Chapter 1: Miss President

32 1 0
                                    

Jaydee Lynn's Pov

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa aming classroom. Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil mahuhuli na ako sa klase pero bigla akong napatigil ng may humarang sakin na tatlong lalaki.

"What do you want?" tanong ko sa kanila, bigla namang napalingon ang lalaking may suot na bonet dahil nakatingin ito kanina sa hawak nyang cellphone at parang natigilan pa ito ng magtagpo ang mga mata naming dalawa na agad ko din namang binawi.

"Pwede ba kung may sasabihin kayo pwedeng pakibilisan o umalis na lang kayo dyan kasi nakaharang kayo sa daraanan ko dahil may klase pa akong dapat habulin." sabay tingin ko sa aking relong pambisig.

"Ang sungit naman niya." dinig kong bulong ng lalaking nasa kanang bahagi ng taong nakabonet, nasa gitna kasi ang may suot na bonet.

"May sinasabi ka?" tanong ko.

"Wala po." sagot naman nito.

"Hi miss beautiful! magtatanong lang sana kami kung nasa'n ang room ng 4-B?" tanong naman ng lalaking nasa kaliwa at talagang kumindat pa ito ha, napa irap na lang ako sa inis, akala naman nya madadala ako sa ganyan pwes tingnan natin.

"Bakit mukha ba akong tanungan dito?" sagot ko, pero ang totoo ay alam ko kung nasa'n, katabi lang kasi ito ng room namin.

Aalis na sana ako ng may bigla akong naalala at parang na konsensya naman ako sa aking tinuran para kasing bago lang sila dito.

"At tsaka, mga bobo ba kayo o sadyang tanga lang, anong silbi ng registration form n'yo kung di nyo naman ginagamit." Parang nagising naman ang tatlo sa aking sinabi at tuluyan na akong naglakad papalayo.

"Oo nga pala ba't di ko naisip yon?"
"Palibhasa wala kalang talagang isip!"
"Wow nahiya naman ako sa genius na katulad mo!"
"Aba, dapat lang no!"
"Tss."
rinig ko pang pagtatalo ng tatlo sa lakas ba naman ng mga boses nila.

Tatakbo pa sana ako ng naalala ko na late na pala ako, hay siguradong umuusok na 'yong ilong ni ma'am.

Nagbuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang pinto.

" You're late,  Miss Laurel!" pambunagad na sabi sa' kin ng teacher namin sa English na si Ma'am Flores. Nagsilingunan din ang mga kaklase ko habang ang kambal ay nag gesture pa sa'kin ng "lagot ka."

" I'm sorry ma'am."  hinging paumanhin ko dito.

" I know that you are aware that I'm very strict when it comes to the attendance right?"

"Yes ma'am!"

" It will serve as your first warning  Ms. Laurel and you
make sure that it will not happen again, or else it will affect your performance, is that clear? "

"Yes ma'am!"

" Okay, now go to your  seat. "

"Again, good morning 4-A!"

"Good morning ma'am!"

"Since all of you are already here,  I will repeat again what I have said awhile ago for the late comers. "

" So, as I have said every section in 4th year and even in lower years are required to have their  class officers because they will help to manage and also to participate to the every activities that we will have conducted by our school. They will serve also as your representatives in your section. But it doesn't mean that if you are not officers you will not participating to our  activities. "

" And one more thing select only those people who do you think deserve to become an officers especially to become a president, okay? "

" Okay ma'am! " sabay-sabay naming sabi.

"Okay, now let's begin, the table is now open for nomination of president."

"Anyone from the class who would like to nominate?" tanong ni ma'am ng mapansing walang gustong tumaas ng kamay, bakit sino ba naman ang gugustuhing maging isang class officer?. Maliban sa paggawa ng mga bagay na kailangan gawin para makakuha ng mataas na marka ay kailangan mo pang gampanan ang pagiging isang officer lalo na kung president ka pa. Kaya nga bilib ako sa mga taong gustong umako sa mabigat na responsibilidad na  dulot nito, pero syempre do'n lang sa mga taong ginagawa talaga ang mga tungkulin nila ng tama.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang itinaas ni Krizylle ang kamay niya.

"Yes, Kristylle?" tawag agad ni ma'am sa kanya, pero naku pati ba naman si ma'am nalilito sa dalawa, sabagay maliban sa mag kamukha si Krizylle at Kristylle dahil kambal sila ay halos pareho rin ang ayos at suot nila. Kaya naman talagang malilito ka pwera na lang kung matagal mo na silang kakilala at kasama.

"Ma'am, it's Krizylle" pag- aayos ni Krizylle dito.

"Whatever Miss Ranger! now begin on what you are going to say" suko ni ma'am dito.

"I'm proudly to nominate Jaydee Lynn Laurel to become a president!"

Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway ng marinig kong binanggit ang pangalan ko ni Krizylle.

"What! Ma'am, I object!" sabi ko.

May sasabihin pa sana ako ng makita kong 'di ako pinansin ni ma'am dahil busy sya sa pagsulat ng pangalan ko sa board at nanlaki ang mata ko ng makita ang salitang sinundan ng pangalan ko, oh no, it can't be!.

"But ma- -" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumingit si ma'am.

"No buts, Miss Laurel"  napa upo na lang ako sa inis at pagka dismaya dahil alam ko na wala na akong magagawa pa. Tiningnan ko na lang ng napaka masama si Krizylle na syang puno't dulo nito at ang bruha na gawa pa talagang ngumiti. Will let see kung makaka ngiti ka pa mamaya. Ako naman ang napa ngiti ng maka isip ako ng paraan kung pano ako makakabawi. Just wait Krizylle, just wait sabi ko sa isip ko with matching evil smile pa.

"Since I have noticed that there are no students who want to nominate or to become a president, so I have decided that Miss Jaydee Lynn Laurel is now your officially class president. So class please respect and follow her, okay?"

"Okay ma'am!"

"Now, let's continue..... "

'Di na ako nakinig pa dahil abala ako sa pagtingin sa aking relong pambisig at pag-iisip sa mga posibleng mangyayari mamaya. And I will patiently wait for it.

To be continued...

We're Meant To Be Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon