Chapter 2: Second Semester

32 0 0
                                    

Maaga ako nagising mas nauna pa ata ako sa alarm ko. Anu ba naman yan Kate excited lang? pagtingin ko 4:30 palang pala. Since di na din naman ako makatulog nag prepare nalang din ako ng maaga para sa outing.

5:15 na nung nakita kong may text pala si Ison sa cellphone ko. Tignan mo yung Friendster mo(isang social media site) silipin mo profile ni Mel . Since maaga pa naman sumaglit nalang muna ulit ako sa computer shop. Right after ko maglog-in hinanap ko na agad yung profile ni Mel. Wala naman akong nakitang kakaiba. Buti nalang online din si Ison sa ymail kaya nakapagchat ako agad.

Kitkat15: Kuya .... wala naman eh sinilip ko na yung profile wala akong makitang iba .. :(

Isonthegreat: Ah eh .. nakita ko kasi may isang profile dito kapangalan nya check mo nalang din.

Sinilip ko agad yung sinasabing profile ni Ison. Nagulat ako nung makita kong matagal na palang nagkikita si Mel at Monica. Nabasa ko ang mga messages nila sa wall nila pati ang mga pictures. Nakita ko din na yung singsing na hiniram sakin ni Mel ay ibinigay din pala nya kay Monica. So nagpropose syang gamit yung singsing ko pero ang sabi nya dati nawala daw nya.

Di ko maintindihan ang pakiramdan ko nung mga oras na iyon. Pakiramdam ko para akong sasabog sa galit. Sa sobrang inis ko pinaprint ko lahat ng pwede kong maging proof sa plano kong pagkumpronta kay Mel mamaya. Nagmamadali akong naglakad papunta sa PLDT kung san kami magkikita ng mga classmates ko. Mula sa kanto nakita kong wala pa din pala si Mel at yung service na ipinangako nya sa grupo. Since wala pa sya, napagisipan kong di nalang sumama. Wala na din kasi ako sa mood at ayokong matanung pa tungkol sa kanya kaya nagdecide nalang ako umiwas. Nagiwan nalang ako ng text kela Chezka at dumiretso nalang ako sa classroom at magisang umiyak.

Pagkatapos ng Sem-break ..

RED01: hmm Hi :)

Kitkat15: Oh jake ? napachat ka ata? :)

RED01: May sasabihin kasi ako pero nahihiya ako.

Kitkat15: Anu ba yun? Sabihin mo na ..

RED01: Ehh promise mo muna di ka magagalit ..

Kitkat15: anu ba kasi yun?! O_o'

RED01: <3 anu kasi eh ...

RED01: ..... <3

Kitkat15: jake di kita magets .. hahahha

RED01: Intayin mo ako mamaya sa entrance ng school. Dun sa mga bench usap tayo.

Kitkat15: Okay sige .. yun lang pala akala ko naman kung anu na..

RED01: Actually meron pa eh ..

RED01: Gusto ko lang sabihin na GUSTO kasi KITA ...

RED01: Sige mamaya nalang ahh usap tayo -- out nako ..

RED01 has signed out ..

"Chezka!!!" madali akong tumakbo papalapit sa bestfriend ko. Muntik pa akong madapa sa isang baitang ng hagdan na di ko kaagad napansin.

"Oh Kate anu problema? nagmamadali ka ata?" masusing tanong ni Chezka sabay inom sa milkshake na hawak nya. Sa sobrang hingal ko mula sa pagtakbo medyo nahirapan akong simulan yung kwento na dapat sasabihin ko kay Chezka. Ay naku naman bakit ba kasi ako tumakbo.

"Kachat ko si Jake kanina at di ka maniniwala sa nangyari .." dahan dahan kong sinimulan magkwento.

"Anu nga ba nangayari para magmadali ka ng ganyan?" muling nagtanong si Chezka.

"May gusto daw sya sakin at gusto nyang magusap kami kaya nagpapaantay sya sakin sa front gate sa may bench dun .." muli akong sumagot. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Naghahalong kaba at pagtataka sa bagay na sinabi ni Jake sa ymail ngayong umaga.

Paano ba naman kasi akong hindi magugulat? eh last sem lang wala namang ginawang matino si Jake sakin kundi mambwisi at mangasar sa araw araw nalang namin sa RTU. Nangunguna pa syang tumatawag sakin ng kung anu anu - Payatot, panget .. lahat nalang ata na pwede nya sabihin ginawa na nya. Obviously alam naman nilang lahat na pikon ako. Tapos ngayon sasabihin nyang may gusto sya sakin. Seryoso kaya yun? inisip ko ng maigi yung mga sinasabi nya sakin. Parang di pa kasi talaga nagsink in yung chat namin kanina.

"Ay Aaron asan pala si Kuya Ryan?" biglang kong pagtanong kay Aaron na busy sa pakikipagkulitan sa iba pa naming mga kasama. I searched around the group at wala nga talaga sya. Nakakapagtaka naman.

"Hindi nya ba alam na first day natin today?" muli kong tanong.

"Sabi nya di na daw sya nakahabol sa enrollment kaya wala sya. Di nadin ata sya tutuloy eh.." sagot sakin ni Aaron.

"Ay ganun.. sayang naman yung effort nya."

"Eh ganun talaga eh" muling sagot ni Aaron. Nakakalungkot lang na di na pala papasok si Kuya Ryan kung kelan nagiging close na kami. I think I might actually like him kahit mukha syang mayabang. Soon enough dumating na nga si Jake. After namin magusap, nagdecide akong pumayag nang maligawan nya kasi I realized mukha naman syang sincere sa intention nya.

Makalipas ang ilang buwan, di rin nagtagal at naging kami din ni Jake. naging maayos naman lahat. Madalas na din namin nakakasama sila Aaron halos maghapon. I appreciate the times na sobrangg naging sweet si Jake. Ang di ko malilimutan sa lahat ay yung nangyari nung valentines day. Yun yung unang pagkakataon na may nagsurprise sakin. Pakiramdam ko nun napaka-special kong tao.

"Sinong magaakalang magiging kayo anu?" isang kumento na halos lahat ng classmates namin panay ang sabi na kagulat-gulat daw yung nangyari. Kilala kasi talaga si Jake na isang bully. Particularly, ako subjet nya parati. Yun naman pala may gusto kasi sya sakin kaya ako lagi yung napagtitripan nya. 

Naging masaya naman ako kasama si Jake. Kitang kita ko kasi sa kanya nung mga panahong iyon ang effort na binibigay nya to make it work. Pero sa kabila ng lahat, kahit na naging simple at madali yung mga araw kasama sila, di ko padin maiwasan isipin na sinagot ko lang si Jake dahil sa kagustuhan kong magmove on kay Mel. Aminado naman ako na mabigat padin sa loob ko pero sa pagkakataong ito, malaki din ang naitulong ni Jake sa pagmove on ko kaya pinilit ko nalang din na makuntento.

*********

My SerendipityWhere stories live. Discover now