Chapter 10: Bonding time ♥ Kas and Drick
Drick's POV:
Hi readers, Czedrick kim at your screen....na kasalukuyang nasa kwarto namin ni kassy(kas) im calling her kassy kase masyadong maiksi yung kas kaya kassy...tas ang tawag nya sakin ay cky dahil tamad syang tumawag lalo na pagdating sa pangalan... Gusto nyo malaman kung pano ko natuklasan mga iyon?? Simple lang, naririnig ko at napag alaman kong sya gumawa ng mga palayaw ng mga kaibigan nya sample; sean imbis na szchantelliah, che imbis na francheska, lee imbis na macy, kai imbis na khailla, at kas imbis na isa dun sa pangalan nyang cattie louisse kaye anne Oh di ba??dakilang tamad!hahahaha anyways,lumalayo na tayo eh.
Kasalukuyan akong naka open sa aking social medya account na tinatawag na Instagram.... Pinapasabi nga pala ni otor na ifollow nyo sya sa I.g MarkBamSon_Lover daw ang username nya....hahaha anyways kaya ako naga- Ig dahil hinahanap ko yung mga lalaking sinasabi nila kassy yung Got7 ba yun?? Pogi daw yun ei.
Im searching for got7 and lumabas yung isang fan account at yung iba JypEnt tas yung iba acount nila kassy at ng mga kaibigan nya for real?? Kaya tinignan ko yung Ig account ni kassy at nakita kong marami syang followers 13k at 123 followings lamang.... At..... Yung mga update nya kung hindi pagkain kasama sya, mga merchandise ng got7 nya with her, and sya with her friends. Di ako makapaniwalang ganto ka baliw sila kassy sa mga lalaking to samantalang mas pogi pa ko/kami ng mga kaibigan ko kesa sa mga to......
Teka....
Sino ba tong may pinaka malaking katawan na nato??Kassy!!tara dito may tatanong ako sayo!!- sigaw ko kay kassy
Ano nanaman bang problema mo damulag huh??- mataray na tanong nya sakin pagkatapos nya lumapit sa higaan kung nasan man ako.
Maka damulag ka naman!! May tatanong lang ako, sino ba tong may pinakamalaking katawan nato??- tanong ko na may halong pagmamaktol, pero kinuha nya lang yung cellphone ko at tinignan yung tinitignan ko
Ah!! Sya ba?? Sya si kim yugyeom! 19 years of age ang maknae ng got7- pagpapakilala nya na may halong kilig pa!tsk.
[Photo in multimedia]Ang panget naman ng pangalan!!- sabi ko
Ang bitter mo damulag!! Tumayo ka na nga dyan, gala tayo sa labas! Dalii!!- aya nya kaya tumayo na ko at sumunod sa kanya
* Sa labas ng bahay
San ba tayo pupunta??kanina pa tayo naglalakad, sakit na ng paa ko!!- reklamo ko,pano kanina pa kami naglalakad tas parang wala naman kaming pupuntahan.
Wag kang maarte damulag!! Naghahanap ako ng park!- sagot nito napa face palm naman ako.
Sa sobrang inis ko sa katangahan ng babaeng kasama ko ay binatukan ko na magising lang.
*pak*
Aray naman!! Bat ka ba nangbabatok??- sigaw nya sakin
Panong hindi kita babatukan?? Eh park lang pala hanap mo kung saan saan pa tayo nakarating!! Yung park andon sa tapat ng bahay!!- sagot ko,nagulat naman at at biglang napakamot ng ulo
Ah ganun ba??hehe....syensya na! Dyosa lang ako nagkakamali din, tara na nga!- sabi nito,hinayaan ko nalang syang ibahin yung usapan dahil baka sobra syang napahiya kanina..
