Nung unang panahon may magandang beki sa napakalayong lugar maganda siya at mayaman.
"Aking Prinsesa,maari ba kitang pakasalan?" sabi sa akin ng isang lalaki. "Hindi maaari! Akin lang ang prinsesa" pagalit na sinabi ng lalaki sa unang lalaki. "Mike!" Sigaw sa akin ng dalawang lalaki."Mike! Hoy Mike! Gumising ka na hinahanap ka ni Amy" sigaw ni mama. Lintik ang ganda na ng panaginip ko eh.
"Mike,May laro kayo mamayang 12:30PM diba? mag-ayos ka na!" Pag mamadali na sabi sa akin ni Amy. Siya nga pala si Amy Bestfriend ko. 11 years old pa lang ako siya na ang kasama ko sa 5 taong lumipas at wala ka ng hahanapin sa kanya pag siya ang naging girlfriend mo. Maganda,buhok na dinaig pa yung naka rebond,fashionable,mabait at higit sa lahat galante. Pag kasama ko si Amy halos bumigat ako ng more than 1 kilo kakalibre niya sa akin ng kung ano-anong klaseng pagkain.
"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya habang humihikab. "11:30 na,bumangon ka na diyan!" pag-mamadaling sabi niya ulit sa akin. "Ano! Nako baka ma-late ako! Hintayin mo ko maliligo lang ako!" Sabi ko sa kanya habang nag mamadali akong bumangon. Sa kakamadali ko nadapa pa ako sa may pinto ng banyo. "Ahhhhh" Sigaw ko. "Mike! Ano nangyari?" Nag aalalang tanong sa akin ni Amy. "Eto,kakamadali ko natanga pa ko." sabi ko sa kanya habang hawak ko yung ilong ko. "Napango yata ako." Biro kong sabi kay Amy. "Tsaka ka na mag joke ma le-late ka na sa laro!" Sabi sa akin ni Amy. "Oo nga pala! Oh siya maliligo muna ko." Sabi ko sa kanya at nagmadali akong maligo baka kasi ma late ako sa laro! "Bilisan mo Beshang at baka default na kayo nag text na sa Josh." Pagmamadaling sabi ni Amy. "Eto na." Lumabas ako sa kwarto nang nakabihis na. "Mike kumain muna kayo bago kayo umalis." Sabi sa akin ni Mama. "Sige po." at nagmadali kaming kumain ni Amy. "Ma. Pahingi akong pera." sabi ko kay mama. "Wala akong pera dito ehh sa papa mo na lang ikaw manghingi."
"Tara na Mike ako na bahala sa pang gastos mo." Sabi ni Amy. "Ok." nag madali kaming umalis ni at pagdating namin sa court,kakasimula lang ng game. "Oh bakit ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni coach. "Sorry coach,late na kasi kong nagising eh."
"Oh siya mag sub ka na dun." Mag madali akong mag pa sub sa laro."Prrrrrrttttt!" Subtitution.
Pumasok na ko sa loob ng court. "Ok guys. Receive tayo ah." sabi ko sa mga ka team ko. Ako ang Quicker/Middle Blocker ng team namin. Ikaw ba naman maging 5'10 yung height ehh swerte pag hindi ka naging middle blocker.
"Prrrrrtttt!"
"Ok,ayan na receive tayo." Sabi ko sa kanila.
-Receive
-Set/Quick Set
-Spike/Quick Play
-Points!
Prrrttt!
