CHAPTER TEN
"Mag-iisang taon na tayo pero hindi pa rin alam ng pamilya mo na tayo na," tila naiinis na sabi ni Tristan.
As usual, nasa pritil pa rin sila. Nakaupo sila sa pinakamababang hagdan habang ang mga paa nila ay nakalublob sa tubig.
"May tamang panahon din diyan... "
"Kailan?" lingon niya kay Katrin. Kitang-kita ang pagkainip at frustration sa mga mata nito.
"Tristan-"
"Alam mo, Katrin. Kung ayaw sa akin ng tatay mo. Ayos lang! Eh di tapusin na lang natin ito kung ayaw niya sa akin."
" G-Ganun na lang? Hindi mo man lang ako ipaglalaban?"
"Oo!" Hindi na siya naiinis. Galit na. "Tutal, ano pa ba ang magagawa ko?"
Pigil niya ang luha na tumayo at sinuot ang sandals. Niyuko niya ang ulo para tignan si Tristan na ang tingin naman ay nakasentro sa papalubog na araw.
"Bakit hindi mo man lang subukan?"
"Kahit anong laban ang gawin ko, kung ayaw naman talaga sa akin, wala na akong magagawa," parang nanghihina na sabi ni Tristan.
"Kung ganun, bakit hindi na lang natin ngayon ito tapusin?"
"Alam mo, Katrin, kahit ano ang gawin ko, kung ayaw sa akin ng tatay mo-"
"Kaya bakit nga hindi na lang natin tapusin ito ngayon?" naiinis na rin sa kanya ang dilag.
Tila naman natauhan na si Tristan. Nawala ang galit. Napalitan iyon ng gulat at kaba. Tiningala nito si Katrin.
"S-Sinusuko mo na ba ako?"
"Ayaw na kitang pahirapan pa, Tristan," sabi nito, "kaya kung pagsuko ang tawag mo sa gagawin ko, oo, Tristan. Sinusuko na kita."
Agad na itong umakyat ng hagdan at iniwan siya. Hindi malaman ng lalaki kung maiiyak ba siya o magagalit. Magi-guilty o sisisihin ang sarili.
Hanggang sa isang emosyon ang kinauwian ng lahat- galit. Pero sinubukan niyang ikubli iyon. Sinubukan niya na ipamukha kay Katrin na balewala lang ang hiwalayan niya. Nang sabihin ni Katrin na mahal pa rin siya nito, inamin din niya na mahal pa niya ito. Pero hindi niya pinaniwalaan na mahal siya ni Katrin. Dahil dahilan niya, kung mahal siya ni Katrin, hindi siya isusuko nito. Hindi ito makikipaghiwalay.
At hindi rin naman nakipagbalikan sa kanya si Katrin kaya napuno na siya. Habang nakaka-text niya ito ay naiinis lang siya. Nagagalit. Kaya tinigilan na lang niya ang pagte-text dito. Hanggang sa magpunta na lang si Katrin sa bahay nila, isang gabi. Ayaw niya itong makita. Ayaw niyang lumabas ng bahay. Pero nung umulan, hindi niya alam. Basta lumabas na lang siya para makita ang dilag na basang-basa sa ulan.
"Leave me alone, Katrin!" galit na sigaw sa kanya ni Tristan.
Katrin remained frozen on her position. Ayaw niya'ng nagagalit si Tristan. Ewan pero natatakot siya pag nagagalit ito.
Napalunok ang dilag bago niya nakuha'ng sabihin na, "Hindi mo na ba ako mahal, Tristan?"
Napipigilan pa niya ang sariling luha habang hinihintay ang sagot nito.
"Hindi na," anito matapos ang mahabang katahimikan. "Ayoko na, Katrin. Umuwi ka na. Basang-basa ka na at baka magkasakit ka pa."
Hindi na niya namalayan na humahalo na sa tubig ulan ang kanyang luha.
BINABASA MO ANG
I Love To Be With You (COMPLETE)
RomanceI love to be with you, I want to give you a second chance. Pero ikakasal ka na.