@park
Sa wakas!!narating din namin!! Susme! Ka laking babae ke tanga tanga!!tsk tsk*boogsh*
Hoy damulag!! Di ako tanga noh!! Gusto mong maupakan??- sigaw nito sakin napakamot nalang ako sa ulo kong nabatukan...napalakas pala ang sabi ko,di ko manlang namalayan.Anong gagawin natin ngayon??- tanong ko after namin magpahinga at magpaka busog
Kwentuhan nalang tayo habang naghihintay na lumubog yung araw- sabi nya
Tungkol saan naman??- tanong ko
Bahala ka!! Kahit anong gusto mong ikwento- sabi nya habang nakatingin parin sa seaside (may seaside kasi sa gilid ng park nila)
Ako nalang muna magkukuwento,makinig ka huh?- sabi nya ulit tumango nalang ako kahit di nya nakita
Nung 8 years old ako....- pagsisimula nya
Sa isang park ko din nakilala si sean... nakaupo sya sa isang bench habang umiiyak, linapitan ko sya at tinanong kung bakit sya umiiyak ang sabi nya wala syang kalaro,nung mga panahin na yon masyado pa kong mabait kaya sabi ko ako nalang kalaro nya, pumayag naman sya....simula nun naging mag bestfriend na kami halos hindi na nga kami mapaghiwalay nila mama noon...- kwento nya habang nakangiti
So kayo pala ang unang nagkakilala...- sabi ko at tumango naman sya
Hanggang isang araw naghahabulan kami ni sean 9 years old na kami nun pero mahilig parin kaming maglaro, habang hinahabol ko si sean ay nadapa sya...dahil kilalang cry baby si sean umiyak agad sya at di na nag abalang tumayo pa, lalapitan ko na sana si sean pero may isang batang babae na lumapit kay sean at tinulungan syang tumayo... unang kita ko sa kanya natakot agad ako dahil sa mata nya pero malalaman mo agad na mabuti syang tao....pinatahan naming dalawa si sean nung tumahan si Sean tinanong nya ang pangalan nung batang babae at dun namin nakilala ang misteryoso pero mabait na si kai...- kwento nya pa
So ibig mong sabihin dati pa man din ganyan na si kai??cold??- tanong ko
Yep!! Pero pagdating kay sean sweet syang tao... ayaw na ayaw nyang umiiyak o naapi si sean, alam nya kasing napakahina nito kahit na parang ang lakas lakas nya.... natatandaan ko pa noon nung umalis si kuya lucke at pumuntang brazil para bisitahin yung puntod ng great grand mother nila sean... ayaw paalisin ni sean si kuya lucke nun, akala nya kasi pag umalis ang isang tao hindi na ito babalik... pero hindi nagpapigil si kuya lucke, kahit na hindi sya nagpapigil kay sean kinausap nya kami ni kai na bantayan si sean.... dun ko napatunayan na mahal na mahal ni kuya lucke si sean.... ang nakakatawa simula nang umalis si kuya luck ayaw nang kumain ni sean kung hindi namin pipilitin hindi talaga sya kakain, tas nang umuwi na si kuya lucke bumalik sa dati si sean ang problema.... ayaw nya nang lumayo kay kuya lucke! Gusto nya itong laging nakikita, gusto nya kasama sya sa lahat ng lakad ni kuya lucke, nung minsan nga na nagkukwentuhan kami ni sean pumunta ng cr si kuya lucke hindi nya agad napansin yun...nung nakita nya si kuya lucke humabol agad sya kahit papasok na ito ng banyo, ayaw naman humiwalay ni sean kaya napilitan mag cr si kuya lucke kasama si sean..- natatawang kwento pa nito
Hindi ko alam na may ganong side pala sila... di maikakailang matibay ang pundasyon nila sa isa't-isa...
Ayan na.... malapit na...- mahinahong sabi ni kassy kaya napatingin ako sa langit...
Napaka ganda!!ng langit... hindi ko namalayan na naibaling ko na pala ang tingin ko kay kassy..
Nakangiti sya...yung mata nya kumikinang dahil sa liwanag...yung labi nya..... parang ang sara-- ugh!! Ano ba tong iniisip ko?? Jusko!! nababaliw na ata ako!!
Huy! Okay ka lang??- tanong nya ng mapansin ako
Huh??o-okay lang ako uwi na tayo??baka hinahanap na nila tayo??- alok ko sa kanya kahit nabubulol ako
Pumayag naman sya kaya umuwi na kami pag dating sa bahay si lucke ang inabutan naming nasa sala at nanunuod... yung iba siguro nasa kwarto na nila...
Kaya umakyat na kami sa kwarto, pag pasok ko ay dinamba ko agad ang higaan napagod ako! Kahit wala ko masyadong ginawa...
Pano ba yan??paalam na mga reader huh??
————–———
Nagustuhan nyo po ba?? Sana oo, kasi pinaghirapan kong itype yan eh,hahahahaha.Nga pala baka may mga wrong typos ako,pagpasensyahan nyo na..
Pls! Vote & comment👇
—StitchLover

BINABASA MO ANG
My Illegal Love??
Teen FictionLove... Sabi Nila Walang Masamang Umibig? Pero Bakit Nung Minahal Ko Sya Ang Daming Tutol? Ang Daming Sagabal? Hindi Ko Na Alam Gagawin Ko, Mahal Ko Sya Kahit Alam Kong Hindi Pwede... Ako Si Sean Monteverde At Ito Ang Storya Nang Aming Illegal Love�...