Chapter 3: Scarlet Red

32 2 0
                                    

Chapter 3: Scarlet Red

Na alimpungatan ako ng may humila sa kumot ko tinignan ko naman ito ng papikit pikit pa.

Ang aga aga nangbubulabog itong baboy na to.

"Rue 5 minutes pa and aga aga pa"

Mahina kong sabi at dumapang matulog mga ilang saglit wala ng gumugulo sa akin buti naman para makakatulog pa ako.

~5 minutes later~

"F*ck!!" Mura ko ng bigla akong nagising ng may tumalon sa likod ko at umupo ng maayos. Sa sobrang bigat hindi ako maka galaw ng maayos. Feeling ko kasi may tatlong kaban ng bigas ang nakapatong sa likuran ko.

"Rue!! Bumaba ka dyan!! " inis na sabi ko subalit hindi ito umalis.

"Ayoko, pag umalis ako hindi ka babangon " sabi nito habang nakaupong tinatampal ang aking puwitan.

"Argg.! OK Rue,! panalo ka na babangon na ako kaya umalis ka na dyan!" Singhal ko kaya bumaba na ito.

Bumangon na ako at binuksan ang kurtina kaya nasilaw ako sa liwanag dulot nang sinag ng araw. Nang ma adjust na ang mata ko ay nag unat unat ako habang nakasimangot kay  Rue na prenteng naka upon sa kama.

Tsk.! akala mong hari ang baboy na to. Kung maka upo sa kama ko kala mong sakanya ah.

Pero teka nga. Parang tumaba pa siya lalo. Yung tipo na parang sumo wrestler kung tignan dahil sa katabaan.

"Ang taba mo na, Rue mag diet ka nga" sabi ko pero hindi ako pinasin tinalikuran lang niya ako.

Aba ang taray nito akala mong kung sino ah. Kung hindi ko lang ito mahal baka matagal ko na itong pinasalvage.

Ginawa ko na ang morning rituals ko at bumaba na sa kusina para mag luto.

Nagluto ako ng oh my so favorite steak. Wala kayong magagawa kung heavy meal agad ang kakainin ko sa breakfast. Madali kasi akong magutom.

"Rue breakfast!!" Tawag ko Kay Rue at binigay ang pagkain nya na agad niyang kinain.

"Sarap..!" Sabi ni Rue habang patay gutom kung kumain.

Kaya mukang baboy na si Rue eh lamon kasi ng lamon.

Inalis ko na ang paningin ko kay Rue at nag simula ng kumain.

Nang matapos na akong kumain kinuha ko na ang bag ko kay Rue na kanyang kinuha.

"Rue alis na ako bantayan mo ang bahay" sabi ko.

Mahirap na kasi ang panahon ngayon. Madaming mag nanakaw.

"Bye Red ingat..! Wag gumawa ng gulo..!" Sabi ni Rue sa akin na aking ikina irap.

Ano akala niya sa akin.? Bad student.? Pero, anyway kahit ganyan si Rue ay mahal na mahal ko yan. Siya nalang kasi ang nag iisa kong pamilya sa mundong ito simula ng mamatay ang foster parents ko.

Nag simula na akong mag lakad papuntang school.

Ay Oo nga pala I forgot to tell you.

The Dragon HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon