Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

▪ 6 ▪

84.7K 1.8K 146
                                    

Background check

"Natanggap ka ba?"

Sandali kong binalingan ng tingin si Raffie bago ko binalik ang tingin ko sa mga papel na hawak ko. Bill 'yon ni nanay at kita kong wala akong kailangan bayaran.

Nababagabag ako dahil dito.

"Hindi ko pa alam," sagot ko.

"Sana matanggap ka! Ang dami kayang benefits sa'yo kung dito ka magta-trabaho!"

Dama ko ang saya sa kanya kaya napangiti na rin ako.

Ang tinutukoy niya ay ang pag-apply ko bilang nurse rito sa hospital mismo na pinagtatrabauhan niya at sa mismong hospital kung saan naka-admit si nanay.

"Ano naman?"

"Una, magkakasama tayo, pangalawa naman ay siguradong mababawi mo rin ang trabahong iniwan mo at, last but not the least... lagi mo pang makikita si Papa Carl!" aniya sabay hagikgik.

Napangiwi ako dahil sa huli niyang sinabi.

"Rafael, isang beses ko lang nakita ang taong 'yon at kahit kailan ay hindi na mauulit," paliwanag ko sa kanya.

Namilog ang mga mata niya sabay iling. Hinawakan niya ako sa braso at pinakatitigan sa mata.

"Friendy, it's Raffie... wala na si Rafael at isa pa, wag magsalita nang tapos. Sige kung ayaw mo... si Papa Uno na lang!"

Natigilan ako sa sinabi niya.

Si Uno?

Hindi ko mapigilan ang matawa na lang pag naaalala ko yung huli naming pagkikita. Sinong mag-aakalang makauusap ko siya nang maayos at nakasakay pa ako sa kotse niya?

Okay sana na maging kaibigan siya pero ayoko ng komplikasyon ngayon at alam kong malaking komplikasyon sa buhay niya ang magkaroon ng kaibigan na katulad ko.

"Si Uno? Sa'yo na siya, sige," saad ko.

Bumitaw ako sa kanya at pinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta sa ICU para tingnan ang nanay ko.

"Hah? Ayaw mo rin?" aniya.

"Ayoko," matigas kong wika.

"Hay nako! Bahala ka nga, basta ako kay Papa Carl ako boto for you! Puntahan kita mamaya, tapusin ko lang duty ko."

Tumango ako.

"Sige."

Napatingin ako muli sa hawak kong papel at nagpatuloy nang maglakad. Nakapagtataka talaga na wala na akong kailangan problemahin. Kailangan ko na lang hintayin na magising si nanay at pwedeng pwede kaming umalis na walang binabayarang isang kusing.

Sinubukan kong magtanong pero hindi rin daw nila kilala dahil utusan lang din ang nagbayad. Sabihin na natin, yung nakabangga kay nanay pero...

Evie!

Magpasalamat ka na lang at hindi na-hit and run ang nanay mo. Binayaran pa ang bills niyo sa hospital.

"Watch out."

Napasinghap ako nang may humawak sa kanang balikat ko para mapigilan ang pagtumba ko. Natamaan ako sa kaliwang balikat at kung hindi dahil sa taong sumalo sa akin ay marahil hinahalikan ko na ang semento ngayon.

"Pasenysa na po," paghingi ko ng paumanhin.

"It's okay," aniya sa matigas na ingles.

Para akong kikilabutan sa narinig kong boses. Pamilyar ito at dalawang tao pa lang ang narinig kong ganito kaganda ang boses pag nagsasalita lalo na sa salitang Ingles.

MONTGOMERY 5 : Waiting For SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon