Ako si Elizabeth, Elizabeth Tudor. Mas kilala ako sa tawag na "Queen" 10 years old na ako, anak nina Henry Tudor VII at Anne Inugami. Half Japanese si Mama, Si Papa naman ay pure English. Nagkakilala sila nang minsan nagpunta si Papa sa Japan for Business Trip. Galing si Papa sa pinakamayamang pamilya sa England, "Royal Family" kung tawagin. Ganun din si Mama, Isa sa pinakamayaman ang pamilya ni Mama sa Japan. Sa kasamaang palad maagang namatay si Mama dahil sa malubhang sakit. 1 year old pa lang ako nang mawala si Mama at pagkalipas ng 6 years si Papa naman ang pumanaw dahil din sa malubhang sakit. Nag iisa na lang ako ngayon at minana kong lahat ng mga kayamanan na iniwan nila Mama at Papa kaya masasabi kong ako ang pinaka mayamang bata sa Japan ngayon. Sa England ako lumaki, pero simula sa araw na ito dito na ako sa Japan maninirahan. Pero hindi tungkol sa akin ang kwento na ito, tungkol ito sa kasalukuyang Butler ng pamilya at nagsisilbi na ring Guardian ko.
Siya si Xavier 24 years old, hindi ko alam ang buong pangalan niya pero ang alam ko mahaba talaga ang tunay na pangalan niya. 5 years old ako matapos mamatay si Papa pinaka kilala siya sakin ng lolo ng tatay niya na dati rin naming butler na si Gilbert na agad din namatay 1 taon matapos mamatay si Papa, sabi namatay daw sa sobrang katandaan, di na ko nagtaka dahil siya din ang butler nung bata pa si lolo. Sabi ni Gilbert simula daw sa araw na yun si Xavier na daw ang bahala sa akin.
Walang hindi kayang gawin si Xavier, kaya kung iisa isahin ko pa ang mga kaya niyang gawin baka tumanda na lang ako hindi ko pa siya natatapos, hindi ako exaggerated, sadyang nagsasabi lang ako ng totoo. kwento sa akin ng dati naming Butler na si Gilbert, bata pa lang daw si Xavier ay matinding pagsasanay na ang pinagdaanan niya para lang maging mahusay na butler ng pamilya namen, Nageexist daw ang pamilya nila para pagsilbihan at ialay ang buhay nila para sa pamilya namin, dagdag pa niya mas matindi daw ang training na ginawa ni Xavier kaysa sa kanya.
Bilang isa sa pinakamayaman na bata sa buong mundo hindi maiiwasan na may mga tao na gustong magtangka sa buhay ko para sa yaman ng pamilya ko, buti na lang andiyan si Xavier para protektahan ako at ang yaman ng pamilya. Naaalala ko 3 years ago sa England may grupo ng mga Mafia ang sumugod at pinagbabaril ang Palasyo kung saan kami nakatira, maraming mga bantay ang namatay para potektahan ang palsyo. napasin kong hindi na nila pinapuputukan ang palasyo pero hindi pa rin tumitigil ang putukan sa labas, sumilip ako sa bintana at nagulat sa aking mga nakita, si Xavier na nakikipagbarilan sa grupo ng Mafia ng mag isa gamit lang ang kanyang revolver na TAURUS RAGING BULL 500. 19 years old lang siya nun pero mahusay na siyang humawak ng baril, hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita dahil madaling naiilagan ni Xavier ang mga bala na parang isang bida sa mga napapanood kong action movies. naiimagine ko pa na habang nakikpagbarilan siya sa mga kalaban may backround music pa na "One Step Closer na kanta ng sikat na bandang Linkin Park. well mahilig talaga ko mag imagine ng mga bagay-bagay at lalong mahilig ako sa music especially mga rock songs. Wala pang isang minuto ay napatumba na niya lahat ng kalaban. Tahimik lang si Xavier at bihira lang ngumiti in short boring siya, pero habang pinapanood ko siya na nakikipagbarilan sa grupo ng mafia sa england ay nakangiti siya at parang enjoy na enjoy sa pagpatay sa mga kalaban. At netong nakaraan tatlong buwan paglabas namin ng airport sa Japan may 10 na Yakuza na may mga bitbit na samurai ang humarang samin habang papunta kami sa kotse na maghahatid sa mansyon na tutuluyan namin. Tinalo silang lahat ni Xavier gamit lang ang isang balisong na inorder niya online from Ebay.com.ph
Nagtatanong tuloy ako ngayon sa sarili ko kung tao ba talaga to'ng si Xavier dahil may mga kaya siyang gawin na hindi kapanipaniwala. Gwapo at maamo ang mukha ng butler namin na si Xavier, matangkad at maganda ang katawan kung tutuusin pwede siyang mag modelo at mag artista ngunit sa kabila ng mga magagandang panlabas na katangian ni Xavier may parang mabangis na hayop sa loob niya na kahit anong oras ay handang pumatay para lang maprotekhan ako. Kaya minsan natatakot din ako sa kanya pero kahit ganon meron parin siyang tinatagong cute side.
Malapit si Xavier sa mga hayop sa totoo nga niyan noong nasa England pa kami ay namasyal kami sa Zoo ni Xavier, habang naglalakad kami napansin kong wala masyadong tao sa area na pinaglalakaran namin hanggang sa nakakita kami ni Xavier ng isang malaking Tigre. normal lang ang magkaroon ng Tigre sa Zoo pero ang makakita ng Tigre sa Zoo at wala ito sa kanyang kulungan...??? agad akong nagtago sa likod ni Xavier takot na takot ako ng mga oras na yun tumatakbo papalapit sa amin ang Tigre napasigaw at napapikit nalang ako sa sobrang takot, maya maya ay idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang Tigre na nakikipag staring contest kay Xavier...Dahan-dahan na lumapit ang tigre kay Xavier, umupo ito at kinukuskus niya mukha niya sa hita ni Xavier, hinaplos naman ni Xavier ang ulo ng tigre umupo rin si Xavier at kinuha ang kamay ko. pinapahaplos din ni Xavier sa akin ang ulo ng tigre nung una ay ayaw ko nagkatinginan kami ni Xavier at nakita ko siyang ngumiti sa akin at alam ko na ang ngiting iyon ay patunay na safe hawakan ang tigre. Patuloy kaming namasyal sa Zoo ni Xavier habang ako ay nakasakay sa nakawalang tigre. naging malapit na rin ako sa tigre kaya naisipan kong bilhin na lang ang Tigre sa may ari Zoo at gawin Pet sa bahay at alam kong masaya rin si Xavier sa ginawa ko. bago pa naganap ang mga pangyayaring yun nakita ko ang Facebook ni Xavier na may selfie shot siya kasama ang mga Polar bear at wolf sa Antartica. ngayon ay naniniwala na ako na totoo ang picture na yun at hindi photoshop..
Naninirahan kami ngayon ni Xavier sa maliit na mansyon na dating bahay ni Mama dito sa Tokyo, Japan kasama ang pet namin na tigre na pinangalanan naming Richard, si Susana na tagapaglinis sa mansyon, Si Morgan ang aming cook, Si Marco ang aming driver at si Rose ang aming gardenero, oo lalaki si Rose. Kaming pito lang ang nakatira sa mansyon ayoko na kasi na madaming pang tauhan sa mansyon dahil si Xavier ay sapat na para sa akin at alam kong magiging maayos ang lahat habang buhay at kasama ko ang butler ko na si Xavier.
Ngayon ay natatakot ako, takot na takot feeling ko laging may mangyayari masama sa akin feeling ko lahat ng taong nakapaligid sa akin ay gusto akong patayin. "Nasaan si Xavier?" yan din ang tanong ko sa sarili ko, nasaan na nga ba si Xavier?
Isang linggo na ang nakalipas nung huli kong nakita si Xavier yun ay yung namasyal kami sa Osaka at inambush kami ng mga pinagsama-samang lakas ng mga Yakuza sa Japan madami sila hindi ko sila mabilang lahat sila ay may mga dalang armas , baril, samurai at kung anu-ano pang mga heavy weapon "Seriously?" tanong ko sa sarili ko. Nakita kong binulungan ni Xavier si Marco, lumuluha na ako nang pinigilan kong buksan ni Xavier ang pinto ng sasakyan dahil alam ko ang pinaplano niya haharapin niyang mag-isa ang mga humarang sa amin at papaunahin niya kami ni Marco sa pagtakas ngunit hinawakan ni Xavier ang kamay ko at ngumiti lamang siya sa akin, dali dali siyang lumabas ng sasakyan. binunot niya ang kanyang revolver at sabay kalampag niya sa aming sasakyan senyales na kailangan nang paandarin ni Marco ang sasakyan, habang papalayo kami dumungaw ako sa likod na bintana ng sasakyan nakita ko na may mga humahabol sa amin na agad din na napatumba ni Xavier gamit ang kanyang baril. Habang papalayo kami ay di ko na natatanaw si Xavier at tuluyan na akong umiyak sa sasakyan na parang batang inagawan ng candy habang nakaplay ang kantang “Mirage” na kanta ng K-rock band na Loveholic. Ito ang unang pagkakataon na nahiwalay ako kay Xavier.
Hanggang sa mga pagkakataong ito hindi pa rin namin nahahanap si Xavier pinatawag na din namin lahat ng mga magagaling na imbestigador sa japan kahit ang mga manghuhula at spirit medium ay nilapitan na namin. wala rin signs kung buhay o patay na ba siya, pero alam ko, nararamdaman ko na buhay pa si Xavier dahil alam kong tutuparin niya ang pangako niya sa akin.