CHAPTER 34: THE ROMANTIC DINNER
Sabrina's POV:
"Ugh! Ayoko na maglaro niyan! Mababali pa yung mga kamay at paa ko!" reklamo ko sa kanila.
Nandito kasi sila Cypher sa bahay, at naglalaro kami ng Twister. At kanina pa din nanga-ngawit yung katawan ko! >_<
"Eii~! Kill joy ka ate Sabby! Manood ka nalang ng kdrama!" sabi sakin ni Xavier.
Mabuti pa nga at manood nalang ako ng kdrama, kaysa sa sumali sa kanila. Baka mamaya makita ko nalang na bali-bali yung mga buto nila.
Pumasok ako sa kwarto at suma-langpak sa kama. Bigla ko nalang narinig yung phone ko na tumunog.
"Hellooo~??" tinatamad kong sagot.
(You sound tired. What's up??)
Si Grey lang pala tong tumawag.
"Well, yeah. Wala kasi akong magawa dito sa bahay. Super boringgg~!" reklamo ko.
(Naboboring ka? Then let's have a dinner tonight. I'll fetch you later six o'clock. Wear something nice)
Napakunot ako ng noo. Pero dahil wala din naman akong magawa dito sa bahay. And of course, dinner would be nice.
"Sure, I'll wait---"
(Okay! I'll see you later! Bye!)
Napakunot ako ng noo at tinignan yung phone ko, binaba niya kaagad?
"Anong meron dun??" tanong ko at kinuha yung bag ko sa study table.
Magpupunta na lang aka sa salon ni Martin. Wala kasi si Casey, kaya walang magmemake-up sakin. Hindi pa naman ako marunong magmake-up.
...
"Okay! Gosh! I'm so good at this things! You look beautiful sweetie!" saad sakin ni Martin.
Nandito ako ngayon sa salon ni Martin. Tinext kasi ako ni Grey kanina, magdidinner daw kami mamayang gabi. Kaya ito ako ngayon, kakatapos lang akong make-upan ni Martin.
"Thank you, Martin. Hihintayin ko nalang si Grey" sagot ko sa kanya.
"Your boyfriend? He's here already. Nasa labas siya naghihintay" sabi niya habang inaayos yung buhok ko.
Tumayo ako at naglakad sa labas. "Have fun darlings!" sigaw ni Martin.
"You look really gorgeous" saad niya habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng kotse.
"Thank you. You look handsome"
saad ko at inayos yung seatbelt."Now, shall we go and have a romantic dinner?" he said while wiggling his eyebrows.
Natawa na lang ako at tumango.
...
"Brace yourself, this is how Grey Xander Sevit plans a romantic dinner" sabi niya at tinanggal yung blindfold na nasa mata ko.
(O_O) → me
(^_^) → him
Lights. Rose petals. Flowers. Breathtaking view. Music. Perfect romantic dinner.
"Speechless??" natatawang tanong niya sakin.
"wow....." the only word that I can express. Wow as in wow.
Paano ka ba naman hindi maiin-love dito sa lokong toh? Kung maka-effort wagas! Wagas as in todo effort poh! Ewan ko nalang kung hindi pa tumalab yung charms niya sa inyo. Basta ako nafall na.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd meets The Campus Heartthrob
Teen Fiction"Be my girlfriend" Yan lang naman ang mga salitang nagbago sa boring at normal kong buhay. Nagbago sa kung sino ako ngayon. With just those simple words he said, I changed, everything changed. Out of all places, can you imagine being the campus hea...