Chapter 7 - Bullied and Broken

12 0 0
                                    

"Tara?" Pangingimbita ko kay Jassy para samahan ako sa canteen,  nahihiya na ako kay Sender. Tsaka nandito naman ang bestfriend ko.

She smiled and nods. "Leggo."

Masaya akong masaya ang kabigan ko. Nakikita ko yun sa mukha niya at guhit ng ngiti niya.

"Ano bibilhin mo?" Tanong ko.

"Buscuit nalang siguro." She said and unsure. Hindi siya ganito, usually bibili siya ng spaghetti.

"Sige gora." Sabi ko ang smiled at her.

Awkward. Yun ang nararamdaman ko. Dahil ba sa bf ng bestfriend ko ang mahal ko? I coudn't help it. Di ako galit sa kanya, nasasaktan lang ako.

Nakita ko naman na patakbo si Sender samin, may dala itong paperbag. He smiled at me, pero iba pa din ang ngiti at tingin niya pag kay Jassy. I looked at Jassy, ganun din siya makangiti. I forced to smile. Ang saya nila, ako lang yata yung nadudurog.

"Cheesy niyo.." I laughed at them. "Sender, bibili muna kami ng snack." I said at akmang hahawakan na ang kamay ng bestfriend ko. Pero nauna si Sender. Just looking at the hands, sobra na akong nasasaktan.

"Bumili na ako ng pagkain para kay Jassy." Sabi ni Sender sakin, tsaka tumingin ako sa kanya upang tumango.

"Ganun ba? Sige, ako nalang mag isa pupunta sa canteen." I shrugged. Ganito ako nung di ko pa masyadong nakakausap si Sender.

"Okay lang ba, Aizi?" Tanong ni Jassy. I wanted to shake my head, that it is not okay.

"Yes, oo naman. Sige." I started to walk. I felt this before, na nag iisa.

Pagkapasok ko palang sa Canteen, tropang hyper ang sumalubong sakin. Tinignan ko lang sila, at dumiretso nalang sa counter.  "One spaghetti and Pineapple Juice."

Dala ko na ang order ko sa tray ng mapansin kong wala ng table na available. I looked around hoping, na may maupuan ako.

"Here, Aizi!" Kaway ni Ven sakin. Meron ngang available na seat kasi mahabang table yung meron sila.

Di ko pinansin ang offer ng lalaking yun at lumakad lang ako habang naghahanap ng available seat. Ang malas ko naman ngayon. Do i have a choice? Take out nalang ba?

"Dali na dito Aizi." Hirit naman ni Elisse.

If i know may gagawin silang masama sakin. Hanggang ngayon wala pa din akong alam na dahilan para i-bully nila ako. Maybe wala silang pinipili.

"Aizi!" Kaway ulit ni Ven. I gave him a suspicious look, ganun din kay Vee na busy sa cellphone neto.

Bibilisan ko nalang kumain tsaka dapat aware ako sa pwede nilang gawin. This is next to suicide.

Naglakad na ako papunta sa table nila, at nilapag ang tray dun. I looked each one of them, si Ven and Elisse lang ang nakangiti. Si Paolo naman busy kaka cellphone. Si Yannah, tahimik lang na kumakain.

Umupo na ako. Nasa harap ko naman si Ven na nakatingin sakin. "Alam mo? Ang ganda mo pala."

Di ko alam ngunit it gave shivers on my spine. Nang iinit din ang pisngi ko. I tried to look okay, at tinarayan lang ang lalaki.

"Ven, kelan ka pa natutong mag sinungaling?" Taray naman ni Vee.

"Yeah, mas maganda pa din ang Vee ko." Singit naman ni Paolo.

Nagsimula na akong kumain at di sila pinansin. Inubos ko na ang kinakain ko sa loob ng sampung minuto. Di ko na gugustuhin pang magtagal dito, lalo na at nakatitig si Ven sakin.
I took a sip of my juice, at naubo ako sa ginawang pag wink ni Ven sakin.

"Tumigil ka nga." Nasabi ko sa kanya.

"Why?" He asked, still looking at me.

"Ewan ko nga sayo." Inayos ko ang tray ko at tumayo pero parang may kung anong dumikit sa skirt ko.

