CHAPTER 2

23 1 0
                                    

Introduction~

Nakauwi ako sa bahay na mukhang may dinadala. Kaya naman ang bungad sakin ni nanay ay "Kumusta ang first day at mukhang pinagbagsakan ka ng mundo?"

"Mamaya nalang nay. Pagod po ako." Sambit ko at dumiretso na agad sa kwarto.

Natulog ako ng hindi nagpapalit ng uniform. Siguro sobrang pagod na talaga ako.

"Anak! Tumayo ka na diyan kakain na tayo!" Narinig ko mula sa aking pintuan.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong 6:30 na pala. Wai- 6:30?!!

"NAAAAAY! BAT DI MO PO AKO GINISING!"
Sigaw ko mula sa aking kwarto.

"Anong hindi? Kanina pa kita ginigising at ngayon ka lang naman nagising. Ano bang ginawa niyo at mukhang pagod na pagod ka? Tapos kanina hindi pa kita macontact."

Oh sheez. Oo nga pala.

"Uhh nay, medyo hindi maganda yung nangyari kanina eh hehe pero wag kayong magagalit nay hehe" panimula ko.

"Ano na naman yan aber? First day na first day Ellaine ah." Banta ni nanay.

"Kanina kasi nay. Habang nagdidiscuss si ma'am, may nag missed call. Edi tinignan ko tapos ni text ko. Kaso biglang kinuha sakin. Punta daw kayong guidance hehe. Labyu nay!"

"Hay nako. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na oo, pinapayagan kitang dalhin yang phone mo basta wag mo lang gagamitin sa oras ng kl-"

"Opo nay. Sorry po. Hindi na po talaga mauulit!"

"Osya sige, tara na. Nakahanda na yung kakainin natin"

"Yieeeh labyu nay!" Paglalambing kong muli.

Pagkatapos kumain ay hinugasahan ko ang pinagkainan namin ni nanay at saka bumalik sa kwarto.

Naghilamos na ako at nag toothbrush atsaka humiga. Kinuha ko ang laptop ko at agad dinala sa Facebook.

Ang bagal naman neto. Bat pa kasi kinuha yung phone ko eh. May one notification pa naman.

"Luke Daniel Oswald sent you a friend request."

Sino naman to? Cinlick ko ang profile niya at nagbasa ng infos.

Pampanga
Studying at St. Bernands University

Hala! Schoolmate ko pala ang isang to.

See mutual friends

Andrei Morales
Juan Miguel Dela Cruz
Roselyn Zambarano

Kilala ni Roselyn to? Tanungin ko nga bukas.

Pagkatapos ng pag sstalk ay naisipan ko ng matulog nalang.

"Hoy! Ano bang problema mo sakin ha?" Tanong ko kay kuyang naka blue.

"Anong problema? Ikaw ang may problema! Kita mo ng dumadaan yung tao eh!" Aba. Sinisigawan pa ko ah?

"Eh ang laki naman kasi ng daan bakit sa tabi ko pa naisipang dumaan?" Galit na rin ako ah.

"Eh kasi po Ms Sungit, yung malaking daan na sinasabi mo, ay para sa mga sasakyan. At ang daan na kailangan kong daanan ay ang side walk kung nasaan ka rin. Eh ang kaso, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo tapos nagmamadali ako. So, sinong mali?"

Pinapainit talaga nito ang ulo ko ah.

"Aray!" Ayan. Sinuntok ko nga. Bagay sayo yan.

Inirapan ko nalang siya at naglakad nalang muli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hold On Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon