Sa panahon na nalalapit na ang masayang Pasko malungkot naman ang tatlong magkaibigan. Dalawang linggo na silang hindi sinisipot ng kanilang liligawang dalaga. Akala nila tuloy-tuloy na sa isang happy ending na "and they live happily ever after" ang kanilang love story.
Tuwing Lunes hindi halos makapagtrapaho si Tim sa kahihintay kay Dina. Halos umagahin na si Adrian tuwing Miyerkules sa ovetime kunwari niya. Sa Biyernes panay ang punta ni Melvin sa banyo para lang may dahilan upang dumaan sa Sports Department.
Inaaliw na lang ang kanilang sarili sa lungkot na nararamdaman sa pagkukuwentuhan tungkol sa nararamdaman. Malaking tulong sa kanila ang tatlong manikin sa window display sa harapan ng tindahan. Buong pag-ibig nilang pinagmamasdan ang tatlong manikin.
"Kamukha ng manikin si Dina at magtapat na sana ako ng pag-ibig sa kanya," buong panghihinayang na nasabi ni Tim.
"Parang manikin din ang ganda ni Angela na tiyak na sasagutin ako," iiling-iling ng ulo si Adrian.
"Kaakit-akitdin ang aking si Nora, na bigla ring nawala," galing kay Melvin.