"What da!" Naiiyak na ako dahil sa apat na bubble gum sa skirt ko. Nandidiri akong hawakan kaya kumuha ako ng tissue.
Marami na ang nakatingin sakin, at nakangiti si Vee. Napatingin ako kay Ven, at busy na ito sa cellphone.

Yung iba pinagtatawanan, at naiyak na ako dahil sa kahihiyan. Kinuha ko nalang ang tray pero dahil sa pagdaan ni Paolo sa harap ko, nahulog ko ang plato ng spaghetti.

Napakagat ako sa lower lip ko para mapigilan ang pag iyak ko, pero kahit anong pilit ko, sunod sunod na luha ang lumabas sa mata ko. Mas lalo lang akong naiiyak dahil sa tawanan, di ako makakilos. Di ko alam ang gagawin sa basag na plato.

Move, Aizi. I thought. Huminga ako ng malalim at sinimulang kunin pero ang nakuha ko ay ang matalim kaya dumugo kagad yung daliri ko. Pero di ko iyon pinansin kahit masakit, mas nakakahiya yung ginagawa ko.

May lumapit na lalaki at tinulungan ako sa ginagawa ko.
"Umalis ka na." Tinignan ko ang lalaki, at ..

"B-Beiron?"

He smiled at me. "Ako na bahala dito. Baka ma late ka eh.

"Thank you, Beiron." Tumayo na ako at tumakbo palabas, iyak ng iyak. "Tahan na nga Aizi." Sambiy ko sa sarili ko.

Nag mumukha akong kaawa awa sa pag iyak ko.

Sa di kalayuan, nakita ko si Jassy and Sender. Hinalikan nito ang noo ng bestfriend.

"Kelan ba mawawala ang sakit na to?" Mas lalong sumisikip ang dibdib ko sa mga nangyayari ngayon araw.

-------

Vee's POV

Tinignan ko lang si Aizi habang pinupulot ang basag na plato. Nang dumating si Beiron. Pagkatapos nun pinaalis na ni Beiron si Aizi.

"Ano ba ginagawa niyo?" Tanong ni Beiron.

"Wala ka na dun." Sagot ko. Siya ang pinsan ko sa side ng Dad ko.

"Vee." He said with full of authority in his voice.

"Fine! Siya ang trip namin. Ayaw mo ba nun?" Tanong ko. Dahil sa babaeng yun kung bakit nagbago si Beiron.

"Hindi. Ayaw ko ng ginagawa niyo. Kaya tigilan mo siya Vee, at kayo din."

"Sige. Pero okay lang ba sayo mahal kong Vee?" Tanong ni Paolo na nakangiti sakin.

Naiinis ako sa mukha ni Paolo. Kaya tumayo ako at lumabas ng canteen.

"Ano ba problema ng Beiron na yun? Tsaka bat ba siya nandito? Nasa Davao siya dapat."

May lalaki naman na lumapit sakin at binigyan ako ng flowers. Isa din siyang masugid na manliligaw, pero di ko siya pinapansin.

"Vee, pansinin mo na ako."

"What is your name again?"

"Vee naman eh, Rafael nga kasi.." He said pouting.

"Galit ka? di wag." Binalik ko sa kanya yung bulaklak.

"Hindi.. hindi. Basta Rafael nga kasi." Binalik ulit niya bulaklak.

Mas makulit pa ang lalaking to kesa kay Paolo. Tinignan ko lang ito at ang laki ng ngiti. Tulad ni Beiron ang gusto kong lalaki, simple lang, yung sweet na may dating. Hindi isip bata.

"Honey labs! Hoy, Rafael, sakin nga kasi si Vee." Nang makalapit si Paolo, inakbayan ako.

Isa din ito.

I sighed heavily, lumakad na palayo.

Isa lang ang gusto ko.

ABANGAN!!

- - -  - -  -  -  -  -  -  -

[a/n] Hoped you like it. Dont forget to comment and suggest for names, nauubusan na ako ng pangalan eh. .
Finals na next week, pero in the second day try kong mag update. Thank you for reading.

Sender and Beiron in that photo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tropang HYPER and Miss PityWhere stories live. Discover now