PART II

106 12 3
                                    

Cassiela's Pov

"Cassiela!! Gising na!!! May pasok ka pa!!!" nakakarindi talaga boses ni kuya oh.

"Oo na. Kailangan simigaw kuya?"

Ay!! walkout. Talaga to oh kulang sa pasensya. Makaligo na nga.

Pagkatapos kong gawin lahat, bumaba na ako para kumain and pumasok. Kailangan kong magmadali at baka nakabusangot na naman si kuya.

"Antagal mo!! Kung pwede sana lang kitang iwan, iniwan na kita" kakababa ko lang, yan agad ang bungad ng magaling at pogi kong kuya.

"Eh syempre para gorgeous" hahaha nakakunot na nan yung noo niya. " Kuya xander talaga oh! Isang taon nalang naman ang suffer mo sakin" with smile na pang-asar pa. Hahahaha

"Hindi na ako makapaghintay na mangyari yun siela" poker face pa rin. And 4th year college na kasi siya at last year na niya. Pero next suffer niya is hahawak na siya ng kompanya namin.

"Pogi!! tara na at baka malate ka pa"

"Anong pogi?! HANDSOME kamo!!!"

"Ano pinagkaiba nun?" talaga to oh

"Syempre si kuya Zands ung pogi at ako syempre ung HANDSOME" sabay taas baba niya pa ng kanyang kilay.

"Sige na nga. Òh! Tara na kuya handsome." Hahahaha ngumiti na. Babaw talaga kaligayahan nun.

At pumasok na nga kami. Nag-aaral kami ni kuya xander sa DFU. At sa amin ito "DELA FUENTE UNIVERSITY"

3rd year na pala ako at pareho kami ni kuya xander na business ad ang kinuha dahil you know.

Si kuya zands pala is graduate na kaya tinitrain na ni dad para mahawakan na niya yung kompanya namin sa America.

Hiwahiwalay kaming magpapamilya. Si dad at kuya zands nasa America. Si ma'am nasa Korea. Sometimes si dad nasa Europe. At kami ni kuya xander andito sa Pilipinas at nag-aaral pa. Pero next aalis na rin si kuya xander kaya puro katulong nalang magiging kasama ko.

Nagsasama sama lang kami pag Christmas and New Year kasi busy sila. Pag birthday namin kami kami lang nagcecelebrate. Kung minsan ayaw pa akong kasama ni kuya xander dahil maingay daw ako.

Pag nag-iisa ako, nagbabasa nalang ako ng wattpad. Buti pa sa wattpad yung mga bida mahirap nga atleast sama sama silang magpapamilya. Gusto rin ng ganun.

Okay balik tayo. Wala naman akong masasabi tungkol sa inaaral ko dahil kahit di naman ako makinig alam ko naman kasi yun kasi tinuro na ni dad and mom. Sana nga di nalang ako mag-aral eh kasi ituturo rin naman nina dad yung mapagaaralan ko dito.

Maganda tong school. Sikat kami ni kuya dahil nga anak kami ng may-ari. School Hearthrob si kuya xander and School Sweethearts ako. Hehehe pero hindi tulad sa wattpad na marami dapat akong manliligaw dahil sa reality wala. Hindi dahil pangit ako School Sweethearts nga eh pero dahil takot sila kay kuya xander. Sabihin ba namang dadaan muna sila kay kuya xander eh di wala na. Mas higpit pa last year dahil andito rin si kuya zands kaya dalawa sila. Oh san ka pa? Pero pag valentines naman eh may nakalalusot na mga chocolates and letters sa locker ko.

Pagkatapos mag-aral, uwi agad dahil magagalit si daddy xander. Amboring ng buhay oh! sana nasa wattpad world nalang ako. Bat yung mayayaman sa wattpad eh laging nakakalabas, gabi gabing nagha-hang out kasama barkada. Sa reality di ko man lang magawa yun eh 3rd year college na ako. Pati kaibigan wala nga ako eh. Friendly naman ako pero pag may friend na ako pinapalayo naman agad ni kuya. Ewan ko dun may topak siguro. Ansarap kaya sa feeling ng may kaibigan.

And wala akong type sa school. Ampapangit kasi nila buti sana kung kamukha nila si Taehyung. Wa!!!!! Taehyung!!! Makapagsountrip nga ng kanta ng BTS. Pero hindi ako fan ng BTS, si Taehyung lang. Si Jungkook lang noon pero may something na nangyari kaya hate ko na siya. Kaya si Taehyung na lang ngayon. Hahaha andami kayang picture ni V sa room ko. Kapag may nakikita ako sa mall na picture ng BTS binibili ko tapos gugupitin ko yung si V lang at susunugin ko yung picture ni jungkook at itatapon ko naman yung iba. Hahahaha walang basagan ng trip.
♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤

Sana parang sa wattpad pwedeng maging kami ng bias ko pero impossible atta yun.

WATTPAD WORLDWhere stories live. Discover now