-Mao's POV-
"What's that bro?" tanong ni Nile nang makita nya ang hawak na kahon ni Khei
"Baka regalo na naman galing sa isa mga fans mo" sabi ni Kyle
"Buksan na yan" sabi ni Nile
"Ano yan?" yan na lang ang nasabi ko ng makita ang laman nung kahon.
"Hindi ba halata cookies yan, durog at deform lang siguro kaya ganyan" sabi ni Kyle
"Speaking of cookies. Baka galing kay Dollie" sabi ko at may napansin ako sa naging reaksyon ni Khei
"Bakit sya lang, tayo wala" sabi ni Kyle. Mahilig kasing kumain ang isang to
"Tinamaan yata sakanya si Vera" panunukso ni Nile
"Ayyyieee" panunukso naming tatlo
=____= ganito lang ang reaksyon ni Khei
"Pero paano naman nya to madadala rito?" tanong ni Nile
"Si Vera lang naman ang kilala kong nag be-bake ng cookies, sa kanya galing yan. Panigurado masarap yan... patikim nga" sabi ni Kyle, kumuha sya ng isa at kinagat yon.
"Bro, ano nangyari sayo?" tanong ni Nile na medyo natatawa pa
"Parang nakakain ka ng dare mixture" sabi ko ng makita ang itsura nya
Yun yung tawag namin dun sa pinapainom naming mixture pagnaglalaro kami ng truth or dare tulad nung birthday ni Nile.
"Tikman nyo ang sarap" mangiyak ngiyak nyang sabi
"Bakit ganyan mukha mo" tanong ni Nile
"Tikman nyo nalang" sabi ni Kyle
Kumuha naman kami ng tig isa at tinikman.
"Naks! Kyle napakasarap nga" sarkastik kong sabi
"Sira ulo ka talaga!" sigaw ni Nile
"Yuck! Ano ba to?" sabi ni Khei na di rin maipinta ang mukha
"Hindi naman masarap bakit pinakain mo pa kami" sabi ko, ang sarap sapakin ni tong si Kyle. Paano na lang kung malason kmming apat. Edi maraming iiyak na babae at manghihinayang.
"Para fair haha" sagot ng mokong
"Imposibleng si Dollie nagbake nito" sabi ko. Malabo talaga.
"Mas matindi pa to sa dare mixture. Hindi ko maexplain sa sobra sobra sobrang sama ng lasa" sabi ni Kyle T__T
"May card" sabi ko
Kinuha naman yun Khei pero inagaw ni Nile at binasa.
"Babe,
Nag bake ako ng cookies specially made for you. Sana magustuhan mo. I made it with my heart that full of love just for you.
love,
Bianca""Kaya naman pala" we said in chorus
"Pero bakit ka naman kaya binigyan ni piglet ng cookies parang iba sa parati nyang binibigay sayo diba?" komento ni Nile
"Malamang dahil doon sa sinabi nitong si Kyle" sabi ni khei
"Anong ako? Paanong ako? Bakit ako?"
"Ikaw kasi eh sabi mo cookies ang pinakain satin ni Dollie kaya ayan... cookies" paliwanag ko
"Akala ko nga din cookies yan pero nung tikman ko, nalaman kong..haist no comment" sabi ni Kyle.
"Hindi ba nya tinitikman yung binibigay nya kay Khei? Para na din nyang binigyan ng lason si Jhei para mamatay" natatawa kong sabi
"Hindi ba sya marunong tumikim ng pagkain" komento ni Nile
"Ang alam ko sila lang naman ang may ari ng mga kilalang restaurant dito sa buong pilipinas at meron din silang branch sa Japan, Korea at Paris" paliwanag ni Kyle
"Lagot ka kay Candice?" sabi ko
"Bakit na naman?" tanong ni Kyle
"Bakit madami kang alam kay piglet at pati bussiness nila alam mo? Stalker ka nya? Patay ka nyan kay Candice" tanong ni Nile
"Sira ba kayo si wifey nga mismo ang nag sabi sakin tungkol kay piglet" paliwanag ni Kyle
"WIFEY!!!" sabay sabay naming nasabi
"Oo wifey! Ano masama doon" mukhang timang si Kyle ^__^
"Ang baduy naman kasi nung tawag mo sa kanya, too girl dude" sabi ni Nile
"Don't tell me bro na tumawid kana sa bakod" pang aasar ko
"Anong bakod?" tanong ni Kyle
"Bakod! Paano ba iiexplain yun" sabi ko >///<
"Sumali ka na ba sa grupo nila brandy" sabi ni Nile. Si brandy yung schoolmate naming pa-fame. Akala mo si Vice ganda kung umarte.
"Hindi ako bakla.. si Candice kasi gusto na ganun ang tawagan namin hubby ang wifey ang sweet diba" ^__^
"Ang tao ngang inlove" sabi ko =__=
"Asan na yun?" tanong ko, bigla kasing nawala si Khei
"Ayun na una nang maglakad, wala na naman sa mood" sabi ni Nile
"Paano ba nating naging kaibigan yan? Sya ang pinaka kakaiba sa atin... hay buhay"
"Mamaya iba na naman yang aura nyan pag dating ni Vera" wagas ang ngiti ni Kyle
"Pansin ko nga din" sabi ni Nile
"Akala ko ako lang ang nakakapansin kayo din pala" sabi ko
"It's Obvious bro" sabi ni Kyle
"BOYS!!!"
Ayan na sya! lokong Khei yun na radar nya siguro na padating na itong piglet na to kaya umalis. =____= )
"Ganda natin ngayon ah" biro ko sa kanya.
"As always" sabi nya. Na niwala naman.
"Good morning!!!" bati nung dalawang alalay nya
"Morning" we said in chorus
"Bye girlsss alis na kami. Madami pa kaming gagawin" paalam ni Nile
Naglakad na kaming tatlo paalis, pero humarang na naman sila sa daan namin. Ang kulit! naka cross arm pa.
"Asan si babe?" tanong nya. Babe pa rin ang tawag nya kay Khei, parang biik lang yung sa palabas na 'Babe in the city'. Lakas din ng tama nitong babae na to. Taas ng pangarap.
"Wala sya eh nasa abroad" eto na naman si Nile. Pinagtripan na naman si Piglet.
"Anong ginagawa nya doon... ibig sabihin hindi nya natikman yung binake kong cookies para sa kanya" sabi nya
"Wala trip lang nya mag vacation" nakisakay na din ako sa trip ni Nile.
"Anong bansa?" tanong ni Piglet
"London? Malaysia? Ah alam ko na nasa Iraq pala sya" sabi ni Kyle na sumama na din sa trip ni Nile.
"Ano ginawa nya doon? Magpapakamatay ba sya? May gera doon ah... baka masabugan sya ng bomba o kaya paulanan sya ng bala o kaya gilitan sya ng leeg. Baka naman kunin yung internal organ nya at ibenta" nababaliw na yata itong si Piglet