Kristen's POV
Isang buwan din naming pinaghandaan itong binyag ni Thunder at sa wakas ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin.
Pinilit ako ni Zeke na dito nalang sa bahay gawin pero syempre ayaw ko, gusto ko bongga, masaya at elegante kasi anak ko na ang pinag-uusapan dito eh. Mabuti nalang at pumayag din si Zeke.
Ayon kasi sa kanya ay hindi safe kung nilalabas namin si Thunder, tama naman sya pero ang dami naming tauhan, idagdag mo pa ang mga tauhan ni Daddy na nakapalibot ngayon dito sa buong venue.
"Ang cute naman ng apo ko." It's Mom na kadarating lang. Kinuha nya sakin si baby pero mabilis namang sumingit ang magaling kong kapatid. "Mom! Me first!" Sigaw nito hanggang sa nag-agawan na sila pero umiyak si Thunder at kay Daddy pumunta. Nagtawanan tuloy kaming lahat, pati si Zeke na bihira lang kung tumawa.
"Ang daming bisita." Dinig kong komento ni Cindy. Tama sya, madami kaming inimbitahan, pati yung mga nasa ampunan nag-imbita rin kami.
"You okay wife?" Dumating si Zeke na kagagaling lang sa mga business associates nya. Ngumiti ako at tumango, lumapit naman sya at hinalikan ako sa noon. "Just stay here okay? If you need anything, just call me." Tumango ulit ako at naglakad na sya papunta sa mga bisita.
This feeling..It's vague but I'm sure that I'm happy. Happy seeing this people around me. Nakaupo lang ako hanggang sa may batang lumapit sakin at tinanong kung ako ang mommy ni baby Thunder. Ngumiti lang ako at saka tumango. "Mag-ingat po kayo." Yung ngiti ko, agad na naglaho. Sino ba ang batang ito?
Tumakbo na sya kaya muli kong sinulyapan sila Mommy na hanggang ngayon ay hawak parin si Thunder. Nakahinga naman ako ng maluwag, hinanap ko si Zeke at saka sya nilapitan.
"Kain tayo." Sabi ko
Nagpaalam kami sa mga kausap nya bago tumungo sa buffet table. "No desserts?" Tanong ni Zeke dun sa babaeng waiter. "Wait lang po sir." Ngingiti-ngiti pa sya. "Pakibilis. Hindi ko kailangan yang ngiti mo." Irap ko sa kanya kaya agad syang nag-seryoso.Naupo na kami ni Zeke na pangiti-ngiti. "Ngayon lang ulit kita nakitang magselos." I heard him say kaya tinignan ko sya. "Kasi nga ang gwapo mo masyado." Sagot ko sabay pisil sa ilong nya.
"I love you wife." Ngiti nya at saka ako sinubuan. Syempre sinubuan ko rin sya no. "I love you more hubby." Nagpalitan lang kami ng sweet lines hanggang sa maalala ko si Thunder.
"Zeke.. Zeke asan sila Mommy?" Agad nama syang napatayo at sabay naming inilibot ang paningin sa paligid. Nakita ko malapit sa table namin sina Breeze at Molly na naglalampungan. "Si Mommy?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa.. Nandun lang sila kanina eh." Pati sila ay nagsimula na ring mag-panic kaya tumakbo nalang ako papunta sa loob ng hotel pero bigo akong mahanap sila. Shit! Hindi pwede to!
Tumakbo ulit ako palabas ngunit napahinto ako ng sumalubong sakin ang nguso ng baril at paglitaw ng isang babaeng nakaitim. Maputi sya, matangkad at kung hindi ako nagkakamali, sya si Sayra.
"Hinahanap mo ang anak mo?" Ngisi nya kaya agad na sumiklab ang galit sa sistema ko. Akmang susugurin ko sya kaso narinig ko ang pagkasa nya ng baril kaya napahinto rin ako. "Sumama ka sakin." Ngumisi sya at sa kagustuhan kong makita ang anak ko ay hindi na ako nagdalawang isip pa na sumama sa kanya.
Nodelina's POV
Naantala ang pag-uusap namin ni Christine ng biglang lumapit si Molly at sinabing nawawala si Thunder. Nagmadaling kaming tumayo at tumakbo sa kinaroroonan ni Kiel na ngayon ay hindi mapakali habang may kausap sa cellphone.
BINABASA MO ANG
When Bitterness Strikes (COMPLETED)
RomanceLove can bring out the worst in you. This is the book II of my first written story here in wattpad entitled LOVE IS ABSTRACT. Read it first before continuing this. Thanks!