"Hhhheeeeeyyyyy!" Sigaw naming lahat dahil sa bwena mano kong puntos. "GO MIKE! GO STORM SPIKER!" Cheer samin ni Amy. Tumagal ng mga 2 and 30 minutes ang laro namin at nanalo kami. "Nice one guys,galing niyo kanina." Sabi sa amin ni Coach habang naka ngiti. "Galing ni Mike P.O.G magkano yung laman?" Sabi sa akin ni Josh. Siya naman si Josh,Matagal ko na din na kaibigan si Josh. Magkakasing-edad lang kaming tatlo nila Josh at Amy. Makaros,makulit,mabait at gwapo. Pag kami ang magkakasama nila Amy at Josh daig pa namin ang naka tira ng Surubanggi.(Marijuana) Halos wala kaming ginawang tatlo pag magkakasama kundi tumawa ng tumawa. "Oo nga Mikaela,sabihin mo na kung magkano yung laman." Pagpupumilit ng mga ka team mates ko. "Oo na,eto na,Titignan ko na. Excited? nagmamadali may pupuntahan?" Pabiro kong sabi sa kanila. Nung pagtingin ko kung magkano yung price ng pagiging P.O.G. ,Wow! Galante yung nag pa-liga,700 pesos. "Ok guys,Let's go sa sizzlingan manlilibre ko." Sabi ko sa kanila. "Magkano yung laman?" Tanong sa akin ni Josh. "Gusto mong malaman? Sige,sasabihin ko sa iyo pero hindi ka na sasamang kumain." pabiro kong sabi sa kanya. "Wag niyo na kasing tanungin si Mike kung magkano yung Price ng P.O.G. kulit niyo kasi ehh ayan hindi na daw kayo isasamang kumain." Pabirong sabi ni Josh sa mga team mates namin. Ganda ng katawan netong si Josh pero hindi mo iisiping matakaw. Hayyyysss. Pag dating namin halos manguna si Josh sa counter at nagmadaling mag-order. "Ate. Isa nga pong Tapsilog tsaka isang extra rice at extra ulam na pork liempo." Sabi ni Josh sa counter. Grabe talaga tong si Josh daig pa yung hindi kumain ng 4 na araw kung maka order. "Hindi ka naman gutom?" Sabi ko kay josh habang naka taas yung isa kong kilay. "Parang hindi mo ko kilala pag kumain." Sabi ni Josh habang naka ngiti ng nakakaloko. "Sabagay. Matakaw ka nga pala." Pabiro kong sabi kay Josh. "Thank you." Sabj ni Josh. Aba talaga naman pong tanggap niyang matakaw siya. "Ikaw Amy? Ano gusto mo?" Tanong ko kay Amy. "Pork Sisig na lang yung akin." Sabi ni Amy. "Eh kayo? Ano oorderin niyo?" Tanong ko sa mga ka team mates ko. "Kung ano gusto mo." Sabi nila. "Ate paki bigyan nga po sila ng tigitig-isang lalaki." Sabi ko kay ateng nasa counter. "Hahahaha!" Tumawa silang lahat ng sabay-sabay. Inpernes,effective yung joke kong yun. "Sabi niyo kasi kung ano gusto ko yun na lang din inyo ehh. Ate Pork Sisig po sa amin,tsaka po yung Tapsi w/ extra rice at extra ulam na pork liempo." Mapapa hay naku na lang ako neto ehh im sure,wala ng matitirang price na natanggap ko ehh kay josh pa lang naman ubos na talaga hayyyyssss. "Ate isa pa nga pong extra rice." Sabi ni Josh sa counter. "Aba! Talagang wala kang kabusugan ano?" Sabi ko sa kanya. "Hayyy naku. Parang hindi mo naman ako kilala eh." Sabi niya sa akin na ginagaya si onyok ng Ang Probinsyano. "Ebi Meshne Pashnea!" Pabirong sigaw ko kay josh. Oh diba very much Pirena haha Peace ;-) "Ano daw?"Tanong ni josh habang nakatabingi yung ulo. Pag lipas ng 25 minutes natapos kaming kumain. "Mag-kano na lang natira sa price mo?" tanong sa akin ni Amy. "150 na lang,nag hirap ako kay josh juice colored hayyys." Pabiro kong sabi kay Amy. "Hahaha parang hindi mo kilala yung kaibigan nating yun." Sabi ni Amy habang tumatawa.
YOU ARE READING
2 Men 1 Beki
RomanceWhat if Sa isang beki mangyari ang isang pangyayari na palaging sa mga babae lang nangyayari? A Love Triangle! Ano kaya ang gagawin niya? Alamin natin ang kwento ni Mike dito sa "2 Men 1 Beki"