Mulasa ginagawang sketch ni Francesca ay napatingin siya sa cellphone niyang tumunog. May nag message sa kanya. Dinampot niya iyon at nakita niya ang nag chat. Walang iba kundi si Gregory Tales, ang ultimate panghabang buhay niyang iniirog. For sure kaya lang nanaman siya chinat nito ay dahil may kailangan ito sa kanya. Tutal lagi namang ganun ang istorya nila, at dahil kahit papaano ay naging magkaibigan na sila pero hindi man as in close madalas ay siya talaga ang nilalapitan nito. Okay lang naman sa kanya yung ganung set up dahil sa mga ganoong pagkakataon ay nakakapag usap sila at siyempre dahil crush niya ito ay kotang kota siya sa kilig. Ang kaso walang kamalay malay na pinagpapantasiyahan niya ito. Bihira lang kasi dumating ang mga ganoong pagkakataon sa kanila kaya ginagawa niya ang kasabihang "grab the opportunity" at pati na rin ang "live life to the fullest". Pero mula nang nagkakilala at naging close sila nung college ay ni minsan hindi nasuklian ang pagmamahal niya dito pero patuloy padin niya itong minamahal ng palihim. Okay lang sakanya dahil sanay naman na siya.
Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa nang mabasa ang chat nito.
Ineed you now.
Gusto niyang mag rolling sa tuwa kahit alam naman niyang walang malalim na ibig sabihin ang message nito. Na ang tamang term ay may kailangan lang talagang ipagawa ito sa kanya. Sa naisip niya ay humupa ang kilig na naramdaman niya.
Ano nanaman yan?Kunyari ay cold na reply niya.
Puntahan kita sa apartment mo. We need to talk. Please.
Sino ba naman siya para tumanggi dito. Eh tuwing ganitong pagkakataon naman ay pabor na pabor sa kanya.
Sige.Magdala ka ng food. Haha.
Matagal bago ito nag reply. Sure
Napangiti siya hindi dahil dadalhan siya nito ng pagkain kundi dahil makikita at makakausap nanaman niya ito.
At dahil doon ay lalo tuloy siyang na inspire na gumawa ng design para sa kliyente niya bukas. May sarili na siyang boutique, maliit lang pero atleast ay sa kanya. Hindi pa gaanong kilala ang boutique niya dahil kakabukas lang niya iyon last year. Pero kahit papaano naman ay dumadami na din ang nagiging kliyente niya, madalas ay para sa debut at kasal.
Makalipas ang halos isang oras ay may narinig siyang katok, mag isa lang niya sa buong apartment na nirerentahan niya. Pagbukas niya ay nakangitisi Greg hawak ang isang box ng pizza at donut. Bakit parang andami naman ata ng binili nitong pagkain? May balak ba itong mag overnight sa apartment niya? Sana. Natuwa siya sa naisip. Pero imposible yun.
Pasokka muna. Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto nang pumasok ito. Nilapag nito sa may mesa niya ang mga dala nito. Napaisip siya bigla. Madami ang dala nitong pagkain na ang ibig sabihin ay malaki din ang pabor nahinihingi nito.
Bakit parang andami ng dala mong pagkain? Ako lang naman ang kakain niyan. Pingtaasan niya ito ng kilay. Mahirap yang ipapagawa mo sakin no?
Agad agad manghusga? Dalawa tayong kakain diyan hindi lang ikaw. Assuming.Tsaka yung hihingin ko sayong pabor mamaya na natin idiscuss, kumain muna tayo. Dipa din ako nag lunch e. Umupo na ito at inumpisahang lantakan ang pizza. Nang umupo siya ay halos makalahati na nito ang pizza.
Yung totoo? Dinala mo ba yan para sa akin o dinala mo lang dito parakainin? Umupo na siya at kumuha ng isang slice.
Both.Sagot nito habang puno pa ang bibig ng pagkain.
Tss.Sabihin mo na kung ano yung ipapagawa mo. Para habang maaga makatanggi na ako at nang makapaghanap ka na agad ng ibang gagawa.Biro niya dito. Dahil sigurado naman siya na kahit ano pa ang ipagawa nito sakanya ay hindi siya tatanggi maliban nalang kung palunukin siya nito ng apoy dahil hindi na makatao iyon kung sakali.
BINABASA MO ANG
MY SECRET LOVE
RomanceTo love even secretly is one of the best things in life. It's okay to love and not be loved, because seeing the person you love is sometimes enough.