Nasa likod ng canteen si Fatima Rivera, nagtatanong sya sa ibang volunteers na naroon kung nasaan si Rissa, at ano ang resulta ng Competition. Atsaka lalabas si Rissa, masaya itong nakangiti kay Fatima.
"Ano? Kamusta?" tanong ni Fatima. "Nanalo ako, pinsan! Nanalo ako!" masaya nyang salita. "See? I told you, kaya mong manalo at patunayan sa lahat na magaling kang magluto. Magaling kaya ang nagturo sayong magluto noh! Kaya alam kong kaya mo." pagsasalita pa nito. "Dapat mong ipagmalaki na ang papa mo ang nagturo sayong magluto. Magaling na kusinero ang papa mo, at alam yan ni mrs. Perez, diba?" "Oo, binanggit nga nya kanina si papa sa harapan ng lahat eh." "Oh, see? you should be proud of your dad." Napatango-tango na lang si Rissa dahil sa sinabi nito. Napaisip sya tungkol sa sinabi ni mrs. Perez kanina tungkol sa kanyang papa.
Matapos ang deklarasyon ng pagkapanalo ni Rissa ay muling nagsalita si mrs. Perez. "Alam kong noon nyo pa gustong malaman kung bakit si Rissa Magalona lamang ang pinapayagan kong magluto sa inyong lahat na mga volunteers dito sa kusina." panimula ng guro. "Alam kong marami ang nagtataka at nagtatanong. Siguro ay panahon na para malaman nyong lahat, pati ng mga kitchen staff na mga baguhan lamang." Kapansin-pansin na natahimik ang buong kusina, lahat ay handang makinig sa sasabihin ng guro. "Si mr. Aldrin Magalona, ang papa ni Rissa, ang nagturo sa kanyang magluto sa edad na anim na taon. Kakilala ko sya at kaibigan ko noong nag-aaral pa kami sa kolehiyo. Kaya alam kong magaling talaga syang magluto at magtimpla." "Sa ngayon ay isang cook sa isang luxyry passenger ship ang papa ni Rissa na naglilibot sa ibang bansa. Isang kusinero sa barko ang papa nya. Sa totoo lang, kahit hindi mag-volunteer si Rissa sa kusinang ito ay kaya nyang magbayad ng tuition nya. Hindi tulad ng karamihan sa inyo na kaya nag-volunteer dito ay para magkaroon ng discount sa tuition nyo dito sa FCHS." "At sa totoo lang kahit hindi magluto dito si Rissa ay wala syang magiging problema. Pero kami ang magkakaproblema, dahil nasanay na ang mga tao dito na may masarap na luto si Rissa tuwing hapon. Kaya nga pinatuturuan ko na sa kanya si ate Beth ninyo kung paano sya magtimpla ng mga meryenda para sa pag-graduate nya ngayong taon, hindi kami magkakaproblema sa susunod na taon."Tiningnan ni mrs. Perez si Beth, at nagkangitian sila. "Ngayon ay aasahan kong hindi na kayo ma-iingit at magseselos kay Rissa tuwing magluluto sya. Alam nya kung ano ang ginagawa nya. At alam ko din kung sino at ano ang dapat mangyari dito sa kusina. Naiintindihan nyo bang lahat?" Tumango ang karamihan sa mga volunteers at staff. "Wag nyong iisiping may paborito ako dito sa kusina. Ginagawa ko lang ito para sa kapakanan ng buong kusina. Hindi ko paborito si Rissa dahil sa kakilala ko ang kanyang ama. Pinapagluto ko sya dito dahil marunong syang magluto at maayos syang magtrabaho." pagtatapos ng guro at saka ito lumabas ng kusina.
Isang hampas sa kanyang balikat ang nagpabalik sa lumilipad na isip ni Rissa sa normal. "Ano ba? Tulala ka na pala dyan. Kanina pa ako salita nang salita dito, hindi ka naman pala nakikinig." salita ni Fatima na tila nagtatampo. "Sorry pinsan, may iniisip lang ako." sagot nyang napangiti na. "Pasok ka muna para makapag-usap pa tayo." "Hindi na, magkikita pa kami ni Allen sa court, may praktis sila." Napatango na lang sya sa sinabi nito. Nagpaalam na si Fatima sa kanya, at agad nang umalis. Sya naman ay pumasok na ulit sa kusina dahil may gagawin pa sya.
#KeepSupportingFCHS #SalamatSaLahat

YOU ARE READING
#TMPBook7Book7 IntroTEACHER MINA PRESENTS: Hahanapin Kita: Rissa and Samuel
RomanceNakababatang kapatid ni Daniel si Samuel Amante. Pero magkaklase sila ngayong taon. Sabay kasi silang nag-aral, at si Sam ay matalino at masipag mag-aral. Kaya naman marami din ang hanga dito, popular din ito tulad ni Danie Grade10 sec7 naman si Ris...