Chapter 19: The Result

1.4K 22 2
                                    

Natahimik lahat ng nasa canteen.

Lahat sila natulala sa ginawa ng stupid na Unggoy!

Yes, si Joaquin nga yun! Yung may ari ng ice cream na natapon ni Monique.

Nakatayo lang siya sa harap ni Monique with a blank facial expression.

-_-

Hambog talaga!

Pumapatol ng babae.

Maya-maya, tumalikod na siya at naglakad palayo.

Walang nagawa si Monique kung hindi ituro niya si Dave with her expression na nakakatawa parang walang lumalabas na boses sa bibig niya sa sobrang shock.

Gusto ko sana tumawa, kasi yung ice cream sa muka ni Monique.---hahahaha bagay sa kanya! :D


yung buong ilong kasi niya tsaka upper lips yung nalagyan ng ice cream. hahaha

Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Joaquin.

Lumingon siya sa'kin. sabay bulong niya.

"Stupid cat. Ang baho mo. nasayang pa yung pagkain ko" Tsaka niya ko nilayasan at inirapan.

Teka!? Bakit nga ba andito pa ko?

Ang panget ng itsura kooo!!! @#$%^&* at true, amoy akong nilagang baboy :O


tsaka ako mabilis na sumunod na paalis.

-----

"Ano ba kasing nangyari sa'yo?" sabi ni Renz habang sinusuklay ko yung buhok ko.

Magkasama na kami dito sa bleachers. Hindi sa nakatakas na siya sa mga fans niya. Nakapaligid lang ito sa kanya ngayon, hindi makalapit kasi napagalitan na sila ng kinauukalan ng school. Hindi na sila pwedeng lumapit kay Renz kung wala silang kailangan na importante talaga.

"Tumigil ka na nga! Kanina ko pa kinuwento sayo, wag ka na mang-asar, ok?"

"Pssss." –natatawa nanaman siya. Nakakaasar. "saglit lang ako nawala sa tabi mo ganyan nangyari sa'yo, kung gusto mo naman pala maligo ng soup, dapat sinabi mo, pinagpaluto pa sana kita... psssss---hahahaha"

Tumatawa nanaman siya. Nakakaasar talaga.

"sabi nang tigilan mo na ko eh! kasalanan to nung maldita mong kaatista eh!"

May narinig kaming malakas na tilian ng mga babae sa may baba ng bleacher, akala ko nga isa sa mga fans ni Renz. Nung nilingon naming, isang babae pala yung nasa harapan ng isang lalaking nakaheadphones. May hawak hawak yung lalaki tapos yung babae sa tapat niya parang kinikilig kilig pa. may mga barkada siya sa likuran niya na parang nagchicheer dun sa girl. Pinapanuod lang namin sila.

Ngumiti yung lalaki "thanks dito. But sorry, you're not my type..."

Yung kaninang todo kilig na mga girls, parang dinurog yung mga puso. Gosh, nalulungkot ako para sa kanya.

Maya-maya umalis na din yung mga girls.

"Grabe, kawawa naman" sabi ko ng medyo mahina

"Ang chismosa mo talaga." Sabi ni Renz

"Siyempre noh... nag effort na nga yung girl, sinet aside din niya yung pride niya.tapos... hayyyy, may mga lalaki talagang walang puso."

Hahaha--- oo, at dumadami sila, Lalo na yang Joaquin na yan! Tssss.

"Ano ka ba? Hindi mo naman masisisi yung lalaki kung hindi niya talaga gusto yung babae, ala nga namang paasahin niya lang yun diba? kayo kasing mga babae mahilig magpaasa."

The Cat and the Monkey (Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon