Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko sa bahay; kanina pa nga ko nakahiga sa kama ko. Naghihintay kasi ako sa text ni-
Saktong tumunog ang phone ko at dali-daling tiningnan 'to.
No load? Borrow SULITXT-
Tokneneng GLOBE! Pang-sampung text mo na 'to! Marami akong load ngayon! Nagpa-load ako ng 500 pesos at baka mag-text siya at ayaw kong mabitin kaya tantanan mo ko!
Nakasimangot akong humiga ulit.
Pagkatapos nung gabi sa bonfire dance, kinabukasan binigay ni Alejandro ang phone number niya sa'kin. Ang tagal ko nang nakuha ang mga number ng ibang prinsipe, at ang sabi nga nila, collect all ten, and finally to complete the set, meron na ko sa kanya.
"Meron na kong number niya..." Unti-unti akong napangiti. "Meron na kong number niya!" Niyakap ko si Hello Kitty at gumulong-gulong sa kama ko. "Nasa akin na number niya Kitty!"
Biglang may kumatok sa pinto ko. "Hoy Zel! Nasisiraan ka na ba ng ulo diyan?!"
Tumayo ako para buksan ang pinto, at ang nadatnan ko lang naman ay ang mukha na matagal ko nang hindi nakikita.
"Kailangan ko bang tumawag ng abularyo?"
"Ewan ko sa'yo kuya."
Pakilala ko nga pala ang "dearest" brother ko. Siya si Francis S. Diaz, ang kapatid kong 27 years old na nagtatrabaho sa New Zealand, well, dating nagtatrabaho dun. Nagulat na nga lang ako na nandito na siya. May nag-offer daw kasi sa kanya ng mas mataas na posisyon at salary sa isang kilalang TV station dito kaya here he is.
Ang masaklap nga lang hindi na niya ko mapapadalhan ng New Zealand dollars.
"Nawala lang ako ng limang taon, kung anu-ano na pinaggagawa mo."
"Bumalik ka na nga sa mga baka mo dun," sabi ko. "hinihintay ka na nilang gatasan mo sila."
"Ang iniwanan ko lang dun ang mga New Zealand chicks ko~"
WOOOOOOOOOOOOOOOHHHHHHHHHH AYAN NA SI BAGYONG FRANCIS!
"Grabeng lakas ng hangin! Signal number 5 na! Kailangan na nating mag-evacuate!"
"Inggit ka lang sa namana kong kagwapuhan kayla Dad."
Gusto ko talagang sapawan 'to eh, pero kahit ako hindi ko made-deny na may itsura 'tong kapatid ko na 'to. Sinipsip na niya halos lahat ng kagwapuhan at kagandahan ng parents namin nung nasa tiyan pa lang siya, kaya nung ako na, halos walang natira sa'kin.
Kumbaga nakatikim lang ako.
Sa kaka-internal monologue ko, hindi ko napansin na kinuha na niya phone ko at tinitingnan ang mga messages.
"Kanino ba 'yung number na kinikiligan mo-"
"Akin na 'yan!" Kinukuha ko 'to sa kanya pero bigla siyang tumakbo pababa at hinabol ko 'to. "Kuya!"
"Sino muna 'yun?"
Nilalayo-layo niya ang phone at hindi ko 'to makuha. "Si Batman!"
Napangisi siya. "Isa ba 'to sa mga boylet mo?"
BINABASA MO ANG
Surrexerunt Academy II
Teen Fiction{Complete But Still Updating Extra Chapters} 1 Babae 1 Prinsipe Ang normal na buhay ni Liezel ay nagbago mula ng makapasok siya sa Surrexerunt Academy, at ang kapalit nito ay ang puso ng isa sa Princes of the Roses. Pero bakit sa iba tumitibok ang p...