Labstori Natin: Para sa Sangkatauhan

70 3 0
                                    

Bakit gayon na lamang ang nadarama

Sa tuwing magtatapon ng basura,

Tila isipan man din ay nababagabag,

Puso ay di mapigilan na mahabag

Nagdadalawang isip, naguguluhan

Ano ba ang meron, anong kabuluhan?

Sinasapian ata ng kabaliwan,

Hindi mapagtanto ang nararamdaman.

Tila may gustong ibulong ang basura

'Kala mo lang wala akong kwenta

Oh, kaibigan, ika'y nagkakamali

magagawan pa ng paraan kung sakali

Mag-isip-isip ka lang kung paano ba,

Maging malikhain at iyong makikita

Ang minsan mong gustong itapon

Ay magbibigay kulay nang di malaon

Sadyang mayroong mga bagay na gano'n

Masusubok ang pagkamalikhaing tuwina

Basta pinagana ang iyong nwimahinasyon,

Ang inaakalang basura, magiging obra.

Basura'y kathang-isip lamang natin

Ngunit kung tayo'y tititig sa ating paligid

Makakakita ng mga nakapansusulasok

Mga 'di napanghinayangan kaya nabulok.

Kaya ang dating kathang-isip lamang

Tila naisabuhay na natin ng tuluyan,

At ngayo'y di na maalis ang katotohanan

Susunod na mundo ang mapapamanahan.

Nasisira na nang tuluyan ang kapaligiran

Tapos ngayon, tayo'y nagsisisihan

Bagay na dapat nang mapagtuunan

Nang itong problema'y masolusyonan.

Dito kumukuha ng pangangailangan

Sipatin ang damdaming nakararamdam

Sa twinang pighati ng kapaligiran

Ito'y para rin sa'ting sangkatauhan.

Ang basura'y matutulad sa pagmamahal

Kung pahahalagahan, siyang magtatagal

May mga bagay diyan na pinahahalagahan

Di naman nakatutulong, palamuti lang.

Iba ang pagmamahal ng kapaligiran

Palagi niya tayong pinagbibigyan

Di nagsasalita, ngunit kapag nagsawa,

Lahat ng meron tayo ay mawawala.

--

Halaaaooouuuhhh!! Lagot ka! Hahaha! Reposted this here for some reason, may balak kasi ako sa naluma ko nang compilation :) Tsaka munting payo lang din naman ito kaya nailagay ko na rin po dito :>

Mga PAYO mula sa NGUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon