I.

1K 26 2
                                    


I.

Dahan-dahang iminulat ni Sophia ang kanyang mga mata. Agad na tumambad sa kanya ang gulat na gulat na si Lance.

"S-so..phia! Sophia!" pasigaw na sabi nito, at saka nya napansin ang isa pang kaibigan na si Albert ng bigla itong napatayo sa kinauupan di kalayuan sa kamang kinahihigaan nya.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong i Albert.

Litong iniikot nya ang paningin sa kabuuan ng puting silid. Nagawi ang paningin nya sa dextrose na nakakabit sa kanang braso, sapat para maunawaan nyang nasa ospital sya.

Pinakiramdaman nya ang sarili at bahagyang ngumiti.

"Ayos lang naman ako. Wala namang masakit sa 'kin."

"Pinag alala mo kami. Sabi ng doctor pwede ka na daw lumabas pag nagising ka na." masuyong sabi ni Albert.

"Ano bang nangyari? Bakit ba ako nandito?" tanong ni Sophia sa dalawang kaibigan.

"Ikaw ang dapat naming tanungin nyan." Sagot ni Albert, habang nanatili lang si Lance na nakamasid at pinag aaralan ang mga kilos ni Sophia. "Ano ba naman kasing ginagawa mo dun sa---"

"Hayaan mo muna sya Albert!" maagap na putol ni Lance, bakas ang matinding takot sa mukha nito.

Napailing nalang si Albert at saka naisipang sabihin ang mas mahalagang bagay.

"Tumawag ang mga pulis. H-hihingan ka nila ng witness statement anumang oras ngayong gising ka na."

"Pulis??!!" Gulat na tanong nya. Mukha ring biglang natakot si Lance dahil sa biglaang pagbabalita ni Albert. "Bakit... b-bakit pulis? A-anong---"

"W-wala ka bang naaalala sa mga nangyari?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Lance.

Hindi nakasagot si Sophia bagkus ay salitan nya lang na tiningnan ang dalawang kaibigan.

"Sophia..." sambit ni Albert. Bago pa man ito maawat ni Lance ay naituloy na nito ang iba pang sasabihin.

"Yung lugar kung saan ka nakita kanina" Naging malikot ang mata nito at inisip kung paano tatapusin pa ba ang nasimulan.

"May kasama kang isa pang lalaki pero..." napalunok muna ito bago naituloy ang sasabihin.

"W-wala na syang buhay ng matagpuan."






To be continued...

ABANDONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon