Kabanata 6: Fighter's

701 26 0
                                    


Zoe POV

Natahimik ako sa sinabi ni Nicole tama naman sya. Laging ako ang kumukuha ng mg laruan nya na gusto ko kundi man nya ibigay si mommy ang kumukuha nito at binigay sa akin. Tama rin sya na dapat sinabi ko sa kanya kung bakit ako nagagalit sa kanya. Natauhan ako sa mga sinabi nya, dahil naging makasarili ako, iniisip ko lang yung kaligayahan ko at hindi ko iniisip na nakakasakit na pala ako at sa kapatid ko pa. Hindi ako makaimik dahil lahat yun totoo. Dapat inisip ko yung kapakanan nya at hindi lang ang sarili ko. Nagulat ako ng hilahin sya paupo ni Chloe dahil higit na mas mahal nya ito kesa sa akin. Ngayon ko lang napatunayan na mahal nya rin ako dahil ayaw nyang ma walang modo ako.

Noong una ang akala ko mas mahal nya si Nicole dahil lagi silang magkasama, laging magkahawak kamay. Ang hindi ko alam ay walang may gustong humawak sa kanya maging ako. Dahil masaya akong nakakapit sa mga kamay ni mommy habang si Chloe ay kay daddy at walang ibang hahawak sa bunso namin kundi si Chloe. Napagtanto ko na pantay ang pagmamahal nya sa aming dalawa, kung sino yung mas nangangailangan yun ang pupuntahan nya at tutulungan. Naaawa ako kay Nicole, ganun naba kasakit ang nagawa ko sa kanya? ganun naba ako kasama at kadamot? sa bunso namin?

Lumapit ako sa kanya. Ayukong mawala sya sa akin dahil kapatid ko sya. Dapat sya ang naiinggit sa amin at hindi ako, hindi si Chloe. Dapat hindi namin iparamdam sa kanya na nag-iisa lang sya, dapat lagi kaming nasa likod nya maging masaya man sya o nalulungkot.

"Nicole sorry, sorry kung naiinggit ako sayo,sorry kung laging ako ang dahilan kung bakit nawawalan ka ng kasayahan, sorry talaga Nicole, mahal ka ni Chloe at mahal kita, sorry na."

Niyakap ko sya ng mahigpit, yakap na punong-puno ng pagmamahal, pagmamahal na para lang sa mga kapatid ko. Niyakap rin kami ni Chloe at buo na naman ang solid triplets sister.

"Sorry na bunso pramis! hindi ko na ulit uulitin ang magalit at magtampo sayo, kung mangyari man yun sasabihin ko agad sayo na nagtatampo ako ok?" Niyakap nya kaming dalawa ni Chloe.

Sa pamamagitan nito alam kong accepted nya yung ginawa kong pagsosorry. Matapos yun ay nagpauna si Chloe na magharutan, pinatulungan namin sya na halos mamatay sa kakatawa. Ang mga luhang pumatak mula sa aming mga mata ay napalitan ng tears of joy. Masaya ako na nagkaroon ako ng kapatid na tahimik at kapatid na makulit. Panigurado hindi na sya muling mananahimik pa dahil ngayon palang ang ingay nya na. Hwag naman sanang maging tulad sya ni Chloe na hanggang pagtulog ay tumatawa. Lumabas kami ng kwarto ng magsawang magharutan at nanuod kami ng movie sa kwarto nila mommy dahil nandoon yung pinakamalaking tv.

Ang pinanuod namin ay yung "MAGKAPATID" nila Judy Ann Santos at Sharon Cuneta. Akmang akma sa pinagdaanan namin kanina. Halos maubos ang tissue nila mommy dahil sa aming tatlo. Hindi kasi namin maiwasang umiyak nung nalunod yung anak ni Sharon na napabayaan ni Juday, tapos yung binigay ni Juday ung isang anak nya para lang hindi magalit yung kapatid nya, haaay.. nakakaiyak talaga.

Pinakita sa movie na kahit anong sakit noong mga nangyari at nagawa mo, sa paglipas ng araw at panahon mapapatawad kapa rin ng kapatid mo dahil magkadugo kayo, magkarugtong na yung buhay nyo at hindi yun kayang baguhin ng isang pangyayari lang. Nagyakap kaming tatlo habang pinagpatuloy ang pag iyak. Para kaming nakagat ng napakaraming bubuyog dahil sa mga namamaga naming mga mata. Nagulat pa sila mommy paglabas namin ng kwarto nila at sila naman ni daddy ang papasok.

"Ok lang kayo Girls?" tanong ng reyna. Tumango kaming tatlo na magkakahawak kamay pa.

"Bakit ganyan ang mga itsura nyo?" segundang tanong hari.

"Nanuod po kami ng movie at nakakaiyak." sagot ni Chloe.

"Ok na ba kayong dalawa?" mommy na nakatingin sa akin at kay Nicole. Sabay kaming tumangong dalawa dahil pinisil ko ang mga kamay nya.

Buenavista Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon