JESSA POV.
Nagngingitngit ako sa galit ngayon.
Dahil kinaladkad ako ng mga tauhan ng daddy ko.
Hindi ko alam kong ano ang dahilan , papaano ko rin malalaman eh hindi ko nga sinasagot ang tawag nila pati text nila hindi ko pinapansin.
Tatlong araw pa lang kaming magkasama ni Jonald .
Katabi ko siya at nakatingin sa labas ng bintana.
Ano na naman ba ang iniisip mo Rinzo.
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pinikit.
Masarap talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong mahal mo.
"Ma'am nandito na po tayo".
Lumabas kami ng sasakyan at naglalakad na papasok , pero iba ang direksyon ang tinungo ni Jonald .
Sigurado akong sa garden siya pupunta.
Pagpasok ko ng sala nakaupo si Mommy at may kausap na lalaki.
Hindi nila ako napansin dahil nakatalikod sila sa akin.
Aalis na sana ako ng marinig ang pinag-usapan nila.
"Nandito ang video footage ng gabing nawala ang anak niyo". wika nito at may inabot sa mommy ko.
Nang ma play na ang video ay nakita ko ang kapatid ko na lumabas ng taxi at sumunod ang taxi driver at hinabol ito.
Napatakip ako sa bibig ko ng makitang may hawak palang kutsilyo ang driver.
"ANO NA ANG NANGYARI!?" sigaw ng mama ko.
Dahil hindi na namin nakita sa Video ang kapatid ko.
Nilipat ng lalaki ang video at nakita kong lumabas ang kapatid ko sa isang iskina habang may hawak na cellphone at nilagay sa tingga.
Parang nagunaw ang mundo ko ng maalala kong ako pala ang tinawagan niya sa mga oras na yan.
Napasandal ako at di ko namalang may masasandalan akong vase.
Kaya nakuha ang attention ni mommy sa akin ng may tumunog mabuti naman at naagapan kong hawakan ang vase.
Nakita kong naluluha na si Mommy.
Binalik ko ang attention ko sa video.
Nakita kong may isang babaing lumabas ng sasakyan at sa tingin ko ay magkilala sila dahil niyakap ito ng kapatid ko.
Tiningnan ko ito ng mabuti parang kilala ko siya pero hindi ko matukoy kong sino , ang pagkakatalikod niya parang nakita ko na.
"Sa tingin ko ay kilala ng anak mo ang kasama niya".
"Kung kilala nga ng anak ko ang babaing iyan , bakit hindi pa siya umuwi?"
"Wag kayong mag-alala dahil inimbestigahan na namin ang mga naging kaibigan ng anak niyo pero kulang pa ang impormasyon na nakuha namin".
Tumango si Mommy at nagpaalam na ang investigator.
"Mommy'" . pag-alinlangan kong wika.
Lalapit na sana ako ng may biglang nagsalita.
"Mommy , I'm sorry , I'm late , What's happened?".
Nalilito kong tiningnan ng palipat-lipat si Mommy at Ang babaing lumapit kay Mommy.
"MOMMY! ANO TO! BAKIT NANDITO ANG BABAING ITO!". sigaw ko dahil sa gulat.
"Anak , nakita ko na ang ate mo" masaya niyang wika sa akin.
BINABASA MO ANG
GANTI (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSa paningin ng iba wala na akong ginawang maganda kundi kapalpakan lamang. Sana hindi nalang ako na buhay dahil nagkalitsi-litsi ang buhay nila ng dahil sa akin. Masama bang maghagad na mahalin ka ng taong mahal mo? Ginawa ko ang lahat para maging...