TINOTOO nga ni Aris na makikipagpalit sya ng slot nila sa Falcon's.
Simula last Tuesday, balik na kami sa routine namin na ihahatid nya ako pauwi, tapos saka siya pupunta sa practice nila ng banda. Kanina naman, sinundo nya ako sa bahay papasok sa school kahit mapaaga sya nang isang oras sa una nyang klase.
Kahapon kasi, nilapitan ako ni Bong nung free time ko. Nasa locker area ako para iwan yung libro kong ginamit nung umaga at kukunin yung libro ko para sa afternoon classes ko. Nauna na kasi sina Sarah sa KFC para pagsunod ko, naka-order na sila.
Inalok ako ni Bong na sumabay sa kanila ni Sarah tuwing umaga papasok sa school habang di ko pa namamaneho yung kotse ko. Nakita nya raw kasi na nag-commute ako papasok sa school kahapon.
Siya kasi ang kasabay ni Sarah papasok sa school kahit may araw na magkaiba sila ng sched. Tumatambay kasi si Bong kasama ang mga barkada nyang seniors somewhere kapag wala pang klase, or kahit walang pasok.
Tinanggihan ko.
Una, out of way sila dahil mas malapit ang bahay nila sa campus kesa sa amin. Malaking abala yun dahil kailangan pa nilang umalis nang mas maaga to pick me up. Dyahe!
Si Aris nga, Monday lang ako pumayag na susunduin ako dahil pareho sched namin, pati na yung paghahatid sa bahay pauwi. Maliban sa sinusundo nya ako kahit tinatanggihan ko sya dati. Nakasanayan ko na lang. Kaya ko naman sarili ko. Ang kulit lang talaga ni Aristotle.
Anyway, nakarating kay Aris yun. Malamang yung mga nakarinig na mga estudyanteng nakasabay ko sa locker area.
Ang nakakainis, iba yung lumabas na kwento. Tinanong ...rather kinompronta ako ni Aris about it noong sunduin nya ako after ng choir practice.
"May date daw kayo ni Bong," bungad agad sa akin paglabas ko sa multi-purpose hall.
"Ha? Saan galing yang balita?" nagulat ako.
"Sagutin mo yung tanong ko!" mataas ang boses nya.
"Teka muna, Aris. Una sa lahat, hindi ka nagtatanong kanina. You said it as if you were stating a fact...which is not a fact at all!" medyo nag-high pitch na rin ako.
"Inalok nya lang akong sumabay sa kanila ni Sarah pagpasok sa school. Tinanggihan ko kasi di naman ganun kakapal ang mukha ko. Masaya ka na?!" Asar na asar ako, kay Aris at sa mga tsismosa sa school.
"Kung gaganyanin mo rin lang ako, wag mo na ako ihatid pauwi. Wala akong inoobligang kahit na sino na gawin yan para sa akin!" bwisit na bwisit kong sabi at nilampasan ko sya.
Pucha! Nakapasok akong nag-commute, makakauwi akong magko-commute! Ganitong pagud na pagod ako, naku talaga!
Hinabol ako ni Aris, "Andz", tawag nya sa akin.
Hindi ko nilingon. Mas binilisan ko ang paglakad. Naiiyak ako pero pinigilan ko. Sa pagkakaalala ko, ito ang unang pagtatalo naming nagtaas kami pareho ng boses.
Malapit na kami sa hallway sa pagitan ng cafeteria at parking, nung abutan nya ako at hawakan sa braso.
"Andz, sorry," sabi sa akin.
Sinubukan ako bawiin yung braso ko pero di nya binitawan.
"Andz, naman. Sorry na. Nabigla lang ako."
Naiyak na ko. May kumawalang mahinang hikbi sa labi ko.
"Fuck," mahina nyang sabi. Hinatak nya ako paharap sa kanya at niyakap. "Sorry....sorry talaga."
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
General Fiction***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?