Chapter 35

14.7K 252 1
                                    

(Althiya’s POV)

“Woah! Ang galing mo Althiya!” Narinig kong sigaw ni Alex. P.E. class na kasi namin ngayon at nagvo-volleyball kami. At na-tsambahan na pumasok ang serve ko kaya sumigaw ng ganun si Alex. OO! TSAMBA LANG ‘YUN! Wala kaya akong hilig sa mga sports-sports na ‘to.

“Para sa ‘kin ‘yung serve na ‘yun ni Althiya!” Narinig ko namang sigaw ni Renz, then naghiyawaan ‘yung iba naming mga classmates. At sa hindi malamang dahilan, bigla akong napangiti sa sinabi ni Renz. Aissh! Nagiging Renz na talaga ako! Nahahawa na ‘ko sa kanya kasi lagi na kaming magkasama. Nagpatuloy lang ‘yung laro namin hanggang sa natapos, at ‘yung grupo namin ang nanalo.

“Yehey! Nanalo sila!” Bati ni Alex sa ‘kin paglapit ko sa kanila. Umandar na naman ang pagka-isip bata nito.

“Althiya!” Napalingun ako sa tumawag. Si Renz na papalapit? ‘Di ko napansin na wala pala siya rito.

“Tubig o.” Sabi niya sabay abot ng tubig. Okay, napangiti na naman ako. SHEMAY! >o<

“Salamat.” Sabi ko naman sa kanya sabay abot rin sa tubig.

“Uiiii! Ang sweet naman nila!” Panunukso naman nila -__- Maliban kay Andrea na ningingitian ako ng nakakaloko. Ano na namang problema niya?! -___-

“Ano ba kayo guys! Syempre sweet sila, mag-fiancee kaya sila.” Sabi naman ni Andrea na ningingitian pa rin ako ng nakakaloko.

“Okay! Mag-fiancee kami kaya ganun.” Sarcastic ko namang sinabi sa kanila. “So, pwede bang mag-bihis muna ako? Ang lagkit-lagkit ko na po!”

“Sige, future Mrs. Lawrence Francisco.” EWAN KO SA’YO ANDREA! Umalis na lang ako dun at hindi ko na pinansin pa ang panunukso nila. Pero bago ako napalayo, narinig kong napatawa ng mahina si Renz. Nung narinig ko ‘yung mahina niyang tawa, bigla na naman akong napangiti. May Renz Syndrome na siguro ‘tong labi ko eh, nagiging weird na rin.

**Girls Locker Room**

Kakatapos ko lang mag-shower at magbihis at ngayon ay ina-arrange ko na lang ang mga gamit ko sa locker.

*Tok Tok*

Ay tao! Langhiya naman ‘yan! Nagulat ako dun ha! >_<

“Sino ‘yan?” Tanong ko sa kumatok.

“Ako ‘to!” Renz? Anong ginagawa niya rito.

“Sandali lang!” Tinapos ko muna ang paga-arrange ko then lumabas na ‘ko ng locker room. Nadatnan ko si Renz na nakasandal sa wall.

“Psst!” Tawag ko sa kanya.

“O, tapos ka na?”

“Oo. Anong ginagawa mo rito?”

“Sinasalubong ang fiancée ko.” HUTAENA! BA’T KINIKILIG AKO?! SHEMAY ‘TONG SI RENZ >o<

“Ahh. Eh, bakit?”

“Punta tayo sa garden.”

“Sure. Nandun na ba ang barkada?”

“Hindi. Ano… T-tayo lang.” Kami lang? Seryoso?

***

“Renz, ano bang gagawin natin sa garden?” Tanong ko sa kanya. Papunta na kami ngayon ng garden… at kaming dalawa lang. Hindi ko alam kung ba’t ang awkward ng feeling ko ngayon na kasama ko siya at kaming dalawa lang. Hindi naman ako nakakaramdam ng ganitong awkwardness dati kapag kami lang dalawa ang mag-kasama. Oh well, gaya nga ng sabi ko kanina, may Renz Syndrome na ‘ko, ang syndrome ng mga weird.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon