Isang maulang umaga.
Naupo ako sa sofa at saka tiningnan ang namumukadkad na bulaklak ng sunflower. Sunflower pala ang binigay niya kung hindi pa namulaklak hindi ko pa malalaman na sunflower, si Jarvis talaga... Naalala ko tuloy ang sinabi ni Sandra kahapon, si Jarvis anak ng may-ari ng LD company at kulang na himatayin ako sa bigla ng marinig iyon. Wala naman sa itsura at kilos na yayamanin siya.
Sinara ko ag pinto at sumulyap sa unit ni Jarvis. Binuksan ko ang payong at tinanaw ang makulimlim na kalangitan saka humakbang papunta sa bus stop. Maaga pa lamang pero puno na ang bus, ayoko naman tumayo na lang dahil baka mukhang bruha na ako pagbaba sayang naman ang pa parlor ko. Yung ibang pasahero kahit umuulan nagtatakbuhan kapag may titigil na bus.
Nakakaramdam na ako ng sakit ng binti sa kahihintay ng bus, tiningnan ko ang relo....7pm na nagpasya na akong pag may dumaan na bus sasakay na din ako kahit nakatayo.
Beep! Beep! (malakas na busina ng kotse)
"Ay kalabaw!!!" gulat ko. Nakita kong napangiti ang katabi ko dahil sa sinabi ko.
tumigil sa tapat ko ang kulay silver na kotse.
Sumagi tuloy sa isip ko na sana may biglang ding humintong kotse sa harap ko tapos unti-unting bubukas ang bintana tapos lalabas ang prince charming mo at magtitinginan sa kanya ang mga pasaherong nag-aabang at mapapa-wow tapos lalapit sa akin at sasabihing "Alex, halika na."
"Miss!" kinulbit ako ng lalaki. Napatingin naman ako sa kanya.
"Miss, kanina ka pa niya tinatawag... nung lalaki sa kotse." Sabay turo at nakita ko ang isang lalaki naka suot ng blue long sleeve at black pants pababa ng kotse, inangat ang ulo at tinitigan ako. Si Jarvis ang gwapo...Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko namalayan kung kanina pa siya nasa harapan ko.
"Alex, halika na malalate na tayo." saka hinawakan ako sa kamay at pinasakay sa kotse. Tumabi siya sa akin. Tumingin ako sa driverseat at nginitian ako ng driver.
"Ikaw na ang mayaman at bakit ako naiilang sa kanya dahil ba ang gwapo niya ngayon?" Sa isip isip ko.
"Kamusta ka naman?" tanong ni Jarvis. Hindi niya pinahalata na lalo siyang humanga kay Alex dahil sa bago nitong itsura.
"Ok lang." matipid na sagot ko.
"Nahihirapan ka pa ba sa office?"
"Sir, hindi na po." Gusto ko sanang idagdag na hindi na simula ng dumating ka.
"Ano ka ba Alex wala pa tayo sa office kaya wag mo muna akong tawaging Sir." Nginitian ako. Nahalata din niyang naiilang sa kanya si Alex kaya inutusan niya ang driver niyang iturn-on ang car radio.
Nahihiya akong makasabay si Jarvis papasok sa office kaya nagpaalam ako sa kanya na mauuna na. Nagtataka naman si Jarvis bakit hindi siya hinintay, habang habol tingin sa nagmamadaling maglakad na si Alex.
Ring! Ring!
"Hello."
"Alex, punta ka sa office ni Sir Hero." Yun lang at binaba na. Ano kaya ang dahilan niya at pinatawag niya ako. Ayoko pa naman siyang makita dahil galit pa rin ako sa ginawa niya pero minsan naisip ko na ano naman ang dahilan ko para magalit sa kanya. Hindi ko naman siya boyfriend siguro dahil umasa lang ako sa pagmamahal niya.
Tok!Tok! Tok!
"Good morning Sir." Tumingin sa akin si Hero.
"Anong kailangan mo?" mahinahong tanong niya.
"Anong kailangan.. engot ba siya. Pinatawag niya ako tapos magtatanong siya." sa isip ko. Naiinis man ako sa tanong niya hindi ko pinahalata.
"Sir tumawag sa akin si Diane, pinatatawag nyo daw ako." Napakunot noo si Hero.
"Hindi kita pinatawag...baka si Jarvis." Pagkarinig ko agad akong tumalikod.
"Alex, wait." lumingon ako.
"Invite sana kitang mag dinner mamaya." Nang init ang ulo ko ng marinig yun.
"Sir, busy po ako." Pagkasagot ko lumabas na ako ng office."Kainis! Bigla na lang magyayayang mag dinner...baliw ba siya?. Pagkatapos niya akong paasahin at pahirapan sa trabaho." Nanggigigil ako sa galit.
Napasilip ako sa office ng Team A busy ang mga ito sa ginagawa, wala nang nagdadaldalan o naglalaro ng coc.
"O Alex, ano ang sinabi sa iyo ni Hero. Pinagalitan ka ba na naman?"
"Sandra, Hindi daw niya ako pinatawag at nung paalis na ako alam mo ba sinabi niya na "Invite sana kitang mag dinner mamaya. Kaasar!!!..."
"Baka nauntog ang ulo at liligawan ka ulit."
"Ligawan niya ang mukha niya. Ano gagawin niya akong pangalawang gf?" malakas na sabi ko at nagulat kami ni Sandra ng makitang nakatayo sa pintuan si Jarvis. Matagal nang nakatayo si Jarvis sa may pintuan at dahil busy sa pagkukuwentuhan si Alex at Sandra hindi nila napansin si Jarvis kaya rinig na rinig niya ang usapan ng dalawa.
"Good morning Sir." Ngumiti ito sa amin.
"Alex, punta ka sa office ko." Pagkasabi umalis na.
"Ang gwapo ni Jarvis ah. Mukhang hindi busy si Ceo, pumunta siya dito para tawagan ka lang Alex." Natatawang sabi ni Sandra.
"Ganyang talaga ang indemand."
"Alex, may itatanong ako sa iyo." Sabi ni Jarvis ng makitang dumating ako.
"Tingnan mo nga ito." Sabi niya habang nakatingin sa desktop niya. Tumabi ako sa kanya. Nakita ko na gumagawa siya ng plano ng bahay. Naisip ko tuloy na trabaho ba ng isang CEO ang magdesign ng bahay at mukhang hindi siya busy sa trabaho bilang CEO.
"Hmmmm...... Jarvis, dapat dagdagan mo pa ng mga halaman sa garden." Ginawa nga niya ang sinabi ko at pinanood ko siya sa kanyang ginagawa, hindi ko namalayan na naipatong ko ang baba ko sa balikat niya kaya napatingin siya sa akin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"Ay! Sorry nasanay lang kasi ako." Ganun kasi ang ginagawa ko dati sa kanya habang pinanonood siya sa ginagawa niya.
"Salamat Alex." Saka nginitian ako.
Ipagpapatuloy
BINABASA MO ANG
You found me My Hero
RomanceKay tagal kitang hinanap at pinangarap.------ Hero. Matagal man, natagpuan mo din ako. -----Alexandra. You Found Me My Hero.