Chapter 6

921 13 1
                                    

Chapter 6 - What are you doing here?

(A/N: Louis' picture on the right side)

Naglakad kami ni Sasha papasok ng club. 

"Oh wait." sabi niya. "I forgot something."

"Anong nakalimutan mo?" tanong ko.

"Pumasok ka na sa loob. May kukuhanin lang ako sa kotse."

Napakunot yung noo ko. "Iiwanan mo ako dito? Mag-isa?" 

"Bakit naman kita tatakasan?" tanong niya. "Baliw ka ba?"

"Eh. Ang daming tao, iiwanan mo ako. Asan na ba yung mga sinasabi mong friends na ininvite mo ngayong gabi at may makasama ako."

"I can't go there looking like this?" tapos tinignan niya yung braso niya.

"Why?" tanong ko. "What is your problem this time?"

"I forgot my bangles." sagot niya.

"What!" medyo napasigaw ako. "You're impossible!"

"Nah, go on. Pumasok ka na, bilis. Go go go." sabi niya at tinutulak pa ako papasok sa loob. 

"Bilisan mo, ha? Pagbilang ko ng ten at wala ka pa, uuwi na ako." sabi ko. 

"Oo. Bilisan mo na pumasok ka na at makuha ko na. Wag nang maraming satsat sobrang bilis lang ng ten seconds. Go go go." sabi niya at tumakbo siya papunta sa sasakyan niya.

Tinitignan ko lang siya habang palayo siya. At napatawa ako. Pero meron akong nabangga. 

"I'm sorry.." sabi nung babae. Mahinhin siya at nakasuot siya ng make up. Pero kung titignang mabuti, para siyang teenager. Naalala ko kasi ang sarili ko sa kanya. Nagsuot siya siguro ng konting make up para makapasok siya sa loob. 

"Ako ang dapat mag-sorry. Ako yung hindi tumitingin sa dinadaanan." sagot ko naman. Pero nang titigan ko siyang mabuti, namumuo na yung luha sa mata niya. Kumunot yung noo ko. "I'm sorry. Are you crying?" tanong ko.

She nodded no. Pero biglang bumigay. Tumulo yung luha niya at hindi siya makatingin sakin. 

"Cha, wait lang!" napatingin ako sa lalaki sa may likuran niya. Tumakbo palayo yung babaeng kaninang umiiyak sa harapan ko. Pero hinawakan siya ng lalaki sa braso.

"Get off of me, will you?" sigaw naman nung babae. 

"Just let me explain. Pano tayo magkakaintindihan kung tatakbo takbo ka, ha? Yan ang ayaw ko sayo eh!" sigaw naman pabalik nung lalaki habang hindi pa rin niya binibitawan yung braso nung babaeng umiiyak. 

"Anong nangyayari? Bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong ni Sasha. Hindi ako sumagot kaya napatingin siya kung saan ako nakatingin. "Problema nila yan, hayaan mo na."

"Lagi ka nalang explain, explain! Pero lagi mo nalang ginagawa. Ako natigilan ko na ang nightlife ko, bakit ikaw, hindi mo magawa? Please lang.. gawin mo to para sa anak natin!" sigaw nung babae. Nagulat ako. She looks so young. At may anak na siya? 

"Body shot lang yun! Dare lang! Bakit ba?" tanong ng lalaki. "At tsaka yun, si Rozelle, anong masama kung nakaakbay ako sa kanya?"

I married the wrong man. (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon