Kabanata 2

4.1K 71 1
                                    

Hindi alam ni Lucien kung naka ilang shot na sya ng mamahaling whiskey sa bar ng bumaba ang asawa kasunod ang dalawang kasambahay na bitbit ang isang malaking maleta nito at ang anak nilang walang ka muwang-muwang sa plano ng ina.

"I called your best friend and he's sending the chopper here to come pick me up. It will be here any minute now Rick." Walang emosyong bungad nito sa kanya.

"Talagang hindi ka na maka pag hintay na umalis at nag pa sundo ka na ngayon sa halip na hintayin ang schedule na pag sundo sayo dito sa byernes ng hapon." May panunuya ang tinig na sabi ni Lucien.

"There's no diffirence between now and Friday, another day here and it will surely drive me nuts!" Taas ang babang sagot ni Celina.

"Fine do what you want Celina but I'm sorry to tell you that I will cancel all your credit cards and remove your name in our joint accounts! Party all you want but you have to spend your own money!" He said with finality in his voice.

"No! No you can't do that Rick! Asawa mo ako Rick may karapatan akong gastosin ang pera mo!" Hiyaw ni Celinang nan laki ang mga mata.

"Why not? It's my money Celina you just said it loud and clear, I will be calling the bank as soon as you walk out of that door." Seryoso at walang halong pag babantang sagot ni Lucien.

Yon talaga ang plano nyang gawin, alam nya kasing hindi makaka pag party at makaka gala ang asawa kapag wala ang mga credit cards nito na lahat ay galing sa kanya.

"You can't be serious Rick!" Hiyaw ni Celina.

"I'm damned serious Sweetheart, tignan natin kong mag enjoy ka parin ng walang pera sa Manila." Matabang na sabi nya sabay simsim ng alak sa hawak na baso.

"Fine Rick, sayong -sayo na ang pera mo! Papa will give me money you know that!" Taas noo at padabog na sabi ni Celina ng makitang seryoso sya at hindi lang basta nag babanta.

"Kung may ibibigay sya sayo." He said dryly.

"What do you mean?" Baling ulit ni Celina sa kanyang naka kunot noo.

"Oh don't you know that your father's company is close to crumble to dust my darling wife?!" Patuya nyang sagot.

"You can't be serious Rick!" Celina exclaimed na halatang hindi peke ang pagka bigla.

"It's the truth sweetheart, your father's construction company and furniture business is long doomed even before we got married, infact I already invested so much para manatiling bukas at kumikita ang mga negosyo nyo, pero sadyang kahit gano kalaki ang perang pakawalan ko, hindi parin sapat para masagip sa pagka lugi ang kompanya nyo." He said in a matter of factly.

"You must be kidding! Rivas Inc. was the best and the biggest name in construction business Rick, hindi mangyayaring babagsak na lang yon ng ganon-ganon na lang!" Hindi maka paniwalang sigaw ni Celina sa asawa.

"Well business is business sweetheart, matanda na ang papa mo, humihina na ang ulo sa negosyo, maraming maliliit na kompanya ang nag sulputan na may mas magagaling, mas mababa at may kakayahang ibigay ang deman ng market kesa sa kompanya nyo, I just heard your father just lost a multi million peso worth of contract in the government, in favor of a small construction and road works company, and your mother's posh furniture business doesn't have the same quality it once has, so tina talo na rin ng isang bagong pangalan na may mas dekalidad, mura at designer items na mga kagamitan." Walang ka latoy-latoy na imporma nya sa asawang halatang nan lumo.

Pero bahagya syang napa kunot noo, naka pag tataka kasing linggo -linggo itong present sa mga pag titipon ng mga mayayaman pero walang ka alam -alam sa mga tsismis na kumakalat sa sirkulo ng mga ito.

Magugustuhan mo rin ang

          

"I can't believe you are weekly present at parties and gatherings of the rich pero wala kang alam sa mga tsismis? Haven't your so called friends informed you about them yet?" Na nunuyang tanong nya.

Hindi ito sumagot sa halip pinan dilatan lang sya ng mga mata. Bahagyang dumaan ang katahimikan sa kanila, ni hindi nga nila na punang iniwan na pala sila ng mga kasambahay dala ang anak nila.

"I don't care kung ma lugi man ang business ni papa, I'm still your wife and I still have more money compared to those hypocrites." Taas ang noong sabi ni Celina na na unang bumasag ng katahimikan.

"Is that so my darling wife? Have you forgotten what I just told you na kapag umalis ka I will cut down all your credit cards and remove your name on anything we have jointly." He said reminding her.

"But you can't be serious Rick! Hahayaan mo akong ma pag tawanan? Hahayaan mo akong mag mukhang kawawa sa mga mata nila?" Nandilat ang mga matang sigaw ni Celina.

"If you're here with me, hindi ka nila ma pag tatawanan, if you're here with me hindi ka mag mumukhag kawawa." Walang ano mang sagot nya.

"Mali! Dahil habang nan dito ako, pinag tatawanan nila ko behind my back! Habang nan dito ako mas mag mumukha akong kawawa dahil iniisip nilang pinag tataguan ko sila! I need to be out there to show them na mali ang akala nila, I have to be there showing them who i am!" Sigaw ni Celina.

" Then go, hindi kita pipigilan, but I already told you what i told you, it's your choice sweetheart." He said, na tinungga ang lahat ng laman ng baso at pabagsak iyong inilapag sa counter bago tumalikod at iniwan ang asawa sa sala grande.

Tinungo nya ang kusina at natagpuan nya doon ang anak na pinapakain ng matandang babaing matagal nya ng taga pag alaga at itinuring na ina. Bahagya nyang nilaro ang buhok ng anak habang matama syang minasdan ng matandang bakas ang lungkot sa mga mata. Bahagya syang bumuntong hininga at tipid itong nginitian as if telling her that he's okay.

Hindi na kumibo ang matanda at ipinag patuloy ang pag papakain sa anak nya. Habang tumalikod naman sya at tumanaw sa malawak na likod bahay, na may sari-saring puno at halaman.

Nasa ganon syang ayos ng marinig nya ang tunog ng papalapit na chopper, hindi sya kumibo, na kikiramdam lang sya sa paligid, hanggang sa mangawit sya sa pagtayo at marinig nya ulit ang tunog ng chopper na unti-unting na wala. May pumasok sa kusina at sa pag aakalang ang asawa iyon ay lumingon sya, pero isa lang pala sa mga kasambahay ang pumasok.

"Naka alis na po si ma'am Celina, kuya." Imporma ng kasambahay.

Na laglag ang balikat nya at kasabay ng pag buntong hiningay tuluyang nag laho ang pag -Asa nyang ma nanatili sa tabi nya ang asawa.

"Mag papahain na ba ako ng hapunan Lucien?" Tanong ni Nanay Tessa ang matandang mayordoma at ina-inahan nya.

"Mauna na ho kayong kumain nay, wala ho akong gana." Basag ang boses na sagot nya.

"Tina, paki panhik na si Vivien, linisan mo na at patulugin saka ka bumaba at sabay-sabay na tayong kumain." Baling ng matanda sa kasambahay, sabay abot dito ng bata. Agad namang tumalima si Tina.

At ng maka labas ito ng kasina dala ang bata ay muli syang binalingan ng matanda.

"Hindi na talaga na pigilan ang asawa mo anak, umalis nat iniwan kayong mag -ama dito, Bakit hindi mo sya sundan at manatili kayong mag anak sa syudad? iwan mo na lang ako dito, malakas pa ako at kaya pa namin ng tata Nilo mong pangalagaan ang rancho." suhistyon nitong marahan syang hinila at pina upo.

"Hindi nay, hayaan muna natin sya sa gusto nya, pasa-saan bat uuwi din sya dito lalo nat wala naman syang pera." Malungkot na sagot nya.

"Pero umuwi naman kaya sya anak? Masyadong matigas ang asawa mo at kung hindi ka mag papakumbaba'y baka lumala ang hindi nyo pag kaka-unawaan at sa kung saan mauwi ang lahat." May pagka bahala sa tinig na komento ng matanda.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon