“But ma’am, these are urgent meetings. We can’t cancel ‘at least one of them’.” Sabat naman ni Anna.

“Oh, god! I was actually thinking of going out with Joshua later. But, well… this is the business world. Maybe I should set it apart from my personal life. Thank you, though.” She said.

*

“Sigurado kang busy siya for today, ha? Lagot ka sakin kapag nakuha niya pa akong tawagan. Jusko, Anna!”

“Opo, sir josh! Sigurado po ako. Nagalit pa nga si Mr. Allegre nung ipa-advanced ko yung meeting nila para bukas eh!”

“Ok, sige. Pasensya na rin at sayo pa nagalit. I owe you one.”

“Wala yun ser Joshua. Basta ba abay ako eh!”

“Hahaha. Okay. Got that! Hahaha. :D” Pagkatapos na pagkatapos ng tawag na iyon ay binaba na agad ni Joshua ang cellphone at hinarap na ang kasama niyang kanina pa nakatutok sa kanya.

“Oh? Busy ha? Bilisan mo. Anong oras na!” sabi ni Agatha at umupo na ito sa passenger seat.

“Siguraduhing mong magaling yun ha. Saksakin kita pag hindi ako natuwa sa kanya ah! -____-” banta pa niya.

Nagbato naman sa kanya ng diyaryo si Agatha. “Oh! Aanhin ko to?!”

Siguro kainin mo. Leche. Basahin mo yung headline. Tignan lang natin kung hindi ako magaling mag-hanap!

|GEORGINA BUSTAMANTE RECEIVES FASHION DISTRICT AWARD FOR BEST RING MAKER|

Nakangising tumingin sa labas si Agatha nang matapos basahin ni Joshua yung headline. “Okay. I trust your fashion taste. Whatever. She really must be SOMEONE kung na-headline siya ng lifestyle section.” Sabi niya at pinatakbo niya na ang sasakyan (A/N:pinatakbo? O pinaandar? Weirdo author! Hindi alam ang tamang term! Anyway, ayan naririnig ko eh! Kaya ayan ilalagay ko! XD Pinoy eh! Maraming alam! :P)

Nakarating sila sa napagusapang restaurant nang mga 10 minutes matapos ang sinabing oras. Nakaupo naman na si Georgina sa may sulok nang dumating sila.

“Uhhhm? Are you the bride?” tanong ni Georgina kay Agatha.

“huhmkm…” nakatiim ng bibig si Agatha. Parang nagpipigil ng tawa. Halos isang minuto rin siyang ganun bago siya umiling.

“Kaibigan ako nung bride. Hindi nito alam ang magugustuhan ni babae kaya ako sinama. Ako yung tumawag sa’yo. I also sent you an email. Agatha? Agatha Sarmiento?”

“Oh! I’m sorry. Besides, I wasn’t expecting the bride to be present. I knew this would be a surprise.”

Napakunot ang noo ni Joshua at saka ito bumulong. “Alam mo na pala eh. Tuturo-turo ka pa ng kung-sinong panget!”

Narinig iyon ni Agatha kaya inapakan nito ang paa niya. “Owww!!!” sigaw niya at saka nilapitan si Agatha. “Why’d you do that for?!?!”
“Pwede bang wag mong pairalin ‘yang kasungitan mo dito. Konting respeto naman. Palibhasa, ikaw ang kliyente ngayon eh!” naiirita na si Agatha kaya hinarap na lang nito yung ring-maker.

Nakakunot na yung noo ni Georgina. Walang kaalam-alam sa nangyayari. “Never mind that. Anyway, where’d we start?” sabi ni Agatha.

Ngumiti naman si Georgina nun. Ini-explain ang iba’t ibang designs na pwede nilang gamitin.

“Now that we have discussed the designs, got any idea kung papaano natin makukuha ang ring size?” nakangiti pa ito nang tanungin sila.

Umiling si Agatha.

Umiling din si Joshua.

“Okay, now that’s a problem! I think I should meet you again, perhaps, the day after tomorrow will do? Get her ring size.” May inabot si Georgina na parang clamp, pero maliit lang.

“Clamp this around her ring finger. If you’d like, put a little allowance to it. You wouldn’t like the engagement to be spoiled, would you? That’s how you’ll get the ring size. Ikaw na mag-startegize kung paano yan makukuha nang palihim. I think you’re a very intelligent guy, anyway! Hahaha.” Georgina said that with a smile.

Umalis na rin ito, iniwan sila ni Agatha.

Tinawagan naman ni Joshua ang secretary ni Madison…

“Anna? Anong ginagawa ni Madison ngayon?”

“Sir, sa ngayon po, kakatapos lang ng meeting ni mam with Mr. Chua. Sabi niya po sa’kin, kakain lang siya saglit sa Chef Emmanuel’s. Yun lang po ba?”

“Yes. Salamat.” At nag-hang-up na siya.

Tinitigan ni Joshua yung clamp na nasa isang kamay niya. Paano ko naman kaya makukuha yung size nung daliri niya? naisip niya. Sa kakaisip, sumuko na siya. Tinignan niya yung katabi niya.

Nakatingin lang din ito sa clamp na hawak niya.

“Tutal, tinitignan mo na lang din to. Ikaw kumuha nung size!” sabi ni Joshua, sabay abot kay Agatha nung clamp.

“Ikaw may kailangan ah! Ikaw ang kumuha nyan!” at binato niya kay Joshua yung clamp, sabay tayo.

Hindi nasalo ni Joshua yung clamp at nahulog ito sa sahig. Napunta iyon sa tabi ng floor-to-ceiling na bintana nung restaurant.

Pinulot niya naman ang clamp.

Sa pag-angat niya ng ulo niya,… halos tumindig lahat ng balahibo niya.

“Sht. Under renovation nga pala ang Chef Emmanuel’s.”

Tumabi sa kanya si Agatha, “Joshua, hindi ba—”

Hindi na siya pinatapos ni Joshua.

“OO! KOTSE YAN NI MADISON. MAGTAGO KA.”

Pumasok si Agatha sa Ladies’ room, kaya nagtago na rin siya sa Men’s room.

“Lesson Learned, Joshua?... Huwag tataguan ang girlfriend sa second favorite restaurant ninyo. Lalo na kung under renovation yung first favorite niyo.”

“Sa susunod, makikipag-meeting na lang ako sa mga lame restaurants para naman hindi niya ako makita dun *sigh* :-| :-/ :-\ .”

--end of chapter 5

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Artificial Love (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon