Maaga akong nagising dahil sa praktis. Naalala ko si Mr. Suplado. Tiningnan ko ulit ang message ko kahapon. Napangiti na lang ako. Talagang na-hook na ako sa pagse-send sa kanya ng mensaheng hindi ko alam kung binabasa niya o sini-seen niya lang.
Nagtipa ako ulit ng mensahe.
MESS: Hello. Goodmorning! Ok na ako. Naka-move on na ako sa hindi mo pagrereply. Haha.
MESS: Alam mo bang ang ganda ng tulog ko? Bukod kasi sa naaalala kita, nararamdaman ko ding hindi mo ako binabalewala. Kasi diba, dapat matagal mo na akong blinock kasi makulit ako? Pero hindi mo ginagawa. Take care po Kuya ^____^
Pagkatapos ko 'yon isend, naligo na ako. Pumunta ako sa may salamin.
Nakakatawang isipin na ang daming gustong manligaw sa akin. Ang daming gwapo sa pageant na nagpapahiwatig, pero 'eto ako, naging stalker ng isang taong hindi ko naman kilala.
Totoo nga ang sabi nila, hindi lahat ng bagay o tao nakukuha mo. Yeah, I had everything.
Beauty.
Brain.
Money.
Perfect family.
True friends.
But this messenger guy, hindi man lang ako magawang pansinin.
"Iya! Papasok ka ba o tutunganga ka na lang diyan sa salamin?" sigaw ni mama na ngayo'y nakapameywang na sa may pintuan habang pinagmamasdan ako. Natatawa pa.
"Mommy naman e. Oo na papasok na."
"Maganda ka naman kahit hindi ka na mag-ayos anak. Kaya tayo na at mahuhuli na ako sa office. We have to be there before your Daddy gets mad."
Itinali ko na lang buhok ko. "Yeah. Dali na. Tara na."
Natawa pa si Mommy nang makita niya ang ayos ko.
"Ganyan ka na? Nakatapis pa?"
Oh shit! Hindi pa nga pala ako nakakabihis. Ang tanga ko talaga. Bakit hindi ako nagmana kay Mommy? Napasapo na lang ako sa aking noo. Puchang gala!
Natatawang lumabas si Mommy. "Dali. Magpalit ka na!" sigaw pa nito bago isara ang pinto.
Gosh! Nababaliw na talaga ako.
(by:hiddenheartless)
BINABASA MO ANG
MESS-ENGER (COMPLETED)
Teen FictionEverything started when Messiah Trinidad sent a message to a stranger on messenger. And after a couple of messages, that guy replied. . . . . .then the roller coaster of their story begins. Dedicated to all my favorite writers:) ALLRIGHTRESERVED@2016