XXIX.

17 2 0
                                    


(Celesti)

"ANOOOOO?"

Nganga kaming lahat sa sinabi nya.

"Bakit? Masama bang maging date ang isang Celesti Circe Maxfield?"

Oh? Alam nya fullname ko?

"Bakit alam mo fullname nya? Hindi naman namin nababanggit sayo ha?"

"H-ha? Ah ano kasi... Nabasa ko sa ID nya."

"Oh~"

Binulungan ko si Reynand.

"Ano yung sinabi mo kanina?"

Bumulong din sya sakin.

"Bingi ka ba? Hahaha"

"Gusto ko lang marinig ulit. Baka kasi bingi na ako."

"Ang sabi ko. Ikaw ang date ko sa party."

"Bakit mo naman yun sinabi?"

"Kasi alam kong wala ka talagang date. Tama ako diba?"

Napakamot na lang ako sa ulo dahil tama naman talaga sya.

"Hoy anong pinagbubulungan nyong dalawa dyan?"

Napatingin kaming dalawa kay Shel na nakaduro. Problema ne'to?

"Ano bang paki mo? Maghanap ka na lang ng date mo!"

Inirapan ko sya at kumain ulit.

Minsan talaga nakakainis na yang si Shel. Mayabang na nga pakialamero pa.

Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa lamesa ng nagvibrate ito. Meaning may tumatawag.

Daryll's calling....

Ano na naman bang problema?

"Excuse me lang ha."

Tumayo ako at lumabas. Mga usisero't usisera kasi yung mga nasa loob.

"Oh?"

Ganyan ako maghello sa cellphone.

"Ahmm miss..."

Napairap na lang ako sa pagiging mahiyain nya. Minsan talaga hindi ko alam kung bakit ganun ang mga pakikitungo ng mga photography members sakin. Parang ewan.

"Bakit? May problema ba?"

"Hinahanap ka po ni Ma'am."

Napakunot naman ang noo ko. Minsan lang ako hanapin ng teacher na nakaasign sa club namin dahil hindi naman kasi ako nakikisipsip sa kanila.

"Bakit daw?"

"Wala pong sinabi eh. Kailangan nyo na lang daw po pumunta dito."

Napakamot na lang ako sa noo ko. Ano ba naman yan! Hindi man lang tinanong kung bakit.

"Sige papunta na ako. Bye!"

Hindi ko na hinintay na sumagot pa sya dahil pinatay ko na yung tawag.

Sayang load nya kung aaksayahin nya lang. Concern citizen lang ako.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon