"Hah.... Hah.... Hah...."
Sa kalagitnaan ng gabi, ako'y tumatakbo paalis sa aming tahanan habang dala ang aking bagahe at tiket sa Victorina Express. Hinihingal na ako sa sobrang pagod. Pero kailangan kong habulin ang oras bago umalis ang barko.
"Hah...." Napatigil ako sa puno upang magpahinga. Tinakasan ko ang mga gwardya ni ama dahil ayoko na muling bumalik sa malas kong buhay. Ang buhay kong kasinungalingan...
"Hanapin si Donya Louis, ngayon din!" Naririnig ko ang mga sigaw ng mga gwardiya. Agad kong kinuha ang aking mga gamit at nagsimula muli akong tumakbo.
Nakikita ko na ang ilaw... Onting takbo nalang... Maabutan ko na.
Ito na nga, nandito na ako... ang tinanghalan bilang isang pinakamagandang at pinakamatibay na barko sa buong mundo, ang Victorina Express. Nakakahanga ang ganda ng estruktura ng barkong ito. Dito na nga ba magsisimula ang panibagong buhay ko?
Ako nga pala si Louis Florencia de la Fuente at ito ang kwento ng aking buhay. Ako'y nakatira sa Pilipinas ng labing-walong taon, dito na ako pinanganak at lumaki. Sa una, akala ko na maganda ang aking pamumuhay dito sa Pilipinas. Nakapagtapos ako ng elementarya hanggang haiskul ngunit napagtanto ko na ang buhay ko pala... ay isang kasinungalingan lamang.
Ang aking ama na si Martin Diego de la Fuente, isang gobyernador. Siya lamang ang nag-iisang kong magulang at ang tanging nagpalaki sakin mula sa pagkabata hangga't sa paglaki. Ako'y kanyang pinag-aral sa prestihiyosong paaralan at pinalaki ng tama. Siya ang pinakamamahal kong ama at gagawin ko ang lahat upang maibalik ang kanyang kabutihan na ginawa. Pero noong taong 1852, may nalaman akong sikreto na nagbago ng aking pananaw sa aking buhay..
Ang aming pera... Ay galing sa nakaw.
Hindi ko ito pinaniwalaan nung una pero ang mga itinagong papeles ng aking ama ay aking nabunyag. Isang sikreto na hindi ko na dapat nalaman. Gusto ko itong alisin sa aking isip, ngunit ito'y gumugulo hanggang sa 'king pagtulog.
"Bakit ba ito ginawa ni ama? Kami ba'y nabubuhay sa kasinungalingan lamang?" Paulit-ulit kong tinatanong ito sa aking sarili. Hindi ko maalis ang aking konsensya. Kada hawak ko sa pera... naalala ko lang ang kasalanan na ginawa ng aking ama.
Tatlong buwan ang nakalipas, walang paring kaalam-alam si ama. Isang araw, kami ni ama ay naglakad sa hardin upang mag-usap.
"Anak, diba sinabi mo na nais mong makapunta sa Amerika?" Aniya niya sakin.
Ako'y napatamihik at tumango na lamang sa kanya. Patuloy lang kami ni ama na naglalakad sa hardin. Nararamdaman ko ang katahimikan namin sa isa't-isa. Hindi ko na matiis kaya't huminto ako sa paglalakad. Si ama'y tumalikod at sinabing:
"Anong problema, Louis?"
"Ama..." Ako'y nag buntong-hininga at nagsimula na akong magsalita. "Hindi ko na kayang mamuhay ng ganito."
Hindi nakasalita si ama sa aking sinabi. Tinitigan niya lang ako at sabay ngumiti:
"Ano ang gusto mong iparating?" Nag-iba na ang tono ni ama. Sa aking kalooban, kinakabahan na ako. Ang buong katawan ko ay nanginginig sa sobrang takot. Hindi na akong nagdalawang isip na sabihin ang aking nalalaman.
"Ama, alam ko na ang lahat. Ang buhay natin... ay isa lamang kasinungalingan." Hindi ko aakalain na sasabihin ko 'to sa aking ama. Nanginging ang aking boses sa sobrang takot. Hindi ko man lang kayang tumingin ng diretsyo sakanya.
"Saan mo nalaman yan?" Sa aking pagkarinig, naramdaman ko na seryoso si ama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Ama, totoo ba na ang pera natin ay galing lamang sa nakaw? Ama! Sagutin mo ako!" Habang sinasabi ko ito, may lumalabas na luha sa aking mga mata. Hindi nagtagal, hindi ko inasahan na sampalin ako ni ama. Hinawakan ko ang aking pisngi at tuluyang umiyak. Hindi parin akong tumigil sa pagsalita.
"Ama, itigil mo na 'to."
"Kung ayaw mo masira ang relasyon natin sa isa't-isa. Huwag na huwag mo akong kakalabanin." Iyon ang mga huling sinabi saakin ni ama. Siya ay naglakad paalis sa aking harapan habang ako'y nakatayo dito sa hardin... umiiyak at walang nagawa.
Pumunta ako sa kwarto at humiga sa kama. Nakatulala lamang ako sa kisame at iniisip ang mga nangyari ngayon. Sa mga kinilos ni ama ngayon, walang duda na totoo nga ang lahat ng aking sinabi. Totoo nga na ang pera namin ay galing sa nakaw. Patulog na dapat ako ngunit pumasok si ama sa aking kwarto.
"Louis." Tinawag niya ang aking pangalan. Agad akong tumalikod sa kama at tinalukbong ang aking sarili.
"Kung gusto mong magkaayos tayo, kalimutan mo ang lahat ng nalaman mo at magsimula tayo muli." Dagdag ni ama.
Inalis ko ang aking kumot at hinarap si ama: "Ama, alam mo namang mali ang ginagawa natin? Bakit mo pa pinagpapatuloy? Kaya naman natin mabuhay na 'di nagnanakaw diba?"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kalimutan mo na ang lahat!"
"Ilang beses ko din bang sasabihin sayo na tantanan mo na yang pera na yan!"
Sinampal ako ni ama. May lumabas na luha sa aking mga mata pero ngayon, nagpakatatag ako at hindi ko hinayaan ang sarili kong umiyak. Tumingin ako sakanya ng masama.
"Hindi mo ba naiitindihan? Kung hindi dahil sa pera, hindi tayo kung sino tayo ngayon!" Sinigawan ako ni ama. Hindi ako sang-ayon sa mga sinabi niya... Hindi...
Sa sobrang inis ni ama, nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa aking balikad. Sa sobrang higpit ng kanyang pagkahawak, nasasaktan na ako...
"Kaya tumahimik ka at makuntento kung anong meron ka ngayon!" Binitawan ako ni ama at dinabog ang pinto. Napatulala lang ako dahil sa mga sinabi ni ama. Kahit anong gawin kong pakikiusap... hindi siya nakikinig sakin.
Kung nasa Amerika ako, magbabago kaya ang buhay ko? Gusto ko mag bago. Gusto kong baguhin ang buhay ko. Sawang-sawa na ako sa ganitong pamumuhay. Gusto ko ng bagong simula.
Hindi na ako nagdalawang isip na maglayas. Pumunta ako sa Victorina Express upang bumili ng tiket. Ang alis ko na ay sa susunod na linggo, HINDI na ako makapaghintay.
Isang linggo ang nakakalipas, ilang oras nalang, aalis na ang barko. Kailangan kong tumakas na hindi napapansin ni ama. Nag-impake na ako at inayos ang aking mga gamit. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Tinignan ko muna ang aking paligid bago ako lumabas. Sinarado ko ang pinto at bumaba ng tahimik. Nakita ko ang pintuan papunta sa hardin, binuksan ko ito at dahan-dahan akong naglakad papunta sa labasan. Nakita ko ang dalawang gwardya na natutulog. Bigla akong nakadama ng kaba ngunit sinubukan ko paring buksan ito. Dahan-dahan kong binuksan ito, buti nalang hindi nagising yung dalawang gwardya. Tuluyan na akong tumakbo paalis.
Hindi pa ako ganun kalayo sa aming tahanan. Habang ako'y naglalakad, may naririnig akong mga boses, pagkatalikod ko, may nakita akong ilaw.
"Ano yun?" Dahil sa aking pagtaka, tinignan ko kung ano ang ilaw na yun. Nagtago ako sa mga lumpong para sumilip. Pagkasilip ko may nakita akong dalawang lalake na may hawak na lampara.
"Donya Louis! Donya Louis!" Pagkarinig ko sa aking pangalan, bigla akong nataranta. Ilang segundo, aking napagtanto na... ayun pala yung dalawang gwardya doon sa aming bahay. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam ko na na nalaman na ni ama na tumakas ako. Hindi na ako nagdalawang isip kung hindi tumakbo.
"Sino yun? Siya ata yun, habulin natin!" Hinabol nila akong dalawa. Sa kakatakbo hindi ko na alam kung saan-saan na ako dumadaan...
Doon nagsimula kung bakit ako hinahabol ng mga gwardya. Ganito ako ka-desperado na umalis sa bahay na iyon. Dahil kapag ika'y nandoon, puro kasakiman lang ang makikita mo. Kahit gaano pa kasarap ang buhay mo doon, hindi ka makapali dahil sa konsensya mo. Alam ko na tama ang aking desisyon. Kaya ako nakarating dito sa "Victorina Express" para takasan ang lahat ng problema sa aking tahanan. At ngayon... iiwanan ko na kaya paalam... aking ama.
= Ang pagtatapos ng kabanata 1 =
