lintik na pag ibig parang kidlat...puso ko na tahimik na naghihintay bigla mong ginulat...
Yan ang isa sa mga bahagi ng kanta ng brownman rivaval. Pinapakinggan ko ito ng muling bumalik sa alaala ko ang taong huling minahal ko. Nagsimula ito nung college ako. Isa lang akong tipikal na babae na kahit nasaktan na ay hindi pa rin sumusuko sa pag ibig. Ako nga pala si Luri Soriano, ang babaeng laging sawi sa pag-ibig pero nung makilala ko si Clar Frias, aba syempre nung una ayaw ko pang magpauto no. Una sa lahat ikaw ba naman ang lokohin na ng tatlong lalaki at pangalawa ikaw ba naman ang ligawan ng ganung kagwapo. To help you imagine mala Daniel Padilla, maputi, maamo, malinis at mabango kaso payat sya...mas sexy pa nga ata sya sa akin e. Makikita niyo naman na ang picture niya sa ending ng story ko. Kaya walang duda na maiinlove ka talaga. <3 pero honestly hindi naman ako sa itsura niya nainlove ei. Naiilove ako sa mga damoves niya. Mga araw-araw na banat niya. Yung di mo aakalaing kung magmahal siya ei parang babae lang...sobra sobra...
Halos 24/7 akong may txt msg. Galing sa kanya. Siya din ang nagsisislbing wake up col ko at pampatulog sa gabi dahil sa mga harana niya. Halos every week end na may date at may ibat ibang paraan para pakiligin ako.
Minsan nga na stranded kami habang namamasyal...i should not consider it a date kasi wala naman siyang formal na pagsasabi ng gusto niya ako, na nililigawan na niya ako...di ako assuming no...dalagang pilipina pa rin ito no...saka niya inabot yung kamay niya sa akin...
para saan yan??
tara maligo ng ulan...
ano ka bata??
bata pa naman tayo ah...lets just enjoy life habang meron pa tayo nito. ayaw mo ba??
Syempre di ako sumagot..saka niya ako hinatak...akala niyo naman ayaw ko no?? Syempre pakipot lang...gusto ko lang pilitin niya ako. Masaya ang pagligo sa ulan...lalo na kung ang kasama mong maliligo e yung taong gusto mong makasama. Naglaro kami na parang bata..nang mapagod ay napahinto nalang kami habang pinakikiramdaman ang bawat patak ng ulan sa aming balat.
halika na...uwi na tayo at baka magkasakit tayo...malamig na rin e...
Hinawakan niya ang kamay ko sabay yakap. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Walang halong biro. Alam mo yung feeling na gulat ka pero gusto mo yung nangyayari. Na parang may tambol na mabilis na tumutunog sa loob ng puso ko...kinikilig akoooooooooooooo...<3
alam mo bang ngayon ko lang nagawa ito...masaya pala...kasi madalas pinagbabawalan nila ako...salamat ah...kasi laahat ng bagay na hindi ko nagagawa noon, nagagawa ko ngayon...dahil yun sayo...
o sya welcome….sabay kung tulak sa kanya...baka pagkamalan nilang mag jowa tayo no...
kelan ko kaya malalaman ang sagot mo??
sagot??saan?? may tanong ka ba?? halika na nga...saka ako naglakad
kasi diba nililigawan kita...
huh?? kelan pa?? parang di ko naman ata alam yun...
ano ka ba obvious na kaya...ikaw lang ata ang di nakakaalam e...
ay baka hindi naman ako yung nililigawan mo.
sira...totoo nga kasi...
ayoko ko kasi ng puro paramdam...syempre malay ko ba kung nature mo na talaga yan
diba...
gusto kita...gustong gusto kita...nung una palang kitang nakita...
bakit ako...e andami namang magaganda dyan...
ei sayo ako tinamaan e,,,biruin mo para akong nanalo sa lotto at may bonus pa...
bolero...narinig ko na yan sa mga sampung lalaking nakadate ko simula nung ma brokenhearrted ako...ahahaha
malay mo ito na yung totoo...
naku...wala rin namang kasiguraduhan yan...e baka nga bukas makalawa iba na yung sinasabihan mo ng ganyan...
try me...
ano ka pabango??
seryoso na kasi...seryoso ako...lahat ng ginagawa ko seryoso at galing sa puso.
tumalikod na ako sa kanya ng bigla niya akong sinigawan...
Luri Soriano...humuhinge ako ng permiso na ligawan ka...pumapayag ka ba??
hoy teka...tumayo ka nga..manliligaw ka lang bat parang nagpropropose ka na??
para diba mas maniwala ka na seryoso talaga ako...
o sya sige na...tumayo ka na...
It means yes diba...
But there are conditions....
kahit hundred and one pa...
o sige...
saka niya hinatak ang ilong ko...
o para san yun??
joke lang yung hundred one a..parang di ko naman ata kakayanin yun...
so ayaw mo na...
hoy… wala akong sinabi...so ano na nga??
1st condition: dapat honest tayo sa isat isa.
2nd: dapat walang araw na di mo ako pinakikilig
3rd: gusto ko araw araw mong sasabihin na gusto mo ako. araw araw mong itanong kung kelan kita sasagutin..makakalimutin kasi ako.
yun lang ba?? kayang kaya....
may 98 pa kaya..ahahaha kasi di ba sabi mo hundred and one...
Syempre di lang naman puro kasweetan ang inabot ng panliligaw niya sa akin. Nung una palang syang nameet ng mga friends ko maliban sa mga good points na napansin ko na napansin din nila ay may mga side comment din sila. Pero the funny thing is pareho nilang sinabi na mukha daw siyang babae, para daw siyang babae o kaya naman tboom daw sya. Mas maganda nga daw siya sa akin e...maputi sya, ako morena matangkad,ako hindi... Payat tas ako, mataba lang konti...ah basta syempre alam kong naiinggit lang sila no...ahahaha. Minsan nga ay napaaway ako dahil pinagpipilitan ng mga insecured kong mga classmate na tibo daw siya…
bff sang planeta mo naman nabingwit yang bagong manliligaw mo??
hui bff...di ako namimingwit no...
so san mo nga nabili yan??saka nya ako binatukan walang mabibiling ganyang kagwapo no...so ano nga??
wala ka bang tiwala sa ganda ko??