CBH: Chapter 2

6K 198 13
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

Every after ng klase ko, dumadaan muna ako sa coffee shop ko. Ewan ko ba, namagnet na ata ni Rhian, naaliw kasi ako sa mga kilos niya. Ang cute lang tignan.

Andito ako sa usual place ko, sa second floor na malapit sa bintana.

"Good afternoon ma'am, ano pong order nila?" Kapag sinuswerte ka nga naman, si Rhian pa talaga ang magseserve sa akin.

"I'll have one black coffee and Ice mocha, then 2 slice of strawberry cake. And please, ikaw ang magserve ok?" I told to her,

"Ok po ma'am" Rhian said.

Habang hinihintay yung order ko, pinagmamasdan ko ulit yung painting na ginawa niya, ginawa ko kasi tong wallpaper. Ilang saglit lang dumating na siya.

"Here's your order ma'am" inayos na ni Rhian yung mga inorder ko.

"Have a sit" I said, alam kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Ma'am, baka may dumating na customers" pagtatanggi nito.

"Just sit ok. Kaya nga pang dalawang tao tong inorder ko eh. Sige na maupo ka na" buti naman at hindi na siya umangal.

"So Rhian, tell me about yourself" pagsisimula ko ng kwentuhan.

"Uhmm. Lumayas ako sa amin. Kasi sakal na sakal na ako sa dad ko, he wants to put me in our company, pero hindi ko yun gusto" sabi ko na nga ba eh, may kaya to.

"Ahh. Sabi ko na nga ba eh, anak mayaman ka, hahaha" I just laugh at her.

"Ang hinhin mo kasing kumilos kapag magttrabaho ka, tapos yung kutis mo, parang di naaarawan. So nagtatago ka sa dad mo!"

"Parang ganun na nga. Hehehe!. Sige po ma'am, maraming salamat po sa meryenda. Nabusog po ako. Sige ma'am, alis na po ako, baka pagalitan nanaman ako ng ni Mr.Reyes."

"Don't worry sagot kita! Hahaha. Sige na, mauna ka na" 

Hindi ko alam, kahit ang pangit ng una naming pagkikita ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Haizt.

After kong ubusin ang order ko. Umuwi na ako, para makapagpahinga at matapos ko na din yung lesson plan ko.

Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si dad.

"Glaiza anak." Ano nanaman kaya ang kailangan nito.

"Yes dad? Ano nanaman?"

"Malapit mo ng makilala ang fiancee mo. So better be prepared."

"Do I have a choice dad?" I ask him. Pero hindi ito sumagot.

"May sasabihin ka pa ba? Kasi dad, Im tired, gusto ko ng magpahinga" agad na akong umakyat sa kwarto ko. 
.
.
.
.
.
.
.
"So class, open you book on page 34. Answer letter A and B in a one whole sheet of paper. I'm giving you 20 minutes to answer." 

Hayss, usual day ko nanaman. Turo dito, turo doon. Kapagod. Sana bakasyon na. Sana uwian na, gusto ko ng magkape ulit.

"Ms.De Castro!" Tawag sa akin ni Chynna. Agad akong lumabas ng classroom.

"Bakit?" I ask her.

"Mamaya bar naman tayo. Kasama sila Kath at Sanya." Napalunok naman ako sa sinabi niyang pangalan.

"Bakit kasama si Sanya?" Ewan ko ba, naiinis ako kapag nakikita ko siya. Paano pinaasa ba naman ako nung college kami. 

"Ano ka ba, para namang di natin naging kaibigan yun. Tsaka Glai, its been 5 years, simula nung nagcollege tayo, hindi ka pa rin ba nakamove on?" 

Come Back HomeWhere stories live. Discover now