Chapter 4

36.1K 762 29
                                    

Jeremy's POV

Hi I'm Jeremy Salvador, kung si James ang King dito sa campus pwes ako ang heart throb dito, hindi naman sa ayaw ko sa looks ko pero palagi nalang akong hinahabol ng mga girls pati mga gays. 

Heto ako ngayon pabalik sa aming room kasama si miss ganda

Di ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya. Ang ganda niya pala kahit ganyan ang looks niya, i-make over mo lang siya ng konti mas lalo pa siyang gaganda

Umiwas naman ako ng tingin nang nahuli niya akong nakatitig sa kaniya

"Ah eh n-nandito na tayo sa room" sabi niya

"Oh tara pasok na tayo" pag-aaya ko sa kaniya

Nang makapasok na kami sa room, lahat ng mga classmates namin nakatitig sa amin

Yung mga girls naman ni-glare si Jina yung parang may lumalabas na laser sa mga mata nila

"Bakit ngayon ka lang bro?" tanong ni Jeff

"Ah-eh"

"Bakit ngayon ka lang JEREMY SALVADOR?" hala galit na si Commander James

"Tinulungan nya ako kanina sa Cafeteria" bored na sagot ni Jina

"Di kita kausap Nerd, teka naubos mo ba yung mga pagkaing binili ko para sa iyo?" tanong ni James kay Jina

Nagnod naman si Jina tapos pumunta na siya sa kaniyang upuan

"IKAW JEREMY SALVADOR, sabi ko ikuha mo kami ni Jeff ng softdrinks, ba't ang tagal?"

"Kasi an-"pinutol niya naman yung sasabihin ko

"Huwag mong sabihing nagpakasuper hero ka?"

"Oo eh hehe"

"Di mo ba narinig yung sinabi ko kanina Mr. Sunget?" bigla namang sumabat si Jina

"Narini-"pinutol ni Jina yung dapat sabihin ni James

"Sabi ko kanina tinulungan ako ni Jeremy sa mga bully, siguro bingi ka lang kaya di mo narinig, maglinis ka nga ng tenga pshh" pang-aasar ni Jina

Natawa naman ako kasi ang ganda ng reaction ni James hahaha. Pero parang nao-OP na'ko dito makaupo na nga

"Saan ka naman pupunta Salvador?" hala nahuli ako ni James

"Syempre sa upuan hehe uupo na ako"

Si James di na sumagot bagkus eh nakaglare lang sa akin hala kinakabahan na ako

No choice

"Uy pre sorry na naawa lang ako kay Jina kaya tinulungan ko sya"

Tapos nagpuppy eyes ako kahit labag sa loob ko

Bumuntong hininga naman si James

"I'll forgive you this time" nakahinga naman ako ng maluwag. Ayaw ko kasing nagagalit sa akin ang isang kaibigan. Parang kapatid ko na kasi siya.

"Salamat pre"

"Just this time" sabi niya tapos ni-glare niya nanaman ako

JAMES' POV

Tsk asan ka na ba Jeremy? Tagal nya ah? Halos 25 minutes na kaming naghihintay sa room

Yung mga babae naman dito ang iingay, tanong ng tanong. Dadagdag pa sila sa inis ko

Kung hindi lang nagsumbong yung Professor namin sa Papa ko about yung nangyaring kiss sa amin ni Nerd di sana ni-lock yung tambayan kainis

"Oh bro, you look so pissed off? Why?" tanong ni Jeff nang makalapit siya sa akin.

Campus Nerd meets the Campus KingWhere stories live. Discover now