CHAPTER 54: ELUCIDATIONS

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos n'yang magsalita, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. He is staring at me like I'm the ugliest person on earth! Come on, Marx! After what you said?

"Tama nga ako, mukha kang binagyo. Lalo kang pumanget. Ilang araw ka bang hindi naligo?" nakacrossed arms pa s'ya habang nakatitig na para bang nandidiri.

Pero sa halip na mainis ako ay lalo pa akong natuwa sa kanya. Kaya naman, agad ko s'yang sinugod para yakapin.

"Thank you..." I mouthed.

"Get off me! What's with your smell?!" Bumitaw s'ya sa yakap saka ako itinulak. Ang arte talaga kahit kailan. Jusme, ang sarap tadyakan sa ano eh!

"Na-touch ako sa speech mo, kaya sige kuya Marx! Susundin ko po kayo." Ngumiti ako sa kanya.

"K-kuya your face!" he shouted.

"Kuya na kita, kasi you see a baby sister in me, 'di ba? I love you kuya! Yehey, may kapatid na ako!" para akong baliw, I know. Pero sa tanang buhay ko, ngayon lang yata ako natuwa sa kanya kaya lulubus-lubusin ko na.

"What the--? Ugh, bakit ko nga ba nasabi 'yun? This is so impossible! You're impossible!" frustrated pa 'yung mukha n'ya.

"Oo nga pala, para sabihin ko sa'yo, hindi lang pag-iyak at pag-eemote ang ginagawa ko sa kwarto ko 'no! Nagrereview din kaya ako!" pagrereklamo ko sa kanya.

"Fine, maligo ka na. Kulang ka lang siguro sa ligo." Tumalikod s'ya saka naglakad palayo.

"Naks, concerned si kuya. Yie! May kuya na ako!" sabi ko sa isip ko.

After thinking a million times about it, I've finally convinced myself to move forward...

'Cause he's right. Marx's right anyway.

Kaya nagdesisyon akong piliin ang mas makakabuti sa akin at sa pamilya ko. Hindi na ako magkukulong sa kwarto. Pipilitin kong hindi na isipin ang masasamang bagay na nangyari sa akin. Kasi napapagod na akong mag-isip at masaktan ng paulit-ulit.

Kinausap ko na rin ang guards namin na huwag magpapapasok ng kung sinu-sino. Ilang beses na raw kasing pumunta si Erwin sa mansyon para kausapin ako. Pati na rin si Ryan, oo pati s'ya. Naiinis ako sa kanya kasi nakipagsabwatan pa s'ya para lokohin lang ako.

----------------

Pagkatapos kumain, naisip kong mamasyal since wala naman akong klase sa review center ngayon. First time kong mamasyal pagkatapos ng mga nangyari. Ewan ko ba sa sarili ko, feeling ko tuloy ang OA ko dahil masyado akong nagpaapekto sa mga bagay-bagay. Eh sa simula palang naman, alam ko nang manloloko ang mga lalaki. Tsk.

Pero paglabas ko sa gate ng mansyon...

"Xia." Pinagmasdan ko s'ya sandali at saka umiwas ng tingin. Pagkakita ko sa kanya, parang bumalik ang lahat ng sakit.

"Xia, alam kong galit ka sa akin, pero kailangan mong malaman na---" tiningnan ko s'ya ng masama.

"Sssh. Enough with the explanations. Wala akong gana makinig ngayon o kahit kailan pa... so stay away from me, Ryan." Pagputol ko sa kanya.

"Xia, huwag mo naman sanang isara ang isip mo---"

"Isara ang isip? Wow. Ryan, ayoko ng gulo ngayon, okay? Pwede bang lubayan mo na ako? Kasi kahit anong paliwanag pa ang sabihin mo, wala na akong pakialam. Nakakapagod na. Ayoko nang mag-isip. Pagod na akong masaktan. Nakapagdesisyon na ako... kakalimutan ko na ang lahat, basta't huwag n'yo na akong guluhin." Tinalikuran ko na s'ya, pero nahawakan n'ya ang braso ko.

"Matatanggap ko kung hindi mo ako mapapatawad dahil kasali ako sa pagpapanggap ni Erwin, pero huwag ka naman sanang maging selfish dahil walang kinalaman si Errol dito! Pakinggan mo naman ako, kahit hindi na bilang si Ryan, kundi bilang kaibigan ng taong mahal mo... Si Errol, Xia... sana maisip mo na walang kasalanan si Errol sa lahat ng nangyari." Napatigil ako.

Not-so-Hard-to-GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon