Gyan's pov
"Beb sige na kausapin mo si Maicah tignan mo kung may pagasa ba ako" kinukulit ko siya ngayon dito sa bahay nila kakauwi niya lang galing school
"Ano namang sasabihin ko dun Gy!"
"Eh alamin mo beb kung sila pa ba nung Ron"
"Gyan umayos ka nga! Ayusin mo nga sarili mo nilalandi mo din jan yung Rochelle tapos ano popormahan mo si Maicah!"
"Oy sinabi ko na friends lang kami beb!"
"Pero ganun makadikit sayo!"
"Beb ang gusto ko si Maicah pag nalaman na natin lalayo na ako kina Rochelle"
"Hay nako ewan ko sayo Gyan!"
"Ano payag ka na sabi mo ikaw kakausap diba"
"Oo na sige na dalin mo na lang dito bukas"
"Oo beb dadalin ko dito bukas nagtext naman siya e"
At umalis na din ako after ko kilitin si Aisha.
Kinabukasan...
Nakita ko na siya na palabas ng campus nila at itinapat ko sa kanya yung sasakyan ko.
"Ang ganda niya talaga kaso wala kailangan ko muna malaman yung nararamdaman niya"
Pagkasakay ni Maicah kinakausap niya ako pero hindi ko siya kinikibo kaya na nahimik na lang siya.
Pagkadating namin sa bahay ng bestfriend ko nag paalam din naman ako aakyat para makausap ni Aisha si Maicah.
"Ano na kayang pinaguusapan nila ang tagal ko na dito"
Napag pasyahan ko na bumaba na at magpaalam na kay Aisha na uuwi na kami kasi mag gagabi na din. Inihatid ko na siya sa kanila at umalis din agad.
Agad kong tinawagan si Aisha
Dialling Beb...
"Beb anong sinabi niya?" Tanong ko kay Aisha
"Wala na daw sila ng boyfriend niya at hindi na din daw niya mahal"
"Tapos ano pa?"
"Habang tinitignan ko ang mukha niya habang nagkwekwento nakikita ko ang takot sa mata niya"
Advantage ng may bestfriend na psychology ang course hahaha!
"Panong takot?"
"Dahil sa ginawa sa kanya nung Ron at ayaw na niya maulit yun kaya nakipaghiwalay na siya"
"So okay lang na ituloy ko na"
"Ikaw bahala pero tanggaoin mo ang mga pwedeng mangyari"
"Oo naman noh sige thank you beb! The best ka talaga I love you!" At ibinaba ko na ang tawag.
Andito na ako ngayon sa bahay kasi lagi na lang galit sa akin ang Tita ko kaya umuwi din ako agad.
"Mag pamiss muna kaya ako kay Maicah. Mamimiss ba kaya ako nun? Eh may bestfriend naman siya na laging anjan din para sa kanya"