Trauma

60 2 0
                                    

                                                TRAUMA
                            A short story written by:Kidaaaaang

                         

                            "I fell throught the darkest fairytale"

                                                 -Ciara Tiu

Tahimik ang paligid.Tanging ang ingay lamang ng paghampas ng alon ang maririnig.Umihip ang malamig na simoy ng hangin.

Napatayo lahat ng balahibo ko.

Napakalamig,

Idadag pa ang dahilang suot suot ko lamang ay ang tanging maikling bestida na regalo niya pa saakin noong kaarawan ko.

Kasabay ng pagsayaw ng buhok ko sa hangin.Tumingala ako sa langit na punong puno ng mga kumikinang na bituin.

Napakaganda,

Bumaba ang aking tingin sa asul na karagatan.

Sa kabila ng dilim ay kitang kita parin ang kagandahan nito.

Sa tulong na rin ng maliwanag na buwan.

Dahan dahan akong bumuntong hininga.
Pinagmasdan ko lamang ang paligid,hindi alintana ang lamig na bumabalot sa buong katawan,kasabay ng pagkuskos ng aking mga palad.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng init na tila isang mahigpit na yakap mula sakaniya.

Napangiti ako,

"Malamig rito,bumalik ka na sa loob"aking tugon.

Hindi siya sumagot at ramdam ko pa rin ang init sa'king katawan gawa ng mahigpit niyang yakap mula sa likuran.

'Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan'

Wika ko sa aking isipan.

Ilang sandali pa'y,dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap saakin.

Bigla akong binalot ng kaba.

Bumabalik na naman saakin ang lahat ng nakaraan.

Ang pakiramdam na tila unti unting pinapatay ang aking sistema.

Ayoko,

Ayokong mawala siya,

Ayokong mawala siya sa'kin,

Ayokong mawala siya sa'kin muli.

Lumingon ako sa likuran upang hanapin siya,

"Zed?"kinakabahang tawag ko

Tumunog ang dagat na tila may isang taong umahon rito.

Napalingon ako sa lugar kung saan nagmumula ang tunog at napagtantong naroon lamang ang hinahanap ko.

Salamat at nariyan ka lang pala,

Nakahinga ako ng maluwag.

Ngumiti ako't lumapit sakaniyang kinaroroonan.

"Anong ginagawa mo diyan?"

Imbes na sagutin ay imwinestra niya lamang saakin na lumapit sakaniya at sabayan siya sa tubig.

Tumawa ako't umiling.

Hinintay niya parin ang pag apak ko sa tubig kahit na
sinabi ko nang ayaw ko.

Masyado siyang malakas para tanggihan ko.

Iiling-iling akong lumapit sa dagat.

Nakita ko ang unti unting pag angat ng kaniyang labi,
ang kaniyang pag ngiti,at ang pagkinang ng kaniyang mga mata.

Dahan dahan kong tinungo ang dagat,makarating lamang sakaniya.

Ngunit kalaunan ay lumalalim na ito ng lumalalim.

Hindi ko parin siya naaabot,hanggat sa hindi ko na natapakan ang buhangin.

Ang huli ko na lamang nakita ay ang pag ngisi niya bago siya nawala na parang bula.

At dahan dahan na akong lumubog sa tubig.

TRAUMA(One Shot Story)Where stories live. Discover now