**France calling**
Usually, I wanted to hung up on this girls' call, pero I prefer to answer it this time.
"Hello." i answered.
"Well, its a good thing that you finally answered my call."
"So, what do you want?"
"Sabi ni dad, if hindi ka pa rin magpapakasal sa akin, eventually, tatanggalin niya ang shares nya sa company nyo, and you will lose almost half of it. Malulugi ang company niyo, Melbourne."
"Don't you have other things to say France? Naririndi na ako sa mga linya mo na yan. Busy ako ngayon kaya please." ibaba ko na sana ang tawag pero biglang nagsalit si France.
"I'm pregnant."
At nababa ko ang linya.
"Anu raw? She's pregnant? Pero I'm sure walang nangyari sa aming dalawa." bulong ko sa isip ko.
Sumakay na ako sa kotse. Habang nagdadrive ako hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni France na buntis siya.
"Pero imposibleng ako ang ama!" sinuntok ko ang manibela ng kotse.
Hindi ko matandaan kung may nangyari sa aming dalawa nung gabing lasing na lasing ako dahil sa nangyari kay Phauwiee, pero si France lang ang kasama ko ng gabing iyon. Wala na ako sa sarili dahil lango ako sa alak.
"Shit!" sigaw ko. "Kung kailan naman aayusin ko na ang lahat, saka pa nagkaron ng ganitong aberya. "Dammit!"
---------------
"Mr. Melbourne? Are you listening?" tanong ng isang babaeng may edad na ngunit maganda pa rin. Bakas dito ang pagiging sopistikada, matalino at kasosyalan.
"Ah... Ah.. Ye.. Yes Ms. Villarin."
"Your thoughts seems to be flying somewhere. If you're not listening, we better stop this meeting." sagot nito.
"I'm.. I'm sorry Ms. Villarin. I just have a lot of things in my mind. A lot of things happened this past months..."
"Well, basically if you are off somewhere... Anyway, do you mind if I ask if where is Ms. Escaño? She personally talked to my assistant since I wasn't able to meet her at Tagaytay for the closure of the agreement on this project."
"Ms. Escaño... She's the main reason why I am here.." sagot ko
"Why? What happened? Did she resign?" Ms. Villarin is very eager to know Phauwiee's whereabouts.
"She's the reason why I'm late.. Why I'm having my thoughts off to some place.. She's in the hospital. Been in a comma state for 3 months. She just woke up a while ago before I arrived here. She-"
"WHAT?? MY POOR GIRL! BRING ME TO HER!"
Nagulat ako sa mga nasabi ni Ms. Villarin. Nagulat din ako sa mga inaksyon niya.
"Po? Poor girl?? Kilala niyo po ba siya??" napatanong ko.
"Please.. Please Melbourne, dalhin mo ako sa kanya! Dalhin mo ako sa anak ko!" pagmamakaawa ni Ms. Villarin.
"Anak??! Si...Sige po.."
Ngayon, unti-unti ng nagkakalinaw ang lahat. Kung bakit eager si Tito Lester na malaman kung sino si Ms. Villarin, kung nagkita na ba sila ni Phauwiee, kung bakit galit si Phauwiee sa magulang niya. Pero ang tanong is bakit nagkahiwalay si Phauwiee at si Ms. Villarin.
Sumakay na kami sa kotse ko. Sinusulyapan ko ng bahagya si Ms. Amanda. She's fidgeting. She's also tense and at the same time I felt like she was about to cry.
"Ms. Villarin, hindi ko po alam kung anong nangyayari.. Pero as far as I am concerned, hindi ko muna po kayo tatanungin.. This is not the right time for questioning. Pero I just wanted to inform you about her condition... She becomes unstable kapag nasstress siya.. May mga physical injuries pa rin siya up until now.. Yung mga paa niya, hindi ako sigurado kung naigagalaw na niya.. Ayaw niyang humarap o makita ang pamilya niya, ako.. And.."
"And even me... But i just wanted to see her... I badly... wanted to see her..." she burst out into tears.
Sabihin man na masama ako, pero I never tried to comfort her.. Its not because it would be awkward, pero gusto kong ilabas niya ang lahat ng nararamdaman niya. She's a mother. Mother's hurt the most kapag nakikita nila ang anak nilang nasasaktan.. Nanay ang mas naaapektuhan sa ganitong mga pagkakataon.
After the short conversation, we arrived at our destination. In the hospital. Dali-daling bumaba si Ms. Villarin, pina-vallet parking ko nalang ang sasakyan ko since nagmamadali kaming dalawa. Tinungo namin ang private room ni Phauwiee..
Huminga ng malalim ang mama niya.. Kumatok at pumasok ng pinto.
"Nurse, nakirot ang ulo ko?" nakita namin si Phauwiee na nakasandal sa mga unan niya, nakapikit at hinihimas ang parte kung saan sumasakit.
Naglakad ng dahan-dahan ang mama ni Phauwiee sa kanya.
"May gamot ka ban-.."
Hindi ko mabilang kung ilang segundo silang nagtitigan.
"Mama!" gulat na reaction ni Phauwiee.. Nakikita ko ang mga mata niya na nangingilid ang mga luha. Katulad din ng reaction niya ang kay Ms. Amanda.