Kleo was something. Hindi ko alam pero ang gaan agad ng loob ko sa kanya. Maybe it was because of her eyes - the way they shone brightly and how they can look at me directly. It was as if you can see everything about her just by looking at her. Transparent. Tama, yun ang bagay na description sa kanya.
Nakuha naming makapag-usap pa nang walang lumalapit para manita. Kung anu-ano rin ang naging topic namin mula school, sa bahay nila, maging sa alaga niyang hayop. Ilang minuto lang kaming nagkausap pero tila alam ko na ang buong buhay niya.
We ended up her asking me if I could come with her to an orphanage this Saturday. Volunteer pala siya doon. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako. Una sa lahat, hindi ko hilig ang mga bata. Pangalawa (at pinakadahilan), mababawasan ang oras ko kasama si Slade.
Pero pumayag ako. Siguro dahil sa kung paano magkwento si Kleo, kung gaano niya ipinagmamalaki yung mga batang inaalagaan niya sa ampunan ay nagkaroon talaga ako ng interes. At sa puntong iyon ay naisip kong gift yun ni Kleo - ang mangumbinsi ng tao. That or she was using some magic trick or mind game at me.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na siya. Ako nama'y bumalik ng main building para sa huling klase ko ngayong araw. Mabilis ding natapos yun at di ko namalayan ay uwian na.
Nang makarating ako sa bahay ay wala akong ginawa kundi abalahin ang sarili sa pag-aaral. Ilang ulit kong naisip si Slade at ilang beses na tinangkang tawagan siya pero pinigilan ko ang sarili. It was his time for his family who were currently grieving. I should give him that. Saka isa pa, uuwi na rin naman siya bukas.
I took a pause reading my book and leaned on the chair. Itinaas ko ang kaliwang kamay at pinagmasdan ang regalo ni Slade. A smile escaped my lips. His humor really amused me. Naalala ko naman ang regalo ko para sa kanya at mas lalong napangiti. It was something that's connected to him also.
Ibinaba ko ang kamay saka sinilip ang itim na box na nasa bookshelf. The cover was a full contrast of what was inside. Okay, ang laman ng loob ng box ay colored t-shirts. As in matitingkad na kulay. It was actually to piss Slade off. But knowing how he could rock any shirt - whatever the style or color is - I knew it would backfire at me. Again. As always.
Pero kahit na. I still would love to see the peeved look on his face. Yeah. That's how I show my love for Slade.
Napatingin ako sa orasan sa pader, quarter to ten. I should sleep now.
Pagkatapos kong mailigpit ang mga gamit, naisipan kong itext na si Slade. Siguro naman magpapahinga na rin siya doon?
'Matutulog na ako. Good night. See you tomorrow. I love you.' Tapping the send button, I went to bed and tried to get some sleep.
Pero hindi ako makatulog. So instead I waited for Slade's reply but I got nothing. Nalungkot ako. I just thought he would text me back. Maybe he was still doing something important.
Ibinaba ko na ang cellphone. Ipinikit ang mga mata, at sa pagbilang mula isa sunod-sunod ay natagpuan ko ang sariling pumipikit na.
May kumikiliti sa tenga ko. I shifted on my sleep thinking it would go away but failed. It kept on moving whatever it was. I whimpered and slowly opened my eyes.
Pero ang linawag ang sumalubong sa akin kaya ipinikit ko ulit ang mga mata. Umaga na ba? Naramdaman ko ulit ang pagkiliti sa tenga ko. I whimpered and moved my hand to reach it and found nothing. What? Then I heard a chuckle. "Celestine."
That name. There was only one who calls me that. Slade. Napangiti ako't binuksan ulit ang mga mata, handang makita ang gwapo niyang mukha. Pero nang maimulat ko nang mabuti ang mata at tumingin sa pinanggagalingan ng tinig ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
We Just Are (GU #1.5)
Teen Fiction"He just is, I just am and we just are." -Lang Leav After a one hell of a ride, Celestine and Slade are finally together. And everything seems to be perfect; going smoothly. Pero ngayon na haharapin na nila ang panibagong yugto ng buhay nila, saan k...