She Misses Him Too

42.9K 905 6
                                    

She got home early. Maagang umalis si Yana mula sa opisina dahil nagyaya ang biyenan niyang babae na sa bahay na ng mga Jimenez siya magdinner. Nasa south ang opisina ng advertising agency na pinagtatrabahuan niya. Samantalang nasa norte naman ang bahay nila. Dahil alas kwatro pa lang ay umalis na siya ng opisina, bago mag alas siete ay nasa bahay na siya.

Pagkatapos mag ayos agad siyang pumunta sa bahay ng kanyang mga in-laws. Naabutan niya doon ang hipag na parang balisa at problemado.

"Rica! Kumusta?" Bati niya sa hipag. Kahit matanda ito sa kanila ni Ryan ng dalawang taon, nakasanayan na niya itong tawaging Rica lang dahil halos sabay na silang lumaki.

"Yana... Okay naman ako. Busy sa negosyo. Ikaw, kumusta?" Bati nito sa kanya at pilit na pinapasaya ang boses kahit alam niyang parang may problema at aligaga ito. Marahil ay busy nga lang talaga sa opisina.

Ito ang tumatayong Presidente ng chain of grocery stores ng pamilyang Jimenez. Mula ng magretire ang ama nila ni Ryan ay ito na ang humawak ng negosyo. Mas ginusto ni Ryan na magtrabaho sa ibang kompanya para magkaroon ito ng exposure. Graduate kasi ito ng Community Development at nagtatrabaho sa isang NGO.

Sa edad ni Rica na  bente nuebe wala siyang nabalitaan na naging boyfriend nito. Marahil ay sobrang busy talaga nito sa trabaho.

"Okay naman ako." Wika niya pero bakas pa din sa mukha ang lungkot.

"In time Yana, in time..." Sabi nito habang niyayakap siya.

Bumalong ang luha sa kanyang mata.

"Shhh... Don't cry Yana. Ayaw ni Ryan na makita kang ganyan." Sabi nito ng maramdaman ang ang pagyugyog ng balikat niya.

Kumalas siya ng yakap dito. Pinahid niya ang luha at pilit na ngumiti.

"Ayan... Dapat pretty ka pa din Sis. Tara na sa dining. Naghihintay na si Mommy at Daddy." Wika ni Rica.

Pumunta sila sa dining. Naroon na ang dalawang biyenan niya at ang mga katulong at iba pang kasambahay.

Nagtataka siyang napatingin kay Rica kung bakit tila espesyal ang dinner ngayon.

"Birthday ni Daddy." Sabi ni Rica.

Napasinghap siya. Nakalimutan niya na birthday nga pala ng biyenan ngayon.

Masyado na ba talaga akong naging makasarili at puro kalungkutan ko lang ang nasa isip ko?

"Happy Birthday Dad! Sorry po hindi ko naalala." Hinging paumanhin niya sa biyenan. Lumapit siya dito at niyakap ito.

"It's okay anak." Tinapik naman nito ang kanyang balikat.

"Okay guys! Let's eat." Pagpuputol naman ng kanyang biyenang babae.

Kumain silang lahat kasama ang mga katulong at kasambahay.

Likas na matulungin at mabait ang pamilya Jimenez kaya naman loyal ang mga nasasakupan ng mga ito.

Nagkape pa sila pagkatapos ng dinner.

Panay naman ang tingin ni Rica sa relo nito.  Bandang alas nwebe ng magpaalam ito na aalis at may babalikan pa daw sa opisina.

Makalipas ang isang oras matapos makipagkwentuhan sa byenang babae ay umuwi na din siya.

Pagdating sa bahay, agad siyang naghanda para matulog.

Pabiling biling sa higaan si Yana. Hindi siya makatulog.

Ilang araw na siyang ganito. Lagi niyang naaalala si Jordan. Ang init ng mga yakap nito. Ang mga halik na nangangako ng ligaya.

Pinilit pa rin niyang matulog kahit may gumugulo sa kanyang isipan.

Mayamaya pay napabalikwas siya ng bangon. Sapo niya ang kanyang ulo.

What's happening to me?

Isa lang ang solusyon sa nangyayari sa kanya. Ang pagbigyan ang sarili. Simple lang naman ang kailangan gawin kung hindi mawala sa isipan mo ang isang tao.

Ang puntahan ito!

Kinuha niya ang kanyang overnight bag. Nagbaon siya ng pangdalawang araw na damit. Matapos maayos ang mga gamit bumaba na siya at lumulan ng kotse.

Tiyak siya sa direksiyong tinatahak niya.

Dahil mag aalas dose na, ang mahigit dalawang oras pag may traffic na destinasyon ay nakuha niya ng tatlumpong minutong byahe lamang.

Nagpark siya sa katabing pay parking ng condominium building.

Nang maayos at masigurong safe na ang kanyang kotse. Naglakad na siya papunta sa condo. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng gusali.

The Virgin Widow Is Pregnant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon