sawi ka din ba? sakay na!

13 0 0
                                    

Monday na naman, at siguradong traffic pa Maynila. Hindi na ata masusolusyonan yun simula pinanganak ako ganun na ang sistema sa trapiko. Hay buhay!

Napag-isipan ko mag tren hindi naman ito ang first time ko. Pero nakakapanibago nasanay kasi ako na kasabay at kasama siya. Naku memories na naman!

Pag akyat ko sa taas dumiretso ako sa bilihan ng ticket may exact fare at meron para sa katulad kong buo ang pera.

Pumila na ako at dahil rush hour asahan na madaming nakapila. Ilang tao pa bago nagging turn ko. Sweldo kahapon kaya wala akong barya pa.

"Ate isang Quezon Ave po." Sabay abot ko sa kanya ng 500. Buti na lang may panukli si ate hindi tulad ng ex ko sakit sa puso lang sinukli.

Dumiretso na ako sa pag iinsertan ng card para makapasok. May iba nagka aberya dahil hindi mabasa meron na saglit lang at nakapasok agad. Parang pag nagmahal diba susugod tayo at magtataya kahit di natin alam kung mananalo ba tayo o matatalo basta alang alang sa mahal natin sumusugal tayo.

Nakpasok naman ako ng walang problema. Habang naglalakad napatingin ako sa nakahiwalay ng pila ng babae at lalaki. Parang pagpipili lang, dun ka bas a safe pero malayo o sa delikado pero mabilis. Kung siguro kasama ko siya baka piliin ko ang delikado at mabilis. Kung siguro kasama ko siya baka piliin ko ang delikado at mabilis kasi alam ko naman nandiyan siya pero madalas wala eh. Kaya dun na lang ako sa safe at malayo kasi mag isa lang ako.

Pumila ako sa mga babae at syempre naghihintay ng bagong tren kaka alis lang kasi kanina.

Di ko na na naabutan dahil sa dami din ng pashero. Okay lang sa susunod n alang makakasakay din ako tiwala lang. Ganun din pinanghawakan ko tiwala na baka sakali bigyan niya din ako ng pansin kaso hanggang label lang pala na girlfriend niya ako.

Ilang sandali, dumating din ang tren. Maluwag at maaliwalas dahil pangalawang estasyon pa lang ito. Pumasok na ako at pumuwesto sa gilid. Pumito na ang guwardya at sumara na ang pinto tanda na aalis na kami.

Napansin ko ang iba na nagpaiwan. Hindi naman gaano kasikip pa sa tren pero hindi sila sumakay marahil may inaantay pa sila. Siguro yun lang pagkakamali ko hindi ako marunong maghintay dahil naniniwala ako sa mga akala ko.

Sa loob ng tyren halos lahat sila busy. Yung iba may katext yuing iba may katawagan at may iba din masyang nagkukwentuhan. Ganyan ako dati nung hindi pa siya pumapasok sa buhay ko, masaya at walang pinoproblemang love life.

Ilang stasyon pa ang nagdaan at padami ng padami at pasikip ng pasikip na sa loob. Katulad ng naging relasyon naming madami naka alam at madami din naki alam. Excited eh! First love first boyfriend, gusto ko lahat ikwento kulang na nga lang ipagsigawan ko na ako ang girlfriend niya. Pero dahil dun nasira relasyon namin. Hindi ko naman kasi alam na hindi siya proud na ako ang ka relasyon niya. Sakit diba? At nalaman ko pa yan mismo sa mga tropa niya. Ouch!

Sa kalagitnaan ng aking pag iisip biglang nagkaroon ng konting sigawan. Isang babae na pinipilit niya pumasok at handing makipagsiksikan makasakay lang. Ganyan! Ganyang ganyan ang ginawa ko para sa relasyon namin. Hindi naman kasi biro ang isang taon na ginugol namin o ako basta! Yun na nga kaya pinagsiksikan ko pa rin sarili ko sa kanya after niyang makipag break sa akin. Wala naman kasi siyang iniwan na rason kaya kahit masakit kahit mahirap pinilit ko ulit makapasok sa buhay niya. Nakalimutan ko ang self worth.

Tumigil na ang tren at nag announce na sa Quezon Ave na tanda na nandito na ako. Lumuwag ang loob at nagsilabasan na sila kasabay ng paglabas ng luha ko. Ayoko na pagod na pagod na ako na ako na lang pala ang lumalaban. Sobrang tanga ko na! Habang palabas na ako tren lumuwag din pakiramdam ko. At nasabi ko mag momove on na ako hindi dahil sa kkanya kundi para sa sarili ko.

"miss yung bente singko sentimos nahulog niyo po" s,abay abot ng lalaki sa akin at nagpasalamat ako.

"dapat marunong tayo magpahalaga maliit man yan o malaki. Ako nga pala si Domeng Alcaran taga Q.C. na minsan mong nagging kawal aking prinsesa."

Sabi nga nila pag may umaalis may darating. Hindi man ngayon , pero sa takdang panahon. Kaya smile ka na. okay? :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tren (Hugot Shot